Even if he didn't mention his name, alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Akala niya kapatid lang ang turing niya kay Kieran but Marerealize din ni Zhyeus ang feelings niya kay Kieran.
Sayang nga lang at hindi siya 'yong male lead. Lumingon ako sa bintana. Nararamdaman kong malapit na ako sa school na pinapasukan ni Theoron. Kailan ba dadating ang bida?!
"That boy is lucky to have a brother like you, Zhyeus." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
Ayaw ko kasing makitang nakatingin siya sa akin. Grabe naman kasi. Alam ko naman na gusto lang ni mama at papa na may kalaro ako pero hindi naman need na utusan pa nila si Zhyeus na bantayan ako.
Huminto na ang sasakyan kaya agad na ako lumabas. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.. Omg! Mas maganda pa siya sa personal kaysa sa iniimagine ko!
Nasaan na si Theoron? Batang 'yon iniwan ba naman ang cute niyang kapatid.
"Are you going to find your brother?" he asked.
"Yes." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko. Lumingon ako sa kanya.
"Hahanapin ko ang kuya mo at kailangan mo ng pumasok. Magsisimula na ang klase niyo in any minute."
"B-but—" Hindi na niya ako hinayaan magsalita at umalis na siya.
Tinignan ko lang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Tumalikod ako at natigilan ako ng makita ko na naman siya.
"You..." Tinaasan niya ako ng isang kilay. Agad siya lumapit sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hi! Ako nga pala si Rose Valiente! Diba ikaw si Moon Cervantes? Ang mama mo at ang parents ko ay magkaibigan."
"Uhh..." Jusko! Nagsisi na ako na iniwan ako dito ni Zhyeus!
"And from now on friends na tayo ha!"
What? Kailan pa naging friends si Rose at Moon?! Mag karibal nga sila eh!
"Hi—"
Agad na niya ako hinila papunta sa room namin. Something's not right. What in the world is happening?!
•••
Nang makalabas na kami sa classroom ay muntik na ako mapasigaw ng biglang yakapin ni Rose ang braso ko.
Hindi ba 'to nauubusan ng topic?
Rose Valiente or should I call him Konan Valiente. Fianceè ni Theoron. Same age lang kami. He fell inlove with Theoron but sadly to say Theoron fall inlove with Kieran.
He is sick being a nice person. Kahit ni isa hindi niya nakuha ang gusto niya that's why he become a villain and died.
Hahay. Grabe naman kasi si author kay Konan. Wala ni isa nagpapasaya sa kanya. I'm sure may kailangan sa akin ang bata na 'to. Ang bata-bata niya pa pero may balak na siya mag suicide.
"By the way, Moon. Sino 'to?" Napalingon ako sa lalaking kanina pa naghihintay sa akin.
Hindi ba siya pumasok sa school? Bakit siya nandito?
"Nasa garden siya," cold niyang sabi sa akin.
Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Nakadikit lang sa akin si Rose. Mukhang si Theoron ang pakay niya dito.
Nang makarating na kami sa garden ay nakita ko si Theoron na nakaupo sa bench habang nagbabasa ng libro. Omg! Ang gwapo niya! Hindi ko alam kung sino ang swerte si Kieran ba or siya?
He looked me at yayakapin ko na sana siya pero agad hinawakan ni Zhyeus ang wrist ko para pigilan niya ako. I see sinenyasan ni Theoron si Zhyeus na pigilan ako.
Lumapit sa akin si Rose, "Mukhang allergic 'yung kuya mo sa'yo."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Agad ko tinulak ang dalawa palabas. Mga batang 'to. Agad ako umupo sa tabi ni kuya. At kahit ni isa hindi man lang siya tumingin sa akin.
"Kuya, ano po ang binabasa niyo?" Mas lumapit pa ako sa kanya para makita kung anong binabasa nniya pero natigilan ako ng namalayan kong matalim ang kanyang titig sa akin.
"Stay away from me," he said.
Ha? Ano? Bingi ako eh, wala akong naririnig.
"Bakit po kayo nagbabasa ng ganyan? Diba sa mga matatanda lang po iyan?" Inosente ko siyang nilingon. Wala pa rin nagbago sa ekspresyon niya ang lamig niya pa rin makatitig sa akin na para bang gusto niyang malaman kung ano ang nasa isip ko.
"Why do you care?" Umiwas na siya ng tingin.
Kukunin ko na sana ang libro pero agad niya ako tinulak. Mabuti nalang talaga at hindi ako nahulog.
"Kuya, masama 'yan saiyo," nakapout kong sabi.
"I don't like you. Hindi ka ba aware?" seryoso niyang tanong sa akin.
Mangiyak-iyak naman ko siyang tinignan dahilan para mapangiwi siya.
"B-but I like you kuya." Tinaas ko pa ang kamay ko. "So much!"
"Ewan ko sa'yo. Nakakahiya ka." Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na siya umalis.
Nawala ang mangiyak-iyak kong ekspresyon at napalitan ng nakakairita. Napakamot nalang ako sa batok ko. Ba't ang tigas ng puso ng bata na 'yon?!
"Ako ang nahihiya sa'yo eh." Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Napamewang ako, "Mabuti naman at naisipan mo din dumalaw sa akin no! Saan ka ba nanggaling?"
Natigilan siya dahil sa tanong ko. Binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti at ginulo ang buhok ko.
"May binabantayan lang ako. Actually chinecheck ko lang kung buhay ka pa." Tinapik niya ang balikat ko dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. "I see that you're okay. Aalis na ako—bye!"
Hindi pa ako nakapagsalita ay bigla na siya naglaho.
"Hoy! Kailangan pa kita dito!" Ngunit wala ng sumagot. Napakamot nalang ako ng batok at mangiyak-iyak na lumabas ng garden.
•••
Ilang taon na din ang nakalipas and I am 15 years old now. Ganun pa din ang trato sa akin ni Theoron and guess what. Kapag lumalapit ako sa kanya, napapahamak ako.
At dito na magsisimula ang lovestory ni Kieran at Theoron.
"Omg! Excited na ako!"
"Ano ba ang ingay?!" Napatakip nalang ng tenga si Rose. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano na naman ba iniisip mo diyan, Moon? Idala nalang kaya kita sa mental. Napapadalas na 'yan ha."
Hindi ko nalang siya pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko kay Theoron na papalabas ng school.
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...