Ash gray blonde hair, violet eyes and super cute na mukha. Namilog ang aking mata at lumingon kay kuya Kiel na mukhang sumerender na sa akin. Napatango siya.
"No way! T-tama ba..." Napakagat nalang ako ng labi.
"Yes. Sumanib ka sa katawan ng long lost sister ng male lead." Halos mahulog ang panga ko dahil sa sinabi niya. No way! "I tried to warn you but you didn't even let me-"
"Aaaaack! Omg! Does that mean mas lalo akong mapapalapit kay Theoron?!" Agad ako napatalon sa tuwa. "Omg! Omg! Omg!"
"Are you out of your mind?! Alam mo naman sa kwento na si Moon Cervantes ay pinatay ni Theoron bago pa niya malaman na totoo niya palang kapatid si Moon!"
"Ayy oo nga pala." Sinapak ko ang braso niya. "Edi double dead."
Napatampal nalang siya ng noo.
•••
Napahinto kami sa paglalakad. Hinihingal na ako, kanina pa kami lakad ng lakad dito. Wala bang ano diyan. Rest? Beauty rest? Ayy ewan!
"Tama na! Stop na! Ano bang ginagawa natin dito?!" hinihingal kong tanong. Napamewang ako dahil sa pagod. Ang init-init pa.
Ang isang cute na katulad ko ay hindi deserve na maka experience ng ganito. Hinawakan niya ang balikat ko at seryoso akong tinignan. Mag co-confess na ba siya sa akin?
Sinasabi ko na nga ba eh! Hahay! Ang hirap talaga-
"You want to get out of here, right?"
"No."
"Dapat oo sagot mo!" Ayy ganun ba 'yon? Bumuga siya ng tingin. Halata sa ekspresyon sa kanyang mukha na napapagod na ito pero ba't ganun? Ang gwapo niya pa din hehe.
Tumango nalang ako habang napakamot sa batok ko.
"Sige kuya pogi-"
"If that body died, ganun ka din. Hindi ka na makakabalik sa mundo mo. Hindi ka na makakakabalik sa mga taong mahal mo, Lena." Natigilan ako sa sinabi niya. "In order for you to end this curse, you need to find the devil."
"D-devil?" gulat kong paninigurado. "Eh lahat naman sila demonyo eh... gwapo nga lang." Sinamaan niya ako ng tingin at napahilot nalang siya sa sintido niya. "Except kay Kieran, mabait 'yon eh hehe."
Hindi nalang siya nagsalita at nag doorbell na sa malaking bahay. Hindi pa nga ako ready eh! Nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Don't let your guard down, kid." Hindi na niya ako hinayaan magsalita at umalis na siya.
"Kuya! Baka nakakalimutan mong teenager na ako! Ginawa mo lang akong bata!"
Biglang bumukas ang pinto and I saw a beautiful woman with a baby blue dresss looking at me. Omg! Nakita ko din ang mama ni Theoron sa personal and I can't believe na magiging kapatid ako ni Theoron.
In the original story nakita nila si Moon sa kalsada at kinupkop ito. Hindi ko akalain na ako pa mismo ang lalapit sa kanila ngayon.
"What is the cute little girl doing here?" She gave me a warm smile dahilan para mas lalo siyang mag shine.
Oh my ghad! Nakakasilaw ganda niya! Agad ko siya niyakap dahilan para magulat siya.
"Mommy!"
Halata sa ekspresyon ng mukha niya na nagulat siya. You can't resist a cute girl like me, kahit ano pang gawin mo mwehhehehhe.
"H-hindi ako ang mama mo."
"Anong nangyayari diyan, hon? Ba't ang tagal mo?" Naramdaman kong papalapit dito ang asawa ng future mommy ko. He looked at me habang nagtataka.
Agad ko din siya niyakap. Hahay ang gwapo at ang ganda talaga ng parents ni Theoron. Hindi na talaga ako magtataka kung saan siya nagmana.
"Daddy!"
Lumingon ang lalaki sa babae at tinaasan naman siya ng isang kilay ng babae.
"Don't tell me anak mo 'yan sa labas? Sinasabi ko na nga ba eh! May kabet ka!" sigaw niya.
"Ano ba?! Sinabi ko na sa'yo na wala akonng kabet!" Ang ingay-ingay naman nila.
Para silang si mama at papa pag nag aaway. Paano ba sila papatahimikin? Kinirot ko ang sarili ko dahilan para umiyak ako.
"Ayaw niyo po ba sa akin kaya tinataboy niyo ako?" mangiyak-iyak kong tanong.
Napahinto sila sa pag away at lumingon sa akin. Now, just focus on me. Hindi niyo matatakasan ang ka cutan ko. Mas lalo pa akong umiyak. Dahilan para buhatin ako ng babae na parang bata.
"Oh baby, hindi 'yan totoo." Tinuro ko ang lalaki dahilan para samaan siya ng tingin ng babae. "Anong meron sa kanya, bata?"
"Ba't niyo po dinedeny na anak niyo ako? Totoo po ba?" Hindi sila nagsalita kaya tumulo na naman ang luha ko. "W-wala akong magulang?"
"Bata—" Magsasalita na sana ang lalaki pero agad sumabata ang babae.
"Nagbibiro lang kami. Anak ka namin, ano ka ba?"
Sabi ko na nga ba eh! Hindi nila kaya tanggihan ang isang cute na katulad ko! Napansin kong nasa labas si kuya Kiel, pinagmamasdan ako. I winked at him dahilan para mapangiwi siya.
Kita mo 'yon, kuya pogi? Galing ko no? Mwehehehhhe.
Nang makapasok na kami sa bahay ay agad napahinto ang babae at napatingin kami sa itaas. I saw a black hair and a blue eyes looking at me coldly. I thought magtatanong siya kung sino ako pero tumahimik lang siya.
Binaba na ako ni mama, Char. Mama ko na daw ang mama ni Theoron oh... What if kami talaga? Maganda naman ako at super gwapo niya naman... hende nemen meseme eh.
Charot lang. Magkapatid talaga kami dito.
"Kumain ka na ba... ummm." Ay muntik ko ng makalimutan hindi pala ako kilala ng babaeng 'to.
"Moon po... Ako po si Moon." Natigilan ito pero mga ilang minuto pa ang lumipas ay ngumiti siya.
"Ako pala si mommy Isabella mo at iyon naman ay si daddy Leo mo." Nilapit niya ang sarili niya sa tenga ko at bumulong. "Wag ka matakot sa daddy mo ha. Nakakatakot lang iyan tignan pero mabait iyan."
Masigla akong napatango. Dapat nga mas matakot ako sa anak niyo kasi baliw iyan at long lost brother 'ata 'yan ni satanas.
Lumapit sa amin si Theoron. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
"Oh and this is Theoron Cervantes. Siya na ang magiging kuya mo from now on." Lumingon si mama sa kusina. "May aasikasuhin lang muna ako. Maiwan ko muna kayo."
Pagkatapos niya sabihin iyon ay iniwan na niya kami. Magsasalita na sana ako pero agad niya ako inunahan.
"Nagkita na ba tayo dati? You look familiar."
What the—
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...