Chapter 5

1.1K 59 1
                                    

"Babae, Bitawan mo ang kamay ko." Agad ko binitawan ang kamay niya. Ako pala ang nakahawak sa kamay ng batang 'to. Baka pagkamalan akong manyakis-manyakis naman talaga ako pero lowkey lang, hhehhe.

"Ah sorry. Kailangan ko kasi ang pagkain. Ipapakain ko lang sa kapatid ko. Nagugutom na kasi."

Ngunit hindi niya ako pinansin at kinuha lahat. Iyun na nga lang naiwan, kukunin pa niya. Hindi ba niya narinig ang sinabi ko. Agad ko nilagay ang pera sa lamesa at kinuha ang pagkain na nakay Theoron.

"Bata! Hanap ka nalang sa'yo! Mayaman ka naman eh!"







Umiwas nalang ako ng tingin at napapikit nalang. Hindi niya naman siguro natatandaan 'yon diba? At isa pa, nasa ibang katawan ako imposibleng marecognize niya ako.

Lumingon ulit ako sa kanya. Muntik pa talaga ako maging ice dahil sa lamig ng titig niya sa akin. Nakakatakot siya pero ang gwapo niya.

I gave him a warm smile, "Kuya, ang gwapo niyo po!"

Natigilan siya sa sinabi ko. Lumapit sa amin si mama at nilagay na sa lamesa ang pagkain. Umupo na rin si Theoron at hindi na ito nakatingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko.

"Kumain ka ng marami, Moon. May pupuntahan lang kami ng daddy mo."

Kumunot ang noo ko, "Saan po kayo pupunta?"

Nagkatinginan silang dalawa dahilan para mapakunot ang noo ko. Mukhang wala silang balak sabihin ito sa akin.

"B-bibili lang kami ng mga gamit mo, anak." Sus alam ko naman na hahanapin niyo ang parents ng batang 'to.

Pinapagod niyo lang ang sarili niyo. May umampon naman talaga kay Moon pero hindi nila minahal si Moon, ginawa pa ngang alipin. Kaya kahit pa hanapin nila ang nagpalaki sa akin sigurado akong idedeny  lang nila ito.

"What do you want from my family?" Napatingin ako sa kanya na ngayon ay malamig na nakatingin sa akin.

"Ha?"

"Alam kong may kailangan ka sa pamilya ko kaya ka lumapit sa amin." Agad niya sinapak sa akin ang libong-libong pera dahilan para mapahinto ako sa pagkain.  "Based on your looks galing ka sa mahirap na pamilya. So is money all that you want?"

Ay wow! Hindi ko naman inaasahan na makaka experience pala ako na ibubully ng male lead.

"Kuya." Ngumiti pa rin ako kahit sinapak na niya ako ng pera. "Hindi naman 'yan ang sadya ko dito. Gusto ko lang po makasama kayo... Kayo ni mama at papa."

Hindi nalang siya nagsalita. Tumayo siya bigla at umalis without saying a word.

Lumingonn ako sa sahig. Napapout ako. Hindi naman talaga pera ang sadya ko dito eh. Napangiti nalang ako ng nakakaloko at kinuha ang pera.

Pero sayang naman kung nasa sahig lang ito. Hehehheh. Ipangbibili ko nalang 'to ng bl. Ang talino ko talaga!  Galitin ko nalang kaya siya palagi para may pera ako.

•••

And guess what? Hindi nila nakita ang nagpalaki sa akin. Sa panahon ngayon, ang hirap na ng buhay. No one will claimed me as their child unless if they gave them money. Kinuha ko ang pang huling bl at pumunta na sa cashier.

I wonder if madadala ko 'to sa real world. Excited na akong basahin ito! Napahinto ako ng makita ang babae sa harap ko. He has pink long hair na hanggang baywang at black eyes, looking at me with a confused look.

"I didn't know na may kagaya pala akong alam na ang mga ganyan." Napangiti ito ng nakakaloko.

Tinakpan ko ang mukha ko ng lumapit siya sa akin. Aalis na sana ako pero tinakpan niya ang daan. Ano bang kailangan sa akin ng lalaking 'to?!

He is Konan Valiente 10 year old pa iyan ngayon. Nagpapanggap lang siyang babae dahil sa pagkabaliw ng mama niya. Namatay kasi ang kapatid ni Konan at hindi matanggap ng mama niya. Since magkamukha naman ang kapatid niya at siya napagdesisyunan sa papa ni Konan na maging babae na siya ngayon na nangangalang Rose.

Kawawa nga siya dahil parag nag e-exist lang si Konan para magpanggap bilang ibang tao. Hinawakan niya ang wrist ko at inalis ang kamay ko sa mukha ko. Grabe! Ang bata-bata pa niya pero ang lakas na niya.

He looked at me with a confused in his eyes. Ano na naman nasa isip ng batang 'to?

"Familiar ka sa akin nagkita na ba tayo dati?" Agad ako napailing dahilan para mas lalong kumunot ang noo niya.

"N-nawala lang po ako. H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Then what is it the one you're holding?" Bumaba ang tingin ko sa paper bag na puno ng bl books.

"Uhh..." Umiwas ako ng tingin. Bakit ba ayaw ako tantanan ng lalaking 'to?! Ang sabi sa libro cold person siya at nilandi pa nga niya si Theoron but Theoron like the innocent Kieran, kaya walang pag asa si Rose—este si Konan. "Inutusan lang ako."

Napa cross arm siya at agad ko na siya nilagpasan. Wala akong time makipag usap sa antagonist ng kwento beh. Baka sabay pa kaming mamatay?

But I did save him. Alam ko naman ang pinagdaanan niya eh and he deserve to live even if masama siya.

•••

Nahulog ang panga ko at agad siya tinuro. He looked at me emotionless.

"Y-you! What the heck are you doing here?!" No way! Diba si Kieran dapat ang maging slave ni Theoron?

Bakit si Zhyeus ang nandito ngayon? What in the world is happening?!

"Moon, do you know him?" mother asked.

Muntik ko ng makalimutan. Hindi pala ako kilala ng lalaking 'to. Ang nakilala niya lang ay ang tunay na ako at hindi si Moon.

"N-no, mama." Lumapit ako kay mama at niyakap siya habang hindi pa rin nakaalis ang tingin ko sa batang Zhyeus.

What in the world was happening?!

"Honey, this is Zhyeus Leonardo and from now on he will help you two if you need anything," mahinahon na sabi ni mama.

Huminto sa pagkain si kuya Theoron at lumingon kay Zhyeus. Oh shit! Sana naman mali ang nasa isip ko.

"Anything?"

P*ta! Bata pa kayo!

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon