Chapter 2

1.4K 62 0
                                    

Kiel?

Napakunot ang noo ko at umalis na siya. Bakit parang narinig ko na 'yan dati? Nagtataka akong lumabas ng book store and wala ng tao sa labas tanging ako nalang naiwan.

Ang bilis naman niyang mawala, para siyang multo... Hehe, gwapong multo.

Enebe jojowain ko talaga 'yon kapag nagkita kami ulit-charot! Lagot ako kay mama. Napahinto ako sa paglakad at napatingin sa buwan.

Ang sabi sa akin ni papa mahilig daw sa buwan si mama at 'yong first love niya. At ang sabi pa niya kung hindi lang daw namatay ang first love ni mama siguro wala kami ngayon sa mundo ni kuya. But he didn't mention his name. Narinig ko din na binanggit ito ni mama pero nakalimutan ko na eh ang tagal na kasi.

Habang naglalakad ako ay binasa ko ang nobela. Sa chapter one palang ang ganda na and i can't stop myself anymore.

Bigla nalang may mabigat na tumama sa ulo ko dahilan para agad ako lamunin ng kadiliman.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napahawak ako sa ulo ko. Ouch! Ang sakit parang may lalabas na dugo nito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid tanging puno at dagat at mga ibon lang ang nakikita ko.

"Where the heck am I?" Napahawak ako sa ulo ko.

"Hi."

"Ah!" Agad ako napaatras at nakita ko din na nagulat siya. "Grabe ka naman, kuya! Alam ko naman na maganda ako pero madadala naman ito sa usapan. Hindi mo naman need kidnappin ako." I flipped my hair and I heavily sighed. "Nakakaloka."

He giggled. Shit! Para siyang anghel na bumaba sa langit. Ang gwapo niya super! Aaccckk!

"Mabuti nalang at nagmana ka sa auntie mo at hindi sa mama mo." Napakunot ang noo ko.

"Wait, Kilala mo mama ko?" taka kong tanong sa kanya.

Ngunit hindi lang siya sumagot at binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti. Ano 'to lods?! Hula game. Tapos kapag nahulaan ko akin ka na?-Charot! Mababatukan ako ni mama nito.

Ayaw kasi ni mama na lumalapit ako sa mga lalaki, pareho lang sila ni kuya hindi ko sila maintindihan pareho.

"By the way you're not in your real world." Kumunot ang noo ko pero mga ilang minuto pa ay tumawa ako at halata naman sa ekspresyon ng mukha niya na nagtataka ito.

"So you mean I'm inside the novel," natatawa kong sabi. Tumango siya dahilan para mawala ang ngiti ko. "You're kidding right?" Mapaglaro itong umiling dahilan para malaglag ang panga ko. Omg! If this is a dream sana hindi na ako magising. "Weee? Masasaktan talaga ang feelings ko kapag binibiro mo lang ako."

"Hindi ako nagbibiro, young lady. You're inside the novel na bago mo palang binasa."

"O. M. G! Aaaack!" Sa sobrang saya ko ay napatalon ako. Tinakpan niya pa talaga ang tenga niya para hindi marinig ang pagsigaw ko. "Saan ang bida ng kwento dito kuya pogi?!" Magsasalita na sana siya pero agad ko nakita sa malayo ang bida ng kwento. "Omg! Nandoon!"

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa at agad na umalis. Sinundan ko ang bata. Tumatakbo siya habang may dalang paper bag.

Kilala ko kung sino 'to. Black hair and violet eyes at moreno. Shitt! Kahit bata pa siya ang gwapo-gwapo niya! I can't believe makikita ko sila sa personal. Lucky me.

Nang huminto na siya sa katakbo ay nagtago ako sa pader para hindi nila ako makita. I saw the young Kieran na nahihirapan na tumingin sa batang Zhyeus dahil nilalagnat siya. But he still manage to smile.

Si Zhyeus ang second male lead sa kwento. Ginawa niya ang lahat para makuha lang si Kieran sa kamay ni Theoron ang male lead ng kwento but namatay siya sa huli. At ang mas nakakagulat pa ay pinili ni Kieran si Theoron kahit alam niyang masama ito.

"Kainin mo 'to." Umiling si Kieran.

"P-paano ka?"

"Ayos lang ako. Wag mo na akong alalahanin," alalang sabi ni Zhyeus.

Ang payat nila pareho. Literal na walang kain. Napakagat ako sa labi ko dahil sa awa. Theoron decided to took Kieran as his slave at hindi si Zhyeus. Nung lumaki sila. Theoron raped Kieran at hindi man lang ito alam ni Zhyeus.

Yes, lahat ng libro na nabasa ko ay r18 hehe, hindi nga lang alam ni mama. I'm sure susunugin niya lahat ng mga bl manhwa at iba pa sa bahay and I'm sure lagot si papa.

Support naman kasi si papa sa gusto ko, si mama lang ang hindi.

Natigilan ako ng may naalala ako may pera pala ako dito. Umalis na ako para may mahanap akong makakain at maiinom nila. Hindi ako taga dito kaya hindi ko alam kung saan dito ang nagtitinda ng pagkain.

Napakagat nalang ako sa labi ko. May naagaw ng atensyon ko. Streetfood. Pero isa nalang ito siguro madaming bumili. Masarap naman ito ipartner sa kanin.

Kukunin ko na sana pero bigla nalang may kumuha nito. I looked at him. Black hair and blue eyes, pale white skin and pinkish lips. He looks like a doll and he is small-natural dae, bata pa 'yan.

Theoron Cervantes, the male lead. Kahit na hindi ko na i check alam ko na siya ito.

"Babae, Bitawan mo ang kamay ko." Agad ko binitawan ang kamay niya. Ako pala ang nakahawak sa kamay ng batang 'to. Baka pagkamalan akong manyakis-manyakis naman talaga ako pero lowkey lang, hhehhe.

"Ah sorry. Kailangan ko kasi ang pagkain. Ipapakain ko lang sa kapatid ko. Nagugutom na kasi."

Ngunit hindi niya ako pinansin at kinuha lahat. Iyun na nga lang naiwan, kukunin pa niya. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko. Agad ko nilagay ang pera sa lamesa at kinuha ang pagkain na nakay Theoron.

"Bata! Hanap ka nalang sa'yo! Mayaman ka naman eh!"

Narinig ko pang tinawag ako ng mga guard niya. Kung ako sa'yo maghanap ka na ng bagong body guard. Muntik na nila ako mabaril pero hindi pinatuloy ni Theoron.

Nang makabalik na ako kung saan si Kieran, wala na dito si Zhyeus. Saan kaya 'yon nagpunta? Lumapit ako kay Kieran and he looked at me.

"A-angel."

I gave him a warm smile at tumalungko para mapantayan siya. Magsasalita na sana ako pero bigla nalang may matalim na bagay nakadikit sa leeg ko. I slowly looked at Zhyeus at nakatapat na sa akin ang kutsilyo niya habang walang emosyon na nakatingin sa akin.

"Don't move or I'll kill you."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon