Chapter 9

954 51 1
                                    

"Ayan ka na naman sa kuya mo na ayaw mong tantanan." Tumayo na ako at dali-dali kong kinuha ang mga notebook at ballpen ko at nilagay ko sa bag. "Saan ka na naman pupunta?"

"Mamaya nalang tayo magchika, Rose. Bye!"

Rinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi na ako nakinig sa kanya. Takbo lang ako ng takbo.

Huminto siya sa paglakad dahilan para magtago ako sa malaking puno. Nang makasigurado siyang walang sumusunod sa kanya ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Dahan-dahan akong naglakad para hindi niya mapansin. Natigilan ako ng makita ko siyang pinagmamasdan si Kieran.

Omg! How did he—

"Are you done stalking me?" Lumingon siya sa akin dahilan para mapahinto ako.

Alam niya? Na sinusundan ko siya? Dahan-dahan akong lumabas sa tinataguan ko. And I wave at him.

"Hi kuya."

"Bakit hindi ka pa umuwi?" he asked. Hindi pa rin ito nakatingin sa akin.

Mas lalong gumwapo si Theoron simula nung nagbinata na siya. Lumapit ako sa kanya at binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Kita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.

"Anong ginagawa mo dito, kuya?" Napailing nalang siya. "Pinagmamasdan mo ba 'yong cute na lalaki na 'yon?"

Lumingon dito sa amin ang lalaki and I wave at him. May lumapit sa kanya na batang lalaki at niyakap siya.

"Kuya, girlfriend niyo po ba ang magandang babae na 'yan?" Lumingon sa akin si Kieran and he smiled warmly.

Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! Ikalma ang puso! Sasabog na 'to! Aaaaack!

Gray hair and gray eyes, pale white skin na parang wala na itong dugo. Mapayat siya at parang walang muscle pero ba't ganun? Ang gwapo niya pa din!

"Hi miss." Lumapit siya sa akin at halos hindi ako makagalaw dahil sa pag a-admire ko sa mukha niya. "May kailangan po ba kayo?"

"Actually, my older brother wants—" Natigilan ako ng mapansin na wala siya sa tabi ko.

Agad ko siya hinanap  pero wala talaga. Anak ng tinapa! Saan na naman 'yon nagpunta?!

"Pardon?" Lumingon ako ulit sa kanya.

Siguro iniisip niyang baliw ako. T*ngina! Iniwan ba naman ako dito?!

"Ah." Napahilot ako sa sintido ko at akmang tutumba ako pero sinalo niya ako. Omg! Ang bango niya! "Nahihilo ako. Ilang araw na kasi ako walang kain."

•••

And ang ending pinakain niya ako sa restaurant niya. Peaceful ito tignan at nag iisa lang siya dito. Dahan-dahan kong kinain ang pagkain na binigay niya sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti dahilan para mabilaukan ako. Agad niya naman ako binigyan ng tubig.

Gosh! Mamamatay 'ata ako sa kagwapuhan niya.

"Masarap ba, miss?" he asked.

Nag thumbs up naman ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Ang sarap! 5 star para sa'yo!" Tumawa naman ito. Ang cute niya. Hindi na talaga ako magtataka kung bakit nakuha niya ang atensyon nila. Kinuha ko ang pera ko sa bulsa ko at nilahad sa kanya. "Ito po ang bayad."

"Hindi na kailangan, miss. Libre ko na 'to."

Sobrag bait niya talaga. Hindi deserve ni Theoron ang isang anghel na katulad niya. Sa pagkakatanda ko 16 na si Kieran ngayon and he will experience what adults do.

Goodluck sa'yo.

"No, kailangan kong magbayad." Nilagay ko ang pera sa kamay niya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Tumango nalang ito at tinanggap ang bayad. Sinenyasan ko na siyang aalis ako.

"Miss, may i know your name?" he asked.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Mo..." Natigilan ako. If malaman niya ang totoong pangalan ko. Mas lalong magbabago ang kwento. "Selena Valencia. You can call me Lena."

"I'm Kieran Alfonso. You can comeback anytime you want, Lena." Napatango ako.

"Thanks."

Hindi na ako nagsalita pa at lumabas na ng restaurant niya. Ayaw ko munang umalis ngayon. Maaga pa kasi. Base sa hula ko. bago palang nakalabas ang mga studyante.

Habang naglalakad ako. Naramdaman kong may nakatingin at nakasunod sa akin. Lumingon ako sa likod pero wala namang tao. Bakit ganun? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sana pala nagpasama nalang ako kay Zhyeus.

"Kuya Theoron, ikaw po ba 'yan?"

Oh great! Ngayon natatakot na talaga ako. Tumawa ako na parang baliw at dahan-dahan umatras.

"Wag naman ganya, tol. Hindi pa ako ready, hindi pa nga ako nagbago eh. Next time nalang ka bumalik baka bumait na ako." Agad na ako tumakbo.

Feeling ko kasi may nakasunod sa akin na killer. Nang makarating na ako sa bahay ni Rose ay agad ako pumasok ni hindi man lang ako kumatok.

Sa story may nagtangkang pumatay kay Moon but he failed. Swerte lang si Moon kasi nakatakas siya. Pero hindi ako si Moon, ako si Selena kaya malabong makatakas ako.

Napalunok ako ng laway.

"Wala ka talagang silbi!"

Agad ako napatingin sa itaas dahil may narinig akong nabasag.

"Hon, tama na."

Hindi naman ako nagdalawang isip na pumunta sa itaas. Mabuti naman at nakaopen kunti ang pinto kaya nakikita ko ang nangyayari.

Nakaupo sa sahig si Rose habang madaming pasa sa kanyang katawan.

"Sana ikaw nalang ang namatay at hindi ang kapatid mo!" Halata sa ekspresyon ng mukha ni Rose ang pagkagulat.

Alam niya na hindi siya mahal ng mama niya pero hindi niya akalain na maririnig niya ito mismo sa sarili niyang ina.

"Hon! Tama na!" Pilit hinahawakan ng ama niya ang braso ng ina niya para pigilan ito.

"Kasalan mo 'to lahat! Puro nalang kamalasan ang binibigay mo sa akin!"

Natigilan ako sa pakikinig ng makita ko ang isang maid na nakatingin sa akin at gulat na gulat. Sinenyasan ko siyang wag maingay.

"Sabihin mo sa matandang babae na 'yan na may bisita siya."

Agad naman siya napatango at kumatok sa kwarto bago pumasok.

•••

Ngayon alam ko na kung bakit lumalapit sa akin si Konan. Dahil inutusan lang pala siya ng mala demonyo niyang mama. Nakaupo ako ngayon sa sofa alam kong inaayos pa nila si Konan and act like nothing happened.

Nang makababa na sila I can see puno ng kalungkutan sa kanyang mata.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon