Chapter 36

744 39 1
                                    

"Weee? Sus need mo lang ng pera eh!" Tumawa lang ito dahilan para panliitan ko siya ng mata.

"Ikaw bahala kung ayaw mong maniwala," ani niya.

"So anong kailangan mo?"

"Kailangan?"

"Kaya ka naman pumunta dito dahil may kailangan ka sa akin diba?" Napa cross arm ako. "Wag mong sabihin pumunta ka lang dito kasi trip mo."

"Parang ganun na nga." Napatampal nalang ako ng noo dahil sa sinabi niya.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o maiinis? Dahil baka sinundan siya ng ibang bodyguards na inutusan ni Theoron.

"Ano nalang ang mangyayari kung may nakasunod sa'yo?!" inis kong tanong sa kanya.

"Edi lagot 'yang lover boy." Mas lalo akong nainis.

Sarap niya sakalin!

"Magtatanan na kami ni Kieran!" Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko.

Nakangiti pa rin ito pero naramdaman ko nalang ang nakakatatakot niyang aura. Ano na naman bang problema nito?

"Kayo ba?"

"Huh?" Ano na naman pinagsasabi nito? "Ano na naman bang pinagsasabi mo?"

Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong braso dahilan para makaramdam ako ng takot. He's acting strange. Palagi naman siyang weird eh kaya dapat hindi na ako nababaguhan pero ewan ko, Nababaguhan ako.

"Bakit kayo magtatanan ni Kieran?"

"Nagbibiro lang naman ako pre." Tinulak ko siya ng mahina at binigyan ng boombastic side eye. "Ikalma ang puso pre, baka ako iyong mapatay." Nag peace sign ako at sinamaan niya ako ng tingin dahilan para mapaiwas ako.

"Your joke is not funny."

"Lahat naman ng joke ko eh hindi nakakatuwa." Napakamot nalang ako ng ulo ko. Nang magtama ang mata naming dalawa ay binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti dahilan para mapakunot ang noo niya. "Atlease ako ang kasiyahan niyo... Eme leng ehe."

Napatawa ito dahilan para tumawa din ako. Sabi ko na eh ako ang kasiyahan niya. 

"Ikaw talaga. Palagi ka nalang gumagawa ng paraan para magmukhang clown." Nawala ang ngiti ko sa kanyang sinabi.

Wow! Grabe ka naman! Clown talaga?! Sa dami-dami ng pwede mong sabihin clown talaga?! Magsasalita na sana ako pero bigla nalang may kumatok sa pinto ko.

Pagtingin ko kung saan nakatayo si Luan ay nawala na siya. Bumuga ako ng hangin. Ano pa bang inaasahan ko sa isang Luan Frias? Eh bigla bigla nalang talaga 'yon nawawala, may lahi ba naman 'yon na multo kaya kung ako sa inyo wag na kayo kay Luan baka ma ghost pa kayo—chariz!

"Oh ano na naman chismis mo beh?" walang gana kong tanong sa kanya.

"You need to go to Konan's house. He's acting crazy. Kapag hindi ka pa pumunta doon. I'm sure mawawalan 'yon ng bait niya."

"Huh? Akala ko ba..." Natigilan ako.

Kumunot ang aking noo. Nagtataka kung ano na ang nangyayari sa takbo ng kwento.

Hindi na ako nagtanong pa at agad lumabas. Muntik pa talaga ako mapasigaw ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Kieran habang nakakunot ang noo.

"Where are you going?" Umiwas ako ng tingin.

"Uhh... M-may bibilhin lang ako." Pinagmasdan niya pa ako.

Ewan ko ba pero kinabahan ako the way na pagmasdan niya ako. Napalunok nalang ako ng laway. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti dahilan para makahinga ako ng maluwag. Bakit feeling ko hindi niya ako papayagan?

"Sige mag iingat ka, Moon."

"Thank you, Kieran!" Agad ko siya niyakap at ng kumalas na ako ay nag thumbs up ako. "You're the best!" 

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad na ako tumakbo paalis baka mapano pa si Rose. Jusko! Sayang naman ang pag alay ko sa totoo kong katawan sa kanya para lang maligtas siya tapos mamamatay din naman siya sa huli!

•••

Agad ako kumatok sa kwarto ni Rose. Narinig ko siyang sumisigaw at may nababasag na something glass. Jusko! Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ibigay niyo siya sa akin!" sigaw niya.

Muntik pa talaga lumayo kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Narinig ko pang umiiyak siya.

"Kunin niyo na lahat! Wag lang siya! Hayop ka!" sigaw niya. Sumigaw pa siya ng sumigaw. "Hindi ko na kaya! Gusto ko ng mamatay!"

Agad ko binuksan ang pinto at gulat na gulat siyang nakatingin sa akin na para bang hindi inaasahan na nandito ako. 

Iyung buhok niya ay para ng lalaki—lalaki na talaga! Tapos wala na siyang damit pang itaas, puro din mga pasa ang kanyang katawan na para bang binugbog ito. At may sugat din siya sa bibig niya. Agad ako lumapit sa kanya. Gulat na gulat pa rin siya habang nag alala ako.

"M-moon? I-is that really you?" Agad siya lumapit sa akin at hinawakan ang pisnge ko.

Nawala ang awa ko sa kanya at napalitan ng takot. Nakikita ko sa kanyang mata na sabik na sabik siyang makita ako. What is happening? Ngumiti siya na para bang nawawalan ng bait.

"What happened to you, R-rose?" Pinagmasdan ko ang buo niyang katawan.

Ano na naman ba ang ginawa nila kay Rose? Kaya nababaliw ang anak nila eh kasi palagi nalang nilang binubogbog.

"Ilang araw na ako nag ha-hallucinate. I-ikaw ba talaga 'yan? O gawa-gawa lang yan ng utak ko?"

"Ako 'to, Rose. I'm sorry if iniwan kita." Agad ko siya niyakap.

Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Akala ko kasi kakayanin niya.

"I've been looking for you everywhere pero hindi kita makita. Kahit tanungin ko si Kieran wala ka talaga!"

What? Tinago talaga ako ni Kieran? Kumunot ang aking noo. Bakit naman niya ako itatago sa bestfriend ko? Pinunasan ko ang kanyang luha. Baka naman nag alala lang 'yon sa akin.

"Shh! Stop crying. I'm already here."

"Please don't leave me again, Moon. Hindi ko kakayanin!" Agad niya ako niyakap ng sobrang higpit. 

"Mahahanap ako ni Theoron." Napahinto siya sa sinabi ko.

Alam niyang hindi ako pwedeng manatili dito. Napailing ito at hinawakan ang dalawang braso ko dahilan para magulat ako.

"Pwede ka naman dito tumira. I-i can hide you, Moon! Just don't leave me please!"

"I-i can't."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon