Chapter 51

549 21 1
                                    

"What? You're going to enroll me to another school?!" hindi makapaniwalang panigurado ko.

Pero sayang naman 'yong scholarship na natanggap ko sa school na pinapasukan ko ngayon. Mawawala 'yong scholarship ko kapag nag transfer ako sa ibang school.

"Yes. Why? Is there any problem?" he asked. Diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"W-wala naman." Napalunok ako ng laway. Nagpapanggap na okay lang sa akin ang lahat. Wala rin naman akong choice eh kundi sumunod sa kanya. "Nagulat lang ako. Bigla-biglaan kasi."

He heavily sighed. Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin niya.

"Whether you like it or not, lilipat ka ng school." Hindi nalang ako nagsalita at umalis nalang.

•••

Napahilot ako sa sintido ko, "Masaya ka bang pinagmamasdan akong nai-istress sa nangyayari sa buhay ko?"

Walang gana akong tumingin sa kanya. Napapout lang ito at napabuga ng hangin.

"Mahal kita, Moon." Pinanliitan ko siya ng mata. "As a friend, a daughter ganun."

"Daughter?" Napangiwi ako at umiling. "Mukhang ngang mas matanda pa ako sa'yo eh! Daughter mo mukha mo! Kung makaasta ka para ka namang papatol sa nanay ko?!"

"Why not?" He smiled playfully. "Attractive naman mama mo."

He winked at me dahilan para agad ko siyang mabatukan.

"Kadiri ka! Ang tanda-tanda na ng mama ko! Papatol ka pa?!" nandidiri kong sabi.

"Diba sinabi ko na sa'yo na matanda na ako. Mukha lang akong bata pero ilang taon na akong naninirahan sa not so called world na 'to," walang gana niyang sabi.

"You can't blame me! Magmukha ka ngang matanda para hindi ko na makalimutan sa susunod!" irita kong sabi.

"Ayaw ko! Mas na-eenjoy ko ang sarili ko kapag gwapo ako." Kumindat na naman ito dahilan para mapairap ako.

Wala na talagang nagawang tama si Kiel—charot.

"Sino ba kasi ang may gawa ng nobela na ito para masampal ko?!" Tumawa ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hulaan ko, hinding-hindi mo masasampal ang gumawa nito. Baka tumakbo ka pa?" natatawa niyang sabi.

Umiling nalang ako habang halata sa aking mukha ang inis na nararamdaman ko.

"Chasing love." Natigilan siya sa sinabi ko. "Same lang ba ng author ang nagsulat sa captivated hearts?"

"Paano mo nalaman ang word na chasing love?" he asked. Hindi pa rin ito makapaniwala, halatang nagulat siya.

Ako na naman 'yong mapaglarong ngumiting nakatingin sa kanya. Ano ka ngayon? Ano sa feeling ha?!

"Akala ko ba nakabantay ka sa akin?" mapaglaro kong tanong. "May iba ka pa palang binabantayan. Tsk! Akala ko ako lang."

Nagulat ako ng agad siya pumunta sa harapan ko at hinawakan ang balikat ko.

"Tell me the truth, Moon! Paano mo nalaman ang chasing love!"

"Normal! I've found out here in this f*cking story!" inis kong sabi sa kanya. Natigilan ito na para bang alam na niya ang mangyayari at natatakot siya sa mangyayari. Pinagmasdan ko lang siyang umatras ng kunti habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. "D-don't look at me like that. You're scaring me."

"Tama nga ang hinala ko. He's here." Napalunok pa ito ng laway kaya alam kong may hindi magandang mangyayari.

"You need to be more extra careful. Nandito na siya." Kumunot ang aking noo. Anong pinagsasabi niyang nandito na siya?

"What are you talking about, Kiel? Sinong nandito?"

"Kieran." Mas lalo akong nagtaka ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki na 'yon. "You need to kill him."

He gave me a knife dahilan para mamilog ang aking mata. Agad ko tinapon ang kutsilyo at sinampal siya habang masama akong nakatingin sa kanya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Kiel?! Hindi ako kagaya nila para pumatay ng tao! Hindi ako kasing sama nila, Kiel!" Tumulo na ang luha ko. "Ano?! Kailangan ko pa talagang pumatay ng tao para mabuhay ako?! Hindi ako pinalaki ng ganun ng magulang ko! I will never kill anyone just to save myself!"

"I-i'm sorry, pero wala na tayong choice. If you don't kill him, he will kill you." Natahimik nalang ako.

"Hindi ko siya nakita." Tumingin ako sa kanyang mata ng diretso. "Hindi ko alam kung saan siya nilagay ni Theoron."

"You need to find him as a soon as possible, Moon. We're running out of time."

"What?"

Nagulat nalang ako ng bigla siyang nawala sa paningin ko. Hindi ako makagalaw dahil sa iniisip ko ang nangyayari sa buhay ko ngayon.

Napahilot nalang ako sa sintido ko at napaupo sa sahig dahil sa stress na nararamdaman ko. Tumulo na ang aking luha, gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong.

Hindi ko na kaya! I want to give up!

Napakuyom nalang ako ng kamao at bumuga ng hangin upang mapakalma ang aking sarili.

•••

Agad ko hinawakan ang wrist niya at minulat ang mata ko. Nagulat siya ng makita niya ang inasta ko.

"What are you doing?" kabado kong tanong.

"Chinecheck ko lang kung may lagnat ka." Binitawan ko na ang kamay niya at nag inhale at exhale. "Ano bang nangyari? Napapansin kong wala ka ng ganang kumain at hindi ka na masayahin gaya ng dati? Is there something wrong?"

Tumingin ako sa kanyang mukha, halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nag alala ito.

"Wala. Don't mind me. Wala akong problema." Tumingin ako sa balikat niyang may sugat. Kumunot ang aking noo. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa balikat niya dahilan para takpan niya ito.

"Are you okay? Anong nangyari sa balikat mo?" Umatras na siya dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. "May tinatago ka ba sa akin?"

"If you're asking if i have a secret?" He smirked. "Marami. Obvious naman diba?"

I rolled my eyes at him. Hindi ko talaga alam bakit dito pa napiling sapian ng kaluluwa ko ang katawan ni Moon.

"Bakit ayaw mong ipakita ang balikat mo?" Hindi lang siya nagsalita at umiwas lang ng tingin.

Irita kong hinawakan ang balikat niya at pinalapit sa akin. Nakita ko ang malaki niyang sugat na para bang natamaan ng isang matalim na bagay. Tumingin ako sa kanyang mukha at ganun pa rin, umiiwas pa rin siya ng tingin sa akin.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon