Chapter 22

854 37 2
                                    

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. Dahan-dahan itong lumapit. Hindi kaya siya 'yong killer?

Siya ba 'yong hinahanap ko?

"Nakita mo ba?"

"Huh?"

"Nakita mo ba ang pumatay sa kanya?" he asked seriously.

"What are you talking about? Huh?" Mag pa as if nalang ako. Malay mo siya 'yong killer tapos kapag nalaman niyang saksi ako sa pagpatay niya sa inosenteng tao na 'yon papatayin niya ako.

Pinanliitan niya ako ng mata at bumuga nalang siya ng hangin. I still don't trust Konan kahit pa ilang taon na kaming magkakasama.

"Be careful,  Moon." Lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko dahilan para matigilan ako. "I don't want to lose you."

"Bakit? May papatay ba sa akin?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid habang kinakabahan.

"No, silly." Pinitik niya ang noo ko at napangiti nalang ng nakakaloko. "Malalagot sa akin ang hahawak sa'yo, Moon."

Tumawa ako, "Weeeh! Pro-protektahan mo ako?"

"Yes."

"Beh pareho tayong babae dapat protektahan natin isa't-isa." I winked at him at nawala ang ngiti niya pero hindi ko na pinansin iyon. "So anong ginagawa ng maganda kong bestfriend dito?"

"Hehe dito ako matutulog." Kumunot ang noo ko.

"Huh? Sa guest room—" Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita. Tsk! Hindi man lang ako pinatapos.

"Sinong may sabi na sa guest room ako matutulog?" Huh? Pinagsasabi ito? "Gaga! Mag sleep over nga diba?! Sa kwarto mo ako matutulog."

"Sa kwarto ko?" Tinaasan ko siya ng isang kilay at napa cross arm. "Hindi pwede."

"What?! Why not?!" Mukhang hindi siya makapaniwala.

Tinatanong pa ba iyan? Baka patayin mo lang ako beh? Lalaki ka pa naman at sa orginal na story ikaw ang unang nagtangka sa buhay ni Moon.

"Basta! Umuwi ka na nga gabi na!" Napapout ito at yumuko.

"Diba ikaw na nagsabi na proprotektaha natin isa't-isa kasi babae tayo pareho at isa pa ang dilim na sa labas baka mapano pa ako." Walang gana ko siyang tinignan at nagpuppy eyes siya sa akin dahilan para mapangiwi ako.

"Fine." Bumuga nalang ako ng hangin at napangiti naman ito ng nakakaloko at niyakap ako.

"Sabi ko na nga ba eh mahal mo ako!"

•••

Huminto ako sa paglalakad ng makita si Theoron na nakatingin sa malaking glass window.

"Hinihintay mo ba si mama at papa?" Lumingon siya sa akin.

Ang lamig pa rin.

"What do you want?" he coldly asked.

Tigas talaga puso mo pre. Kahit ilang years ng nakalipas ganito ka pa rin makitungo sa akin. Napakamot ako sa batok ko.

"Kuya, dito pala matutulog ngayon si Rose."

Lumingon siya sa akin at hinintay ko lang ang sagot niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang hindi pa rin nawawala ang malamig niyang titig.

"You really always put yourself in danger." Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at umalis na siya.

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Ano na naman problema nun? bumuntong hininga na lamang ako at umiling.

Aalis na sana ako pero nakita ko si Zhyeus na sinusundan niya ng tingin si Theoron. He looked at me mukhang napansin niya yatang kanina pa ako nakatingin sa kanya. I gave him a warm smile at umalis na.

Hindi ko pa rin maintindhan kung bakit ayaw niyang umalis dito eh may pera naman sila. Hindi niya ba namiss ang crushicakes niya? Bumuga nalang ako ng hangin.

Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakaupo na si Rose sa kama at nakangiti. Napangiwi na lamang ako at umiling.

"Tsk! Sakit mo naman, bes! Hindi ka ba masaya na nandito ako?!" Inirapan ko lang siya at humiga na sa kama.

Nakatingin lang siya sa akin. Kung naisipan niyang patayin ako—wag naman. Masakit 'yon eh, mga baliw pa naman kayo baka ano pang gawin niyo sa katawan ni Moon ako 'yong nag possesed dito eh.

"What are you looking at?"

Nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Nakahiga lang ako at nakatingin sa kanya na nasa harapan ko. Nakatingin lang siya diretso sa mata ko. Ewan ko ba pero bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Nagmumukha na tuloy siyang straight. Namilog ang aking mata ng niyakap niya ako. Nakahiga siya sa akin habang yakap na yakap ako. Ang bigat niya! Jusko!

"R-rose." Pilit ko siyang tinutulak pero ang bigat niya hindi ko siya matulak palayo.

Kapag tinutulak ko siya ay 'yon din ang pag higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Sa tuwing nagpupumiglas ako ay mas lalong humihigpit ang pagkakayakap niya.

"Moon."

"Y-yes?" Bakit ba ako kinakabahan? Kulang ba ako sa kain?

"I love you... I don't want to lose you, Moon. Mawala na ang lahat. Wag ka lang." Tumawa ako sa sinabi niya.

Ang random mo naman, lods. Hindi naman ako mawawala kung hindi niyo ako papatayin.

"Why do you think na mawawala ako, Rose?" natatawa kong tanong.

"Ewan ko palagi ko nalang na papanaginipan na wala ka na daw sa tabi ko. And I don't want that to happen in real life."

"Kaya ba hindi ka makatulog ng maayos?" Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Paano mo nalaman iyan?" taka niyang tanong.

Syempre ako na 'to eh. Pero nuon hindi ka makatulog kasi palagi mong napapanaginipan ang kapatid mong namatay na. It haunts you.

"Wala lang. Nagtanong-tanong lang ako sa mga yaya mo."

"Chismosa 'yon."

"Sus, totoo naman." Agad ko siya sinipa pero hindi naman masakit dahilan para makahiga na siya sa kama at hindi sa akin.

"Sakit ah!"

"Luh mahina lang 'yon!"

•••

"Kahit kailan talaga para kang hindi babae!" Agad niya ako hinila papalapit sa kanya at sinuklay ang buhok ko.

Nandito na kami sa school and as always hindi naman sumabay si kuya sa akin.

"Saan papunta si kuya at Zhyeus?" Huminto ito at bumuntong hininga.

"Hindi ko alam. Na didisappoint ka pa rin ba na hindi sumasabay sa atin ang kuya mo?" Hindi lang ako nagsalita. Hindi ko alam kung kailan ako mamamatay bilang Moon. But as long as Theoron hates me alam kong hindi magbabago ang kapalaran ko.

I will die.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon