Chapter 27

828 46 1
                                    

"Turuan mo nga ako paano magmahal ng tama," nakangiti niyang sabi.

"Luh ba't sa akin?" Tinuro ko pa talaga ang sarili ko. Tumawa ako at tinapik ang balikat niya. "Wag ka sa akin, beh. Wala din akong experience. Nbsb ako."

"Nbsb?" Nakita ko pang napakunot ang noo niya na para bang hindi niya alam ang ibig ko sabihin.

"No boyfriend since birth! Kaloka!" Napatawa ito.

"Bakit hindi mo subukan?"

"Eh hindi naman kasi ako papayagan ni mama at papa. Lagot ako nun!" Kakainis naman kasi.

"Oh baka wala lang talagang pumapatol sa'yo kasi pa-"

"Sige ituloy mo! Makikita mo hinahanap mo!" Tumikom na ang bibig niya.

Should I start applying skincare? Tumigil kasi ako kasi tinatamad ako. Napahawak ako sa mukha ko. Kaya ba hindi gusto ni Theoron na lumapit ako sa kanya kasi hindi ako maganda? Sabi naman kasi ni mama-wait, iba pala ang katawan ko ngayon. Napakagat nalang ako ng labi. Ate Guin will be disappointed if she knows na hindi ako marunong mag alaga sa sarili ko!

"Panget na ba ako?" Lumingon ako sa kanya at hinintay ang sagot niya. Hinawakan ko ang kwelo niya at niyugyug ito. "Ba't hindi ka nagsasalita?!"

Namula ang kanyang pisnge at umiwas ng tingin. Panget talaga ako?!

•••

Agad na ako pumunta sa watson at kumuha ng mga products na pangpaganda. Para naman hindi na din ako tubuan ng tigyawat. Napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"What are you doing here?" taas kilay kong tanong.

"Inutusan ako ng kuya mo na bantayan ka." Napapout na lamang ako at kinuha 'yong eyecream.

"Nagtataka ka ba kung ano 'to?" I asked.

Agad siya umiwas ng tingin nang lumingon ako sa kanya. Kahit hindi niya pa sabihin ay alam ko naman na curios siya. Unfair naman kasi wala siyang ginagamit pero clearskin siya.

"Ano ba 'yan?" Napairap nalang ako. Sa wakas nagsalita din 'to..

"Ito 'yong mga product na ginagamit para gusto magka clearskin ang tao. Cleanser, toner, serum, moistorizer, eye cream at lip bump." Kinuha ko ang 20 ka facial mask good for 1 month. "Idagdag mo na din 'to. Mabuti nalang may pera si mama."

Pumunta na ako sa cashier at napansin kong kanina pa siya nakatingin sa perfume. Kinuha ko ang perfume at sinali na din. Tumingin siya sa akin.

"What are you doing?" I gave him a warm smile.

Lumabas na kami sa watson at binigay sa kanya ang perfume.

"You can have this."

"What? Why?"

"Diba gusto mo 'to?" Nilagay ko na ang perfume sa kamay niya at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Thank you for choosing me... For choosing us, Zhyeus."

Tumalikod na ako at ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. Naalala ko tuloy nung bata pa kami binilhan ko din siya ng damit.

•••

Lumingon ako sa bintana. Nagsasanay pa rin si kuya palagi nalang siyang ganyan. Napapaisip ako. Nagpra-practice ba siya para patayin ako? At bakit hindi pa nagsisimula ang lovestory ni Kieran at siya. Lumingon siya sa akin dahilan para mapahinto ako.

Ganun pa din ang tingin niya sa akin. Napabuga nalang ako ng hangin. Kinuha ko ang cardigan ko at sinuot ito. Tumingin ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Day off ko ngayon kasi sabado pero pupunta nalang ako kay Kieran. Sabi niya kasi pwede daw ako bumisita sa kanya.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa likod ko. Ba't feeling ko sinusundan ako? Kumunot ang noo ko at dali-daling pumunta sa bahay ni Kieran.

Bago paman ako tuluyang makapasok ay may humawak sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked.

"Zhyeus?" Kumunot ang noo ko. Sinusundan niya ba ako?

"Diba sinabi ko na sa'yong lumayo ka kay Kieran?"

"Huh? Wala naman akong rason para layuan si Kieran." Kumunot ang noo ko at tinulak siya ng mahina.

Well sinabi niya talaga sa akin na layuan ko si Kieran pero wala naman akong nakikitang dahilan para layuan siya.

"Ang weird mo. Bakit mo ba sinasabi 'yan? Diba ang sabi mo pa sa akin tinuring mo siya bilang kapatid. Gagawin mo ang lahat para sa kanya?" Kumunot ang noo ko. "Why are you acting like this, Zhyeus?"

"You don't understand. Hindi mo-"

"Kuya... Nandito ka na pala." Pareho kaming napalingon sa likod ko at nakita namin si Kieran na nakangiti sa aming dalawa.

Bakit ako 'yong kinakabahan dito? Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako?! Hinawakan ni Zhyeus ang wrist ko.

"Let's go home." Hihilahin na niya sana ako pero hinawakan din ni Kieran ang isa ko pang wrist.

Wag na kayo mahiya hatiin niyo nalang ako.

"Kakarating lang niyo dito. Uuwi na kayo agad?" Malungkot itong tumingin sa akin. Beh! Wag mo akong tignan ng ganyan! Baka magstay na ako dito forever?! "Did i do something wrong kaya ayaw niyo akong makasama?"

"What?" Nilakihan ko ng mata si Zhyeus sinenyasan na bitawan niya ang wrist ko. Pero lokong 'to parang wala siyang balak na makinig sa akin. Ako ang amo mo dito! Hoy! "N-no, mag s-stay pa kami dito. Diba Zhyeus?"

"Busy ako," cold na sagot ni Zhyeus.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kieran sa wrist ko. Nagpuppy eyes ako kay Zhyeus dahilan para mapangiwi siya. Kung makatingin naman ito diring-diri ah. Sakit sa heart ah.

"Iwan mo nalang si Moon. I can take care of her." Mas lalong lumamig ang tingin sa kanya ni Zhyeus.

"Hindi ko siya iiwan dito. Bilin sa akin ng kuya niya na bantayan ko siya. At ilayo siya sa mga lalaking katulad mo." Baka nagselos si kuya kasi mahal niya nga si Kieran? Napalunok ako ng laway. Baka patayin ako nun? Lumingon sa akin si Zhyeus. "Are you going to disobey your kuya?"

Dahan-dahan akong tumingin kay Kieran. Mukhang nasaktan siya sa pipiliin ko kahit hindi ako magsabi ay alam niya na takot ako kay kuya.

"Sorry Kieran. Bibisitahin nalang kita sa susunod." Hindi pa nakapagsalita si Kieran ay agad na ako hinila ni Zhyeus.

Anak ng tinapa! Hindi man lang ako hinintay.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon