Anak ng kabayo! Akala ko nakatakas na ako kay kamatayan kanina, hindi ko alam na sinundan pala ako hanggang dito.
"K-kuya, itigil mo 'yan. Tinutulungan lang tayo ng babae." Agad lumapit si Zhyeus kay Kieran at napaatras naman ako.
Kahit bata pa si Zhyeus. Nakakatakot siya ano pa kaya paglaki niya.
"Kieran, wag ka magsalita, okay? Magpahinga ka na muna." Inabot ko sa kanya ang pagkain at tinignan muna ako ni Zhyeus.
He is Zhyeus Leonardo. Black hair and violet eyes. Moreno siya and siya ang top-kalimutan ko nalang 'yon, hehe. Kieran looked at me and gave me a warm smile.
"T-thank you, ate ganda." Tinawag ba naman akong ganda ng bida ng kwento.
How lucky I am?! Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising. Hhehehe! I can't believe na nangyari ito sa buhay ko?!
Kinain niya ang pagkain na sinusubo sa kanya ni Zhyeus. Sa susunod iba na talaga isusubo ni Zhyeusmwehhehehhe.
Hahawakan ko na sana ang noo niya pero sinapak ni Zhyeus ang kamay ko. Ouch ang sakit ha! Sinamaan niya naman ako ng tingin. Grabe ha! Mas matanda pa ako sa kanila pero hindi man lang niya ako nirespeto. Mabuti pa 'tong si baby boy Kieran kooo!
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" seryoso niyang tanong sa akin.
Grabe naman kung makaano sa akin, mukha ba akong killer?!
"Chinicheck ko lang naman, dae. Kasi nilalagnat siya." Napangiwi nalang ako dahil sa talim ng titig niya.
Hinawakan siya ni Kieran sa balikat, "Nararamdaman ko, Zhyeus. Mabait si ate ganda."
Aaaack! Bagay talaga silang dalawa! I cannorrrt! Mukhang napansin nilang kanina pa ako nakatitig sa kanilang dalawa dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
"Umm... Kailangan natin siyang dalhin sa hospital," sabi ko habang hindi nakatingin sa kanilang dalawa.
"But how? We don't have enough money to pay-"
"Ako na bahala." I winked at him dahilan para mapakunot ang noo niya.
•••
Ang ending naubos ang pera ko. Ang plano ko lang naman ay mag enjoy sa view pero bakit ba ako tumulong? Binatukan ko ang sarili ko.
"Ouch!"
Ang sakit pala. Hahay! Ang bobo ko talaga, wala na talaga ako nagawang tama. Napahinto ako sa pag e-emote dahil sa pagkamatay ng pera ko-charot. Tumingin ako kay Zhyeus na nasa harapan ko.
"Why are you doing this?" he asked seriously.
"Umm... diba dapat magpasalamat ka na lang?" Umiwas siya ng tingin.
Anong problema ng isang 'to?
"May kapalit diba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"Pardon?"
"Hindi mo naman kami siguro tinulungan na walang kapalit." Lumingon siya sa akin.
"Actually thank you is enough, Zhyeus." Halata sa ekspresyon ng mukha niya na hindi niya ito inaasahan.
"T-thank you." Kahit nagtataka ito ay hindi na siya nagtanong pa. Ang cute niya heheh nakakatakot nga lang.
Tumayo na ako at sinundan niya lang ako ng tingin. Wag ka tumingin sa akin, boy. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapisil ko ang cute mong pisnge.
"Ayos naman si Kieran. Kailangan ko ng umalis." Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko.
"You're not going to stay here any longer? Kieran may wanted to see his savior." I just smiled at Zhyeus.
"Hindi na. Siguro kapag pagtatagpuin ulit tayo ng tadhana." Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang.
•••
"Wala pa nga akong sinasabi umalis ka na agad." Muntik na akong mapasigaw ng bigla nalang siya sumulpot sa likod ko.
"Hehe sorry, naexcite lang ako kuya." Umiling nalang siya.
"Wag mo na gawin ulit 'yon." Tinignan ko siya ng nakakalokong tingin dahilan para mapakunot ang noo niya.
Napahinto ako sa paglakad ng makitang tumalon ang batang Konan sa dagat. Umiling lang siya sa akin dahil alam na niya ang binabalak ko. Agad ako tumakbo bago pa siya makapagsalita at tumalon sa dagat.
Shit! Hindi pala ako marunong lumangoy! Nakita ko ang batang Konan na pababa kaya i tried my best para makalapit sa kanya.
Sinubukan kong kunin ang kamay niya pero nawalan na ako ng hininga.
•••
Agad ako napaupo habang hinahabol ang sariling hininga ko. Bigla nalang ako nakatanggap ng malakas na batok sa lalaking 'to.
"Aray!"
"Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi ko alam kung saan ka nagmana." Umiling nalang siya.
Napapout akong tumingin sa kanya, "Sabi mo kay Auntie."
Napahilot nalang siya sa sintido niya at nginitian ko lang siya. Ang cute niya talaga. I wonder kung sino crush niya-baka lalaki din nagustuhan niya kasi siya ang naglagay sa akin dito sa novel.
"No, mas malala ka pa," he said seriously.
Ouch! Sakit nun beh ah. Hindi mo man lang inisip mahu-hurt ang aking precious damdamin, huhu! Well totoo naman eh pero masakit pa din.
"Sorna uwu!" Nagpuppy eyes naman ako dahilan para diring-diri niya akong tignan.
"Hindi bagay sa'yo." He heavily sighed. Sana naman hindi niya ako pabalikin sa mundo namin. Baka sumerender siya? Huhu, gusto ko pa makita mag ano si Kieran at Theoron- "By the way, I forgot to tell you that you're dead."
Natigilan ako sa sinabi niya. What did he just said to me?! T-t-that I'm dead?! Tumawa ako at sinapak ang braso niya, halata sa ekspresyon sa mukha niya na nasaktan siya.
"Kuya," kabado kong tawag sa kanya. "Alam kong matigas ang ulo ko pero wag mo naman akong takutin ng ganyan." Agad ako napasigaw at umatras dahilan para mas lalo siyang magtaka sa akin. "No way! Grim ripper ka no!" Agad ko niyakap ang sarili ko. "This is a trap right?! Huhu! Kuya naman eh hindi pa ako nagbago! Madami pa akong kasalanan! Hindi pa ako ready mapunta sa impyerno!" Magsasalita na sana siya pero nagpuppy eyes ako dahilan para mandiri siya. "Kuya, ang isang magandang katulad ko ay hindi bagay doon."
Nakatanggap ako ng batok sa kanya. Nakailang batok na 'yan ha. Baka may bukol na sa ulo ko?! Ang beauty ko?! Baka mawala huhu?!
"Tumahimik ka nga." Napakamot nalang ako sa batok ko. He heavily sighed at binigay sa akin ang maliit na salamin.
Taka ko naman 'tong kinuha. Bakit niya ako bibigyan ng salamin? Gusto niya ba marealize ko kung gaano ako kaganda? Pfft! Alam ko na-
"What the f*ck?!" Napahawak ako sa mukha ko. "Sino 'to?! At bakit ako naging bata?!"
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...