Chapter 33

783 42 1
                                    

"Ha?" Hindi ako makapagsalita.

Anong ibang pagtingin? Nababaliw na ba siya? Bakit ba kung makaasta si Luan at Ezra ay parang may gusto sa akin si Theoron. Magkapatid naman kami eh. Hindi ko na talaga alam bakit ganyan ang pag iisip nila.

"I'm just joking." Hinaplos niya ang buhok ko. "Sige na pumunta ka na sa kuya mo. Baka lagot ka na naman nun?"

Ayy nako! Muntik ko ng makalimutan. Patay na naman ako nito. Tataliin na naman ako na parang aso.

"Sige na, Ezra! Kailangan ko ng umalis! Bye!"

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumakbo na ako.

Nang makabalik na ako kay kuya ay napahinto ako ng makita siyang nakatingin sa malaking bintana. Malamig itong nakatingin sa akin.

"Hi kuya. Pumunta lang ako sa cr." Umiwas siya ng tingin. Kahit wala itong ekspresyon alam kong hindi siya naniniwala sa akin.

"Kung magsisinungaling ka lang naman, dapat 'yong kapani-paniwala."

Sumeryoso ang aking tingin sa kanya. Napansin niya naman ito.

"May i ask you a question, older brother?" Hindi lang siya nagsalita at hinintay niya lang kung anong susunod kong sasabihin. "Why are you acting like this? Hindi ka naman ganito dati. Sabi mo ay para lang ito sa akin, but I know wala ka namang pake sa akin." Hindi talaga siya nagsalita. "Hindi talaga kita maintindihan kuya. Gusto mo ba si Kieran? Sabihin mo sa akin! Lalayo ako sa kanya!"

"I hate him."

"What?"

"Warning siya sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya ay kinakabahan ako sa kanya." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

"Baka type mo lang hindi mo lang talaga tanggap?" Tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa sinabi ko.

Totoo naman eh. Last time nga kita ko pang nangistalk siya kay Kieran tapos tinulak niya pa ako para hindi siya mahuli.

"Type? Do you think I'm gay?" Mukhang nainis siya.

Sabi ko na nga ba eh dapat kasi tumahimik na ako. Umiwas ako ng tingin at tinikom ang bibig.

"Hindi ah. Nasobraan lang ako kakabasa ng bl." Tumawa ako kahit awkward pero kahit pa tumawa ako ay hindi niya pa rin inalis ang kanyang tingin sa akin. 

"No, hindi mo ako nakikita as lalaki, right?" Tinignan ko siya sa mata.

Paano ko makikita sa kanya ang straight na lalaki kung alam ko naman kung anong pinaggagawa niya sa libro?

Ang harsh beh!

"N-nakikita naman." Ano ba iyan kahit anong sabihin ko ay hindi siya naniniwala. Bakit ba ako kinakabahan kapag siya na ang kaharap ko? Natatakot nalang talaga ako. "Ano naman silbe ng pag e-explain ko kung hindi mo naman ako papaniwalaan?!"

"Cause I know you, Moon. Alam ko kung nagsisinungaling ka sa akin o hindi," seryoso niyang sabi sa akin. 

"Bakit ngayon mo lang ako binibigyan ng atensyon?"

"Diba 'yon naman gusto mo? Bigyan ka ng atensyon."

"Pero hindi ito ang klasing gusto ko, Theoron. Nakakasakal ka na." Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Nakahanap ka lang ng bago ay itataboy mo na ako." Natigilan ako.

Ako? Tinataboy siya?

"Ikaw nga 'tong tinataboy ako eh," nakapout kong sabi.

•••

Ang ending nakatali na ako. Halos lahat ng katawan ko ay may tali na. Kulang nalang lutuin na nila ako. Napabuga nalang ako ng hangin. Wala na talaga akong pag asa. Hanggang ngayon wala pa din sign kung sino ang hinahanap ko.

'In order to break the curse, you need to find him.'

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Wala ngang sign eh! Lord! Bigyan niyo naman ako ng sign parang awa niyo na!

Gusto ko nalang maging hotdog.

"Help! Help!" Mas lalo ako nainis ng walang sumagot. Alam kong may tao sa labas pero wala man lang silang balak tulungan ako. "P*tang*na! Sabing tulong eh!"

Napabuga nalang ako ng hangin. Tatakas na talaga ako. Ayaw ko na dito. Dahan-dahan bumukas ang pinto kaya inis akong lumingon sa pintuan at napahinto lang ako ng makita si Kieran na papalapit sa akin.

"Kieran? What are you doing here?"

"Sinundan ko kayo." Tinignan niya ang buong katawan ko at ewan ko ba pero naiilang ako sa mga titig niya. "W-what happened to you?"

"Long story."

Pilit niyang tinatanggal ang higpit na pagkatali sa aking katawan. Medyo nasaktan nga ako. Nang matanggal na niya ang tali ay tinulungan niya akong tumayo. Ang sakit ng pwet ko kakaupo.

"Palagi ba nilang ginagawa ito sa'yo?" Halata sa boses at ekspresyon ng mukha niya na nag alala ito.

"Yes. Hindi ko talaga ma gets ang kuya ko." Umiling nalang ako.

"Hayaan mo nalang ang kuya mo. Naintindihan ko naman siya."

"Weeeh? Sige nga bakit niya 'to ginagawa?" irita kong tanong.

"He loves you." Natigilan ako sa sinabi niya.

Napangiwi na lamang ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi kapani-paniwala.

"Weeeeh? Hindi nga. Mukhang mas kinamumuhian pa nga niya ako."

"Really? Bakit iba ang nakikita ko?" Kumunot ang aking noo.

May narinig kaming footstep kaya bigla akong hinila ni Kieran at nagtago kami sa ilalim ng kama. Tinakpan niya ang bibig ko at sinenyasan na wag maingay.

Nakita ko ang paa na papalapit sa upuan ko kanina. I'm sure si Theoron ito.

"Escape..." Napakuyom ito ng kamao. "Again... You said you love me pero bakit mo ako iiwan?"

Napatingin sa akin si Kieran pero hindi ko lang pinansin. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Theoron. Why is he acting like this? Wala naman siyang pake kung umalis ako sa buhay niya.

Lumabas na si Theoron dahilan para makahinga na ako ng maluwag. Lumabas na si Kieran at nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tumayo na ako and he gave me a warm smile.

"See? Your kuya loves you so much that's why he's been doing this," mahinahon niyang sabi.

"Pinagtataka ko lang. Bakit siya ganito? I mean why is he acting like he is obsessed with me?" nagtataka kong tanong sa kanya.

He just smiled at me, "Naintindihan ko ang kuya mo. Do you want to stay here or come with me?"

Nilahad niya ang kamay niya sa akin at ewan ko ba nagdadalawang isip akong sumama sa kanya. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito parang may mangyayaring masama sa'kin.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon