Chapter 30

861 47 2
                                    

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinayaan ko nalang ang aking paa na dalhin ako kahit saan. Hindi ko na naintindihan ang takbo ng kwento. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita si Zhyeus na nakabantay sa labas. Why is he here? Dapat nasa loob siya ng bahay. Inutusan ba siya ni Theoron na bantayan ako?

Bakit ba ayaw nilang lumapit ako sa kanila eh hindi ko naman masasabi kong nagseselos sila kasi hindi lang naman si Kieran ang gusto nila ipalayo sa akin? Napahilot ako sa sintido ko ang sakit ng ulo ko mads.

"Aalis nalang ba ako dito at magpakalayo-layo?" Umiling ako. Paano naman misyon ko kung aalis na ako. I heavily sighed.

Mamamatay din ako kapag natapos na ang kwento at hindi pa ako makakabalik sa amin. Hindi rin ako makakabalik sa totoo kong katawan. Napakahirap naman ng desisyon na 'to. Gusto ko nalang maging hotdog.

Dahan-dahan akong pumunta sa bintana at lumabas. Gagala muna ako kila Rose. Hindi naman siguro masama. Tapos babalik ako dito kapag okay na.

Nang makarating na ako sa bahay ni Rose ay hinabol ko ang hininga ko. Ngayon ko lang talaga napansin na medyo malayo-layo pala ang bahay ni Rose. Kumatok ako pero walang sumagot kaya kumatok ako ulit.

Nag doorbell na din ako pero wala talaga. Anak ng tinapa! Ang tagal niya naman. Mag te-text naman 'yon eh kapag gagala siya. Para ko na tuloy siyang jowa.

Nagmumukha na naman akong lesbian nito beh. Mas babae pa 'yon sa akin eh. Napakamot nalang ako sa batok ko. At binuksan ang pinto. Mabuti nalang talaga at hindi naka lock ang pinto kundi magwawala talaga ako dito.

Nang tuluyan na akong makapasok ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala pa ring tao. Nagbakasyon ba sila? Dahan-dahan akong pumunta sa itaas at napahinto ako ng makita ko siya sa kwarto. Punit-punit ang kanyang damit habang wala siyang emosyon na nakatingin sa kawalan.

Napatakip ako ng bibig ng makita ang mga pasa sa kanyang katawan. Magulo ang kanyang buhok at halatang binugbog ito.

Saglit lang ako nawala tapos ito na ang madadatnan ko. Lalapitan ko na sana siya pero agad may humawak sa braso ko dahilan para tignan ko siya. Hinila niya ako bago paman ako makapagsalita.

"Let me go! Ano ba?!" Pilit akong kumakalas sa kanya pero ayaw niya akong bitawan.

Nang binitawan na niya ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Para ko na talagang kuya si Kiel.

"Are you trying to kill yourself?" he asked. Halata sa tono ng boses niya na nagagalit siya.

"Hindi ah. Gusto ko pang mabuhay no."

"Then ano 'yon kanina?!" Napahinto ako sa tanong niya. "Wag kang tanga, Moon. If that guy knows that you know his secret papatayin ka niya!" Bumuga siya ng hangin para pakalmahin sarili niya. Hinawakan niya ang balikat ko at halata sa ekspresyon ng mukha niya na nag alala siya. "Ayaw ko lang mapahamak ka, Moon. I can't afford to lose you."

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat.

"Dapat lang. Lagot ka talaga sa mama ko kapag nalaman niyang hindi mo ako nagawang iligtas." Natigilan ito sa sinabi ko na para bang may naalala siya. "Hoy, lods. Nagjojoke lang ako."

He smiled warmly. Ewan ko ba pero nalulungkot ako sa kanya. Bakit kaya? Kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin. Ayaw niya bang mabasa ko ang nasa isip niya? Hindi ma worry inday! Hindi po ako mindreader.

"Totoo naman eh. I will do anything to save you." Pinanliitan ko siya ng mata at napangiwi.

"Weeeh? Ba't mo ako nilagay dito?" mataray kong tanong. 

"Diba gusto mo naman dito?" Masama itong napatingin sa akin.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, "Malay ko bang na scam ako. Puputi nalang buhok ko, lods. Hindi ko pa nasaksihan ang lovestory ni Kieran at Theoron. Mukhang hindi pa yata sila magkakasundo eh."

Mas lalo siyang lumapit sa akin habang tinitignan ako ng nakakaasar na tingin.

"Alam mo ba kung bakit?"

"Hindi beh. Paano ko naman malalaman eh pagkarating ko dito ganyan na sila. Hindi ko na nga alam kung anong tumatakbo sa utak nila eh!" reklamo ko.

Akala ko pa naman exciting story na 'to. Mukhang wala naman love story magaganap dito eh, patayan lang. 

Magsasalita na sana siya pero agad kami napatingin sa pinto na bumukas. I saw Konan na nakasuot na ng white long sleeve pero magulo pa rin ang buhok niya at puro pasa ang mukha niya. Namalayan ko nalang na wala na din si Kiel sa tabi ko. Naaawa ako kay Konan. Kapag kasama kasi kami palagi nalang siyang nakangiti pero pag wala naman ako ay ang lala ng sitwasyon niya.

Kung ibang tao palang iyan siguro nag suicide na din. Kaya i can't blame him kung gusto niyang mamatay. Nang makababa na siya ay in on niya ang tv at nanuod. Kinuha ko ang phone ko and I call him. Nang tignan niya kung sino ang tumawag sa kanya ay agad niya ito sinagot.

"Ang bilis mo naman mamiss ako, Moon." Napangiti na lamang ako ng makita ko siyang ngumiti.

"Bibisita ako, Rose. Nasa bahay ka lang ba?" I asked dahilan para matigilan siya.

"N-no. Wala ako sa bahay. Next time mo nalang ako bisitahin may gagawin pa kasi ako," pagsisinungaling niya.

"I miss you." Hindi siya nagsalita at nakatitig lang siya sa sahig. Dahan-dahan itong ngumiti.

"I miss you too."

•••

Lumabas ako sa bintana at agad pumunta sa pinto niya. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumagot.

"Pag hindi mo 'to buksan! Sige ka wala ka ng pinto! Sisirain ko 'to!" inis kong sigaw sa kanya.

Dahan-dahan bumukas ang pinto at nakita ko siyang parang multo. Nakatakip lahat ng katawan pati mukha ng kumot. Tumawa ako ng pinakamalakas.

"Wag ka nga tumawa. Bakit ka ba nandito?!" inis niyang tanong sa akin.

Pumasok na ako sa bahay niya kahit hindi niya pa sinasabi. Umupo ako sa sofa niya at kinuha ang pop corn sa lamesa niya.

"Gusto kitang makita."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon