Chapter 48

536 32 2
                                    

Bakit ako?

"May iba pa bang taong makakatulong sa akin?"

Napakagat nalang ako ng labi. Napamewang ako at tinaasan siya ng isang kilay.

"Baka nakakalimutan mo? Babae ako, Konan," walang gana kong sabi sa kanya.

"So?" Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapangiti ito ng nakakaloko.

Loko talaga ang lalaking 'to! Ang lakas ng trip!

"Hindi pwede!" Napa cross arm ako at umiwas ako sa mga tingin niyang parang gusto akong kontrolin. "Bakit ka kasi nakuha ni Kieran?!"

"I just wanted to see you," malungkot niyang sabi. He looked at me full of love. "Alam mo naman na sobrang mahal kita, diba?"

"Alam mo naman ikapahamak mo 'yon eh!" Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

"I don't care," seryoso niyang sabi sa akin.

Hindi ako makagalaw dahil sa sama ng kanyang tingin sa akin na para bang hindi na talaga nag e-exist si Rose.

"Pardon? Are you out of your mind?"

"Ikaw na mismo nakakaalam sa sarili mo na baliw ako, Moon... Baliw sa'yo," sabi niya.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa lalaking 'to. Tinuro ko ang sarili ko.

"Bakit ako pa, Konan? You're not supposed to fall inlove with me."

"And why not?"

"Bestfriend mo ako, Konan." Tumawa ito dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Bestfriend? Iyan ang tingin mo sa akin. Akala ko alam mo na lumapit lang ako sa'yo dahil inutusan ako ng mama ko para mas lalong mapalapit kay Theoron." Mas lalo pa itong tumawa na parang baliw.

Alam ko naman eh pero akala ko kasi totoo na talagang kaibigan ang turing sa akin, iyun pala hindi.

"I thought you really treat me as a bestfriend."

"Tinuring kitang kaibigan noon... But things were different simula nung lumaki tayo. Nagbago na ang nararamdaman ko sa'yo."

Natahimik nalang ako.

•••

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Kieran na nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Binigyan niya ako ng matamis na ngiti pero ewan ko ba kahit nakangiti ito ay kinakabahan ako.

"Saan ka galing?" he asked.

Bakit feeling ko alam na niya kung saan ako galing nag iinasta lang siyang hindi niya alam?

"Naglakad lakad lang." Napakamot ako sa ulo ko at awkward na ngumiti. "Ang boring kasi palagi nalang akong nanonood ng tv tapos kumakain."

"Bakit hindi mo ba nagustuhan ang sitwasyon mo?" he innocently asked.

"It's not like that. Ano kasi... Umm." Umiwas ako ng tingin. "Nag alala kasi ako baka kapag nagpatuloy ako na ganito baka tumaba ako."

"Pfft! Even if tumaba ka. Mahal pa rin naman kita eh." Lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang buhok ko.

Bakit sa tuwing hinahawakan niya ako ay naalala ko na naman ang nangyari.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon