Napahinto ako ng bigla nalang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin na para bang ayaw na niya akong palabasin. Kahit hindi siya nagsasalita ay parang nababasa ko kung anong iniisip niya.
Napalunok nalang ako ng laway at umiwas ng tingin. Kung nakakatunaw lang ang tingin beh, kanina pa ako natunaw.
"Mas gusto mo ba siya kaysa sa akin?"
"Huh?" Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako na sa isang iglap ay nakorner na niya ako sa pader.
Kitang-kita ko sa kanyang mata ang galit, disappointment at iba pa.
"Why?! Mahal mo ba siya?! Mas matagal mo naman ako nakasama kaysa sa kanya?! Bakit siya pa?!" Kumunot ang aking noo.
Nagtataka kung bakit siya nag aasta ng ganito?
"Huh? What are you talking about-"
Muntik pa talaga ako napasigaw sa biglaan niyag paghawak sa pisnge ko gamit ang dalawa niyang kamay at mas lalong nilapit niya ang mukha niya sa akin.
Agad ko siya sinampal at umatras. Baka ano pa ang gawin niya sa akin? Ngayon lang ako natakot ng ganito dahil sa inasta niya. First time ko siya nakitang ganito sa akin.
"Nababaliw ka na ba?! You're scaring me?!" takot kong sabi.
Napahinto ito.
"Hindi mo ba naintindihan?" Napakunot ang aking noo sa tanong niya. Tumayo siya at dahan-dahan na lumapit sa akin. Paatras naman ako ng paatras dahil hindi ko kayang lumapit sa kanya. "Mahal kita, Moon. Ilang taon na kitang minahal. Since bata palang tayo mahal na kita. Hindi mo ba napapansin 'yon?!"
"What? B-but-"
"Yeah right! You really think na ang nakikita ko lang sa'yo ay kapatid lang?! No! It's more than that! Palagi ka nalang gumagawa ng paraan para mahulog ako sa'yo! Why are you doing this to me?! Pinaglalaruan mo ba ang damdamin ko?!" Tumawa ito at lumuhod sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay lang. As long as hindi mo ako iwan. Okay lang lokohin mo ako, paglaruan mo ako. You can use me whenever you want, Moon."
Agad ko siya tinulak. Nakayuko ito kaya hindi ko kita 'yong mata niya, natatakpan ito ng bangs niya.
"Nababaliw ka na ba?! Why? Akala ko si Theoron gusto mo!" Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko.
"I'm straight, Moon. I like you... Only you." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Sana panaginip lang 'to. Sinampal ko ang aking sarili pero hindi talaga panaginip. Ako lang nasaktan.
"N-no-t-this can't be-" Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak dahilan para mapahiga ako sa sahig.
Napapikit nalang ako sa sakit ng likod ko na tumama sa sahig. Naramdaman ko nalang na pumatong siya sa akin at hinalikan niya ang labi ko. Gutom na gutom siya.
"R-rose! W-wag!" Naramdaman kong bumaba ang kanyang labi at huminto sa leeg ko.
Sinipsip niya ito at naramdaman ko pang dinilaan niya ito. Namilog ang aking mata sa aking ginawa.
"I want you mine, Moon. Ayaw kong mapunta ka sa iba. Ayaw kong pumapaligid ka sa ibang lalaki." Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. "Pagod na akong masaktan, Moon. Akin ka nalang, please."
"Ayaw ko." Natigilan siya sa sinabi ko.
Hindi ako kailanman papatol sa'yo, Rose. Mas matanda pa ako sa inaakala mo. Agad ko siya tinulak at hindi man lang siya lumaban. Agad ako pumunta sa pinto at akmang bubuksan ito pero hindi mabuksan.
Napatingin ako sa kanya, "Tinapon ko na ang susi."
"What the heck?! Bakit mo ginawa 'yon?! Ano nalang kakainin ko?! Wag mong sabihin gusto mo din mabaliw ako?!"
"Mabaliw sa akin, oo." Sinamaan ko naman siya ng tingin at napasmirk nalang ito.
"Ano bang nangyari sa'yo nung wala ako, Rose?" Hindi ba 'to nakakain ng ilang araw kaya siya nawala sa sariling bait?
Tumawa ito ng pinakamalakas na para bang nagbibiro ako. May sinabi ba akong nakakatawa?
"What are you talking about? I'm always like this." Nawala ang kanyang ngiti at napalitan ito ng seryosong ekspresyon. "Hindi mo napapansin kasi nasa iba ang atensyon mo."
"What?"
"Are you having fun?" seryoso niyang tanong.
"Having fun?"
"Hurting me."
"Hindi ko intensyon na saktan ka, Rose..."
"And by the way... Don't call me Rose... Matagal na siyang patay. Hindi siya nag e-exist." Hindi lang ako nagsalita. Ngumiti ito at umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tumingin sa mukha niya mas nakakatakot pa siya kaysa sa horror movie. "My sister is dead. Because of me... Sinisi nila sa akin ang lahat. Pinilit nila akong magpanggap bilang si Rose. All my life hindi ko pinakita sa inyo lahat ang totoong ako." Niyakap niya ang sarili niya at nanginginig ito. All i can see is fear. Tumingin ito sa akin at hindi ako makagalaw dahil sa titig niya. "But you... Why do i feel na kilala mo talaga ako? Bakit komportable ang pakiramdam ko sa'yo?"
"What?"
"Sa simula palang magaan na talaga ang loob ko sa'yo, na para bang kilala mo talaga ako at tanggap mo kung sino ako." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. I don't want you to leave me again, Moon. Magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako."
"Baliw ka na talaga!" Hinawakan ko ang balikat niya. "Kailangan mo na talagang pumunta sa mental hospital. Kailangan mo ng ipagamot ang sarili mo."
"Para ano?! Para iwan mo ako?!" inis niyang tanong sa akin.
Napalunok nalang ako ng laway. Hindi talaga siya kumakalma. Ilang araw na ba siyang hindi din kumakain?
"Babalik din naman ako eh."
"No, hindi ka na babalik." Kumunot ang aking noo. Wow beh ha! Siguradong-sigurado ka talaga na hindi ako babalik. Nahulaan mo na siguro iyan bago pa ako nakatapak dito sa lupa. "Hindi ako bobo, Moon. I know hindi ka na niya isasauli sa amin."
"Isasauli? Ha? Sino naman 'yang tinutukoy mo?" Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Bakit halos lahat ng mga tao dito ay praning? Si Kieran lang dito 'yong kalmado at parang walang problema sa buhay ah.
At mukhang si Kieran lang ang matino na pag iisip dito.
"Kieran."
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...