Chapter 53

443 23 1
                                    

Nagsimula na akong maglakad habang pinagmamasdan ang bago kong school. Ibang-iba siya sa school na pinapasukan ko dati. Ang sosyal masyado, halatang pang mayaman lang.

There are 3 girls na humarang sa dinadaanan ko dahilan para mapakunot ang noo ko. Mukha silang maldita.

"You are?"

"Me?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Sino pa ba?" sabi nung naka blonde ang hair.

"Moon Cervantes." Baka ano pang gawin ng bully na 'to sa akin? Kawawa naman sila kapag nalaman ng demonyo na 'yon.

Napansin kong pasulyap-sulyap sa amin ang ibang estudyante, iyung iba naman ay walang pake at diretso lang sa paglakad. May binulong 'yong naka brown hair sa blonde at napatango ito.

"So you're Theoron Cervantes Sister?" Kahit nagdadalawang isip man ako ay napatango nalang ako.

"B-bakit anong problema?" I asked.

Nagtinginan ang tatlong babae sa isa't-isa at napangiti nalang nakakaloka. May masamang kutob ako dito. Kahit the way na tumingin sila sa isa't-isa ay na gets ko na agad ang gusto nilang iparating.

"You're our friends now."

"No thanks," diretso kong sagot.

Natahimik ang tatlo ng hindi man lang ako nagdadalawang isip na sagutin sila. Pasalamat nga kayo at iniligtas ko pa kayo.

"Hindi gaya ng nasa imagination niyo si kuya. I'm giving you a warning." Aalis na sana ako pero agad hinawakan ng naka green hair ang wrist ko.

Masama ang kanyang tingin sa akin, "We heard a rumor na may gusto ka daw sa kuya mo. Is that true?"

Namilog ang aking mata sa narinig ko. What?! Ako?! May gusto sa kuya ko?!

"Kaya naman pala. May gusto ka pala sa kuya mo?" Lumapit sa akin ang blonde hair at hinawakan ang buhok ko. "At gusto mo siya solohin?"

"Hindi—" Nagulat na lamang ako ng hinila niya ang buhok ko dahilan para mapapikit ang isa kong mata dahil sa sakit. "Aray!"

"Nakakadiri ka gurl!" Tumawa 'yong naka brown hair.

Sasampalin na sana ako ng naka blonde hair pero bigla nalang may humawak sa wrist niya dahilan para mapa 'ouch' ang palaka.

"Nambubully ka na naman, Dion." Familiar ang boses ng lalaki na 'yon. 

"K-konan." Anak ng tinapa! Sinasabi ko na nga ba eh! "But she started it!"

"I know you're lying. You're not going to fool me again." Inis na binawi ni Dion ang kamay niya at masama akong tinignan bago umalis.

Humarap sa akin si Konan at natigilan ito ng makita niya ang pagmumukha ko. Parang tumigil ang mundo ko ng magtagpo ang mata naming dalawa. I didn't expect he will be here. Mapaglaro nga ang tadhana. Kumunot ang kanyang noo.

"You seems familiar." Umiwas ako ng tingin. "Have we met before?"

"I'm certainly sure I haven't met you, sir. Now if you will excuse me." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis nalang.

Kahit naglalakad pa ako palayo sa kanya ay ramdam ko ang kanyang dalawang mata na nakatitig sa akin that makes me shiver.

•••

Sinara ko na ang libro at tumalikod na. Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla nalang ako may nabangga. Napalingon ako sa kanya, hindi ako makagalaw dahil sa hindi ko inaasahan na makita. Pati siya ay ganun din ang reaksyon.

"Z-zhyeus? H-how?—" Hindi pa man ako makagalaw ay agad niya ako niyakap.

Sobrang higpit na halos nahihirapan na akong huminga.

"I miss you so much, Moon." Hindi lang ako nagsalita dahil sa gulat. Kumalas na siya sa pagkakayakap at pinagmasdan ang buong katawan ko. Napangiti ito. "Is this really you? Hindi ba ito panaginip? You're real, right? Kamusta ka na? Saan ka ba nagpunta? I'm so worried about you."

"I'm trapped at Theoron's hand." Natigilan ito sa sinabi ko.

"Did he hurt you?" he asked seriously. Kahit seryoso man ang kanyang tono, halata naman sa ekspresyon sa kanyang mukha na nag alala ito sa akin.

I just smiled at him para mapakalma siya.

"Not yet." I heavily sighed. "Can I ask you a favor?"

"What is it?"

"Can you find Kieran for me?" Natigilan ito sa sinabi ko. Mas lalong sumeryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Mali yatang sa kanya pa ako humingi ng tulong.

Pero wala na akong malalapitan pa. Halata naman kasing hindi ako tutulungan ni Luan. 

"Diba sinabi ko na sa'yo na lumayo ka kay Kieran."

"I know but I have to met him!" alala kong sabi sa kanya.

"Bakit? Anong dahilan?" Halata sa pananalita niya na naiinis na siya pero pilit niyang pinapakalma ang boses niya para hindi ako masaktan. 

"May gusto akong malaman, Zhyeus. Siya lang ang makakasagot sa katanungan na gusto kong malaman."

"What? Ano bang pinagsasabi mo?"

"I'm not really Moon Cervantes," I said. Bumuga muna ako ng hangin. "I know mahirap paniwalaan pero my real name is Selena Valencia and this is not my real body." Hinawakan ko ang kamay niya. "Do you trust me, Zhyeus? Hindi talaga ako si Moon Cervantes. Ako ang nagligtas ni Kieran at sa'yo noon. Remember, may lumapit sa inyo na babae noon. Ako 'yon."

Napaatras siya dahil sa gulat. Mas matanda pa nga ako sa inyo. Naka immortal version nga lang ako.

"That's impossible." Hindi nalang ako nagsalita at hinintay nalang ang sagot niya na tulungan ako.

Siguro naman ay tutulungan niya na ako simula nung marinig niya ang totoo kong rason.

•••

"How's school?" he asked. 

Hindi lang ako nakatingin sa kanya at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Okay naman." Hindi pa rin nawawala ang matalim na tingin na kanina pa nakamasid sa akin.

Kapag umuuwi ako sa bahay. Hindi talaga ako komportable. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya slight.

"Are you sure?" he asked. "Or sinasabi mo lang iyan kasi alam mo ang mangyayari?"

"I'm telling the truth," seryoso kong sabi.

He heavily sighed at pinagpatuloy na niya ang pagkain niya.

•••

Agad ko tinapon ang sarili ko sa kama at napabuga ng hangin. Nakakapagod naman ang araw na ito! Hindi ko pa rin alam kung nasaan si Kieran.

Baka patay na 'yon? At ako naman itong baliw na hinahanap ang lalaking hindi naman sigurado kung buhay pa o patay.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon