Paano ko ba mahahanap si Kieran gamit ang tulong ng lalaking 'to? Nakatingin lang ako sa kanya kahit pilit niyang iniiwasan ang mga mata kong nakatuon lang sa kanya.
"Stop looking at me like that." He looked at directly to my eyes. "Or kakalimutan ko na kapatid kita and I will kiss you harder than you thought."
Umiwas ako ng tingin, "Pakitawag nga 'yong mga yaya para maipagamot na 'yang sugat mo."
Kahit man ay nag alala ako ay hindi pa rin nawala ang irita sa aking boses. Sino ba naman ang hindi maiiirita kung ganito ang naranasan mo ng ilang taon sa buhay mo?
"There's no one here except us." Natigilan ako sa sinabi niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya kasi kababago ko lang nakita ang mga yaya na nagbati sa amin kanina.
Eh hindi nga makatingin sila sa akin ng diretso eh at hindi pa ako pinapansin. Nababaliw na ba ako?
"Ha? Nasaan iyung mga maid na bumati sa atin kanina? Display lang ba 'yon?" nagtataka kong tanong sa kanya.
He chuckled, "Pinalayas ko sila. Alam ko kasing hindi ka komportable kapag nandyan sila."
Eh hindi nga rin ako komportable sa'yo. Sana lumayas ka na rin—charot lang!
"Talaga ba? O sadyang pinalayas mo sila para hindi nila ako matulungan na tumakas ako?" Nagulat pa ito sa sinabi ko pero mga ilang segundo pa ang lumipas ay ngumiti siya.
Inayos niya ang buhok ko dahilan para manindig ang balahibo ko. Kahit nakangiti siya ay alam kong galit siya ngayon.
"Ayaw mo naman siguro makapatay ako ulit ng tao diba? At saka, diba sinabi ko na sa'yo. Kapag tumakas ka ulit puputulin ko iyang paa mo." Napalunok ako ng laway.
Litse 'to! Minsan tatapang ako tapos minsan matatakot na naman ako na parang tuta! Nakakainis naman kasi 'tong si Theoron!
"Hindi naman ako tatakas eh." Tumayo na ako ng hindi nakatingin sa kanya. Manginginig lang ako sa takot kapag tumingin ako sa matalim niyang titig and ang worst baka mabulol ako?! "Saan mo nilagay ang bandage para magamutan ko na 'yan."
"Sa drawer. Nandyan lahat ang hinahanap mo," seryoso niyang ani.
Napabuntong hininga na lamang ako at pumunta na sa drawer. Agad ko ito binuksan at kinuha ang bandage at iba pang gamot.
Paglingon ko ay nakahubad na ang damit niyang pang itaas. Natigilan man ako ay nagpatuloy pa rin ako. Nang makarating na ako sa kanya ay ginamot ko ang sugat niya.
"Sa susunod mag iingat ka." Lumingon ako sa kanya ng seryoso. "Ayaw kong pinag alala mo ang magulang natin."
"Hindi ka mag aaalala sa akin?" he asked.
"Is that important?" walang emosyon kong tanong.
"Then wala rin naman kwenta kung masaktan ako o hindi. As long as wala naman epekto sa'yo." Umiling nalang ako.
"Mahal mo pa rin ba ako?" Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. "Not as your sister?"
"Yes."
"Hindi mo pa rin ba naintindihan?" I asked. "We're not meant for each other."
"I know." Yumuko na siya. "But you can't blame me. Even if I tried, I can't stop loving you."
"Magpakamatay ka muna tapos magpa reincarnate ka. Siguraduhin mong hindi na kita kuya sa susunod." He smirked dahilan para kumunot ang aking noo.
"Hindi 'ata mangyayari iyan. I am not god's favorite, after all." Hindi nalang ako nagsalita. Nang matapos na ako ay aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko.
•••
Walang gana kong kinain ang tinapay habang nanunuod ng drama sa television. Ito nalang yata ang role ko dito sa nobelang 'to. Ang manuod ng drama at kumain lang ng tinapay. Napabuntong hininga na lamang ako hindi kayang maimagine ang sitwasyon ko.
"Baka gusto mo rin lumabas?" Sinamaan ko naman siya ng tingin and he just looked at me innocently.
"Tutulungan mo ba akong makatakas?" walang gana kong sabi sa kanya.
"Wala akong sinabing tutulungan kitang tumakas." I just rolled my eyes.
Hindi ko na talaga kaya ang inis na nararamdaman ko sa lalaking 'to. Sarap niya sakalin.
"Hayop ka talaga."
"Hindi halata." Oh diba ang hangin ng lalaking 'to. Pero totoo naman ang sinabi niya eh. Mukha talaga siyang anghel pero wag kayo magpaloko niyan. Masakit maloko beh.
"Gusto mo talagang mamatay ako eh no?" irita kong sabi.
"Wala akong sinabing ganyan." Lumapit siya sa akin at kinain ang tinapay na kinagat ko na. "After all ang boring ng mundo kapag wala ka, Moon." Napangiwi nalang ako dahilan para mapatawa siya. "Kapag namatay ka. Sino nalang ang pagmamasdan ko?"
Napairap na naman ako ulit, "Grabe ka naman, beshy. Inuubos mo pasensya ko."
"Bakit? Ano ba ang gagawin mo kapag naubos ko na ang pasensya mo?" mapaglaro niyang tanong.
"Wag mo na subukan alamin, masisira ang buhay mo." Natigilan ito sa sinabi ko pero nakangiti pa rin ito.
"Pfft! HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka naman!" Ginulo niya ang buhok ko kaya ginulo ko rin sa kanya.
"Ano ha?! Ano?!"
Nagulat nalang ako ng tumayo siya kaya agad ako tumakbo. Hinabol niya naman ako. Nagtawanan lang kami habang naghahabulan. Feeling ko tuloy nakalimutan ko saglit na madami pala akong problema. Hindi ko alam na may ganito palang side si Luan.
•••
"Uyy! Ang saya niyo ha!" Sinamaan ko lang ng tingin si Kiel.
"Selos ka naman," walang gana kong sabi sa kanya.
Napapout ito dahilan para mapangiwi ako. Eww! Hindi bagay sa kanya!
"Sana ako rin." Napailing na lamang ako sa kalokohan ng lalaking 'to.
Saan ba ito nagmana at para masapak ko.
"Tsk!"
"Bukas na pala magsisimula ang pagpasok mo sa bagong school?" Natigilan ako sa sinabi niya.
Muntik ko ng nakalimutan na nilipat pala ako ni Theoron sa bagong school. Napabuga nalang ako ng hangin. Nakakapagod naman ito! Napakamot nalang ako sa ulo ko at umiling.
"No choice eh."
"Goodluck."
Magsasalita na sana ako pero bigla na naman siya nawala. Ayan na naman siya sa wala-wala effect niya.
•••
Bumaba na ako sa kotse at lumingon sa kanya. Ayaw kong magpaalam pero baka deds ako mamaya sa bahay.
"Aalis na ako."
"Mag iingat ka, Moon. If may problema ka. Sabihin mo lang sa akin. Lalo na kapag may nangbully sa'yo," seryoso niyang sabi sa akin.
Para ano? Para patayin mo?
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...