Nilagay ko na kung saan ko nakita ang papel at nilibot ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na nanindig pala ang balahibo ko simula nung binasa ko ang nakasulat sa papel. Bakit ang papel na 'yon ay parang ilang taon na ang nakalipas na nandito?
Napahinto ako sa paglalakad ng bigla nalang sumakit ang dibdib ko. Nagtataka man ay napaupo ako sa sahig dahil sa sakit. Hindi alam kung anong nangyayari sa katawan ko.
"W-what the—"
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nilibot ang paningin ko sa paligid. Huminto lang ito ng makita ko si Kieran na alalang nakatingin sa akin.
Umupo ako at napahawak sa dibdib ko. Nawala na 'yong sakit sa dibdib ko. Nakita niya ba ako na pumasok sa silid niya?
"A-anong nangyari?" I asked.
"I think nahimatay ka kanina sa library." Ah, library pala 'yon.
"Ewan ko eh. Bigla nalang sumakit ang dibdib ko," taka kong sabi sa kanya.
Namamalik-mata ba ako? Pero feeling ko nakita ko siyang napa smirk eh.
"Hindi na ba siya masakit ngayon?" alala niyang tanong sa akin.
Mukhang namamalik-mata nga ako. Hindi naman siguro siya magiging masaya kapag may sakit ako no? What if may heart attack pala ang katawan ni Moon kaya biglang sumakit ang dibdib niya?
"Mamamatay na ba ako?" Lumingon ako sa kanya. Napahinto naman ito. "I don't want to die."
Mukhang hindi niya inaasahan na mag re-react ako ng ganito. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa likod ng ulo ko.
"Hindi ka mamamatay. As long as i'm here walang makakapanakit sa'yo." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya dahilan para magulat ako. "I will do anything, Moon. Ayaw kong makita na ganyan ang ekspresyon mo."
"What?" Huh? Anong pinagsasabi nito?
Kumalas siya sa pagkakayakap at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Ayaw kong makitang nalulungkot ka. Don't look at me like that, hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing ganyan ang tingin mo sa akin." Hinaplos niya ang pisnge ko. "Hindi ka mamamatay, okay? Trust me."
Tumango nalang ako. Hindi naman talaga ako mamamatay dahil pagsisikapin ko talagang makabalik sa totoo kong katawan.
"You will protect me, right?" Baka ikaw pa mismo ang papatay sa akin?
Hayst! Bakit ba ang sama ng nasa isip ko sa tuwing kaharap ko si Kieran? Eh hindi naman ako ganito before. Hindi pa rin ako makapaniwala na nawalan ng malay si Theoron ng dahil lang kay Kieran. Nakaka shocks!
"Yes, kahit pa kailangan ko pumatay ng tao para sa'yo ay gagawin ko." Natigilan ako sa sinabi niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng nakakapagtakang tingin. Hindi ito kayang sabihin ng totoong Kieran. Is this really the Kieran that I expected to met?
"Kieran. Is that a j-joke?" Mukhang nagulat siya sa reaksyon ko.
Hindi kasi ganitong Kieran ang naalala ko. Kieran is a kind person at kahit anong mangyari, kahit pa masama itong tao ay hindi niya kayang pumatay.
"Do you think nagbibiro ako?" he asked.
"U-umm... Yes."
He giggled dahilan para mas lalong mangunot ang noo ko. Anong nakakatawa? Hindi naman ako nagbibiro eh.
"Sa panahon ngayon, Moon. Kailangan mong pumatay upang mabuhay at maprotektahan ang mga taong mahal mo." Hinawakan niya ang aking pisnge habang nakangiti ng matamis. Hindi ako makapagsalita dahil sa aking narinig. Mukhang napansin niyang nagbago ang mood ko. Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm just... I love you so much, Moon at hinding-hindi ko kayang makitang gagaguhin ka ng mga taong nasa paligid mo."
Bakit parang nagsisinungaling siya? Ewan ko ba kahit na mukhang nagsasabi siya ng totoo ay hindi ako naniniwala.
"Yeah, right." Kahit in reality hindi ako papayag sa desisyon niya pero no choice ako ngayon, kailangan kong sumabay sa kanya.
"Ihahanda na muna kita ng makakain at pagkatapos niyan. Mag to-tour tayo sa bagong lugar na tinitirahan natin. Is that good?" Napatango nalang ako.
Umalis na siya at minake sure ko muna na wala na siya. Nang naramdaman kong nakalayo-layo na siya ay agad kong nilock ang pinto. Walang gana akong tumingin sa likod ko.
"I know nandito ka. Lumabas ka na kung ayaw mong umuwi ng wala ng natirang buhok sa ulo mo."
As expected. Lumabas nga ang baliw. Napapout itong nakaupo sa kama habang nakatingin sa akin.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" taas kilay niyang tanong.
Sus! Kung hindi lang ako pinalaki ng maayos ng magulang ko! Kanina ko pa siya napatay—charot!
"Kilala na kita, Kiel! Akala ko ba nakalimutan mo na ako?! Bakit ka nandito?!" mataray kong tanong.
"Hindi naman sa nakalimutan kita." Napakamot siya sa ulo niya kaya mas lalong sinamaan ko siya ng tingin. "Sadyang mission mo lang talaga iyan at wala akong karapatan na mangialam sa'yo."
"Mission?! Seriously?! Hindi ko naman ginusto na..." Natahimik ako ng mapagtanto kong mga kabobohan na ginawa ko dati. "Kahit na! Akala ko kasi may bl dito! Hindi ko naman alam na babago pala ang kwento!"
"Talagang magbabago ang kwento. Kung hindi ka naman nangialam dati edi sana may bl pa ngayon." Napamewang pa ito. Naalala ko tuloy si mama sa tuwing sinisermunan ako.
"Oo na! Kasalanan ko na! Pero hahayaan mo talaga akong mamatay dito?! Ito naman parang hindi nag grade 1!" Napakamot nalang ako ng ulo ko.
"Hindi naman talaga ako nakaranas ng grade 1." Napahinto ako sa kanyang sinabi. Nginitian niya lamang ako.
Nagbibiro ba ito o may saltik lang talaga sa utak niya?
"Ah basta!" Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyug ito. "You need to help me! Wag mong hayaan mamatay ako! Kiel!"
"Hindi na kuya tawag mo sa akin?" mataray niyang tanong.
'tong bakla 'to. Ang choosy talaga. Eh mukhang same age naman kami eh.
"May kasalanan ka pa rin sa akin."
"Hindi naman kita jowa para suyuin kita." Tumahimik siya at nag isip-isip. Dahan-dahan nag iba ang ekspresyon sa kanyang mukha at kahit wala pa siyang sinasabi ay alam kong nandidiri siya.
"Grabe ka naman sa akin, Kiel! Hindi naman ako ganyan kapanget para pandirian mo. Wag ka ring mag alala no?! Hindi-hindi ako papatol sa'yo! Kakaloka!"
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...