Malakas ko siyang tinulak at agad tumakbo palayo.
•••
Hindi ko na siya nakita pa simula nung nakita ko si Kieran and everytime Kieran come closer at me kinakabahan ako. Nagpapanggap lang pala siya na normal at inosente siya but all this time pare-pareho lang pala sila ni Theoron at 'yong iba pa.
"Is there something wrong?" Muntik na ako mabulunan ng bigla niya akong tanungin.
Lumingon ako sa kanya at grabe para akong natusok sa mga matang nakatingin sa akin. Nakakaloka! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?!
"W-wala naman." Napalunok ako ng laway.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mas lalong tumibok ang puso ko. Hinawakan ba naman ang ano niya tapos ngayon ay nakahawak na sa kamay ko.
"Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin ha? Tutulungan kita, pangako 'yan." Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Salamat, Kieran. Madami lang talaga akong iniisip. But don't mind me, I'm okay."
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at tumango lang siya but I know hindi siya naniniwala sa sinasabi ko and he started to doubt me.
Ano kaya ang mangyayari kapag alam niyang alam ko na ang totoong siya? He's a devil acting like an angel.
"Moon." I innocently looked at him at nakatingin na siya sa akin habang namumula ang kanyang pisnge.
"Yes?"
"Can I sleep with you?" Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya.
W-what matutulog siya sa tabi ko?! No! Hindi pwede! Napakunot ang noo ko ng makita ko si kuya Kiel sa likod niya.
"Umu- oo ka nalang. Magpapasalamat ka talaga sa akin."
Kahit man nagtataka ako ay tumango nalang ako dahilan para mas lalo itong mapangiti.
Nang matapos na kaming kumain, napagdesisyunan niyang siya nalang ang manghuhugas ng pinggan. Kahit sabihin ko man na ako nalang ay ayaw niya kaya hinayaan ko nalang siya.
"Bakit ba gusto mong matulog ako katabi kay Kieran?" Lumingon ako sa kanya at napa cross arm.
"Tsk! Pasalamat ka nga at niligtas kita, kundi patay ka na talaga." Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"What do you mean by that?"
"Fyi! Nakikita ko ang hinaharap. I know your destiny, Moon." Nanindig ang balahibo ko dahil sa tono ng pananalita niya.
Napalunok ako ng laway para hindi mabulol. Jusko! Hindi ko naman kasi alam na ganito pala ang mangyayari sa kwento na ito.
"I know now who is the evil one you're looking for," seryoso kong sabi sa kanya. I looked at him seriously at ganun din ang mata niya sa akin. "Si Kieran, tama ba?"
Matagal-tagal din ito bago nagsalita at tumango. Bumuga siya ng hangin. Ang daming katanungan sa isip ko.
"Why did I become the female lead in the story? It supposed to be Kieran? And why the f*ck is he like that?!" Hindi ko na talaga mapigilan ang inis at pagtataka ko sa nangyayari sa buhay ko.
"Because you're destined to be a female lead," seryoso niyang sabi sa akin.
"What?"
"That's why you're here in the first place." Napaatras ako. Hindi makapaniwala sa narinig ko. Malungkot siyang tumingin sa akin. Hinila niya ang wrist ko at sa isang iglap ay nakayakap na ako sa kanya. "I'm sorry this happened to you. Ginawa ko ang lahat para iligtas ka pero palagi nalang akong palpak."
Hindi ako makapagsalita dahil sa problemang pumapasok sa utak ko.
•••
'Your second mission is to find the reason why Kieran was here? And who is he?'
What does he mean na sino si Kieran? Siya si Kieran. Bakit niya pa tinatanong sa akin kung sino si Kieran? Napakamot nalang ako sa buhok ko dahil sa stress.
"Mababaliw na talaga ako."
Napatingin ako sa pagkain na dala-dala ko at napabuga ng hangin. Hindi kaya ako mas lalong mapapahamak sa ginagawa ko? Pero palagi nalang akong inaano ng konsensya ko kapag hinayaan nalang si Rose.
Tao 'yon eh.
Pumasok na ako sa secret door habang hindi pa rin nawawala sa aking sarili ang kaba na nararamdaman ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kahit wala itong electric fan or aircon ay malamig ito. Para bang may multong nakatira dito.
Napailing nalang ako sa naisip ko. Hindi naman siguro multo si Konan at minumulto niya ako diba?
"K-konan."
"You finally call me by my name." He looked at me coldly habang nakangiti ng nakakaloko.
Kahit nakaka-kadena man ito ay hindi pa rin maiwasan na matakot ako sa kanya. Napalunok nalang ako ng laway at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Kumalma nga ako, ngunit may natira pa rin takot sa aking katawan.
Umupo ako sa harap niya ganun pa rin ang kanyang titig sa akin. Wag mo naman ako titigan ng ganyan beh! Para namang may kasalanan ako sa'yo.
"I brought you some food," nahihiya kong sabi.
Shit! Ano ba 'tong pinasukan ko?!
"Are you having fun?" he asked seriously.
I just looked at him innocently. Walang kaalam-alam sa anong ibig niyang sabihin.
"Pardon?"
He smirked. Nagtatampo ba siya? Hindi ko naman siya shota para suyuin ko at wala rin siyang karapatan na magtampo kasi wala namang kami.
"Wag kang umastang hindi mo alam ang sinasabi ko." I just blinked my eyes. Ano na naman bang kasalanan ko sa lalaking 'to? "Masaya ka ba kay Kieran?"
"Bakit mo ba natanong niyan?" Kinuha ko ang plato sa sahig. "Alam mo kumain ka nalang. Gutom lang 'yan."
Sinubuan ko naman siya. Mabuti nalang at tinanggap niya pero hindi pa rin nawawala ang kanyang masamang tingin sa akin.
"Promise me, you won't fall for him." Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit niya ba naisip na mahuhulog ako sa lalaki na 'yon? Imposible naman kasi hindi naman ako papatol sa taong kagaya niya.
"I won't."
Nang matapos na niya ang pagkain niya ay aalis na sana ako pero bigla nalang siya nagsalita. Lumingon ako sa kanya.
"Baka pwede naman paliguan mo ako? Ang dumi-dumi ko na." Tinuro ko ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Ako?"
Napangiti ito ng nakakaloko at tumango.
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romansa(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...