Agad niya ako hinila at niyakap niya ako. Gulat na gulat pa rin ako.
"It's okay. I'm already here. You're safe." Ewan ko talaga.
Bigla nalang tumulo ang luha ko. Bumuhos ang mga luha ko. Gusto ko nalang sumigaw. Hindi ko na kaya! Ano bang nangyayari sa buhay ko?!
"Ayaw ko na, Kieran! Pagod na pagod na ako!" Naramdaman ko ang kanyang kamay na hinahaplos ang likod ko.
Nang kumalma na ako ay tinulungan na niya ako makatayo.
"Akala ko hihingi ng tawad ang kuya mo. I didn't expect him to..." Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.
I narrowed my eyebrows.
"What?"
"Napansin ko kasi na late ka ng umuwi kaya naisipan kong nandito ka. I thought ayaw mo na akong makasama kaya ka umuwi, it turns out kinidnap ka pala nila."
"I'm sorry, Kieran. Nakinig na sana ako sa'yo." Lumingon ako kay Theoron.
Patay na ba siya? Pinatay ba siya ni Kieran?
"Shhh, it's okay. Hindi mo naman alam na ganito ang mangyayari." He heavily sighed and look at the body of Theoron na walang malay. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa niya ito. "Ang importante ay ligtas ka."
•••
Nandito na ako sa kwarto ni Kieran nagbibihis. Nang matapos ako magbihis ay lumabas na ako at bumaba papunta sa dining room. Napahinto ako ng makita siyang nakatingin sa kanyang dalawang kamay.
Nalungkot siguro siya dahil ngayon lang siya nakapanakit ng tao. Ng dahil lang sa akin ay nakaranas siya ng ganito.
Hindi na sana ako lumapit sa kanila in the first place. Feeling ko tuloy lahat ng ito ay kasalanan ko. Mukhang napansin niya ang aura ko dahilan para mapalingon siya kung saan ako nakatayo.
"Moon." Ngayon ko lang napansin na wala ng tumatawag sa totoo kong pangalan.
"Are you okay?" I worriedly asked.
He gave me a warm smile as if na wala siyang tinatago sa akin.
"Dapat nga ako magtanong sa'yo niyan." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Ang dami mo ng dinanas na hindi dapat maranasan ng isang normal na babae. Natrauma ka siguro."
Umiling ako, "Okay lang ako. Makaka move on din naman ako eh."
"Good, you're so strong, Moon. I'm proud of you," mahinahon niyang sabi sa akin. I gave him a warm smile dahilan para bigyan niya din ako ng matamis na ngiti. "Magpakatatag ka palagi ha. Madami pang nagmamahal sa'yo."
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Bakit feeling ko may alam siya sa totoong pagkatao ko?
•••
Nang matapos ako kumain ay pumunta ako sa harden. Ang ganda talaga ng garden ni Kieran. Halata naman na marunong siya mag alaga. Hindi kagaya ni Theoron. Baka pati 'yong halaman ay matakot pa sa kanya?
I heavily sighed. Wag ko na nga siya isipin. Baliw talaga siya. Akalain mo 'yon! Magkakagusto siya sa kapatid niya?! Sarili pa niyang kadugo!
Well, akala niya kasi hindi niya totoong kapatid itong si Moon, kasi naalala niya nga inampon lang ako ng parents niya.
Pero alam ko naman na malalaman din nila soon na anak nila ako. Kumunot ang aking noo ng may nakita akong buhok sa lupa.
Bakit may buhok dito? Lalapit na sana ako at kukunin na sana ito pero napasigaw nalang ako ng may humawak sa balikat ko.
Agad ako humarap sa kanya at pati siya ay nagulat din. Nakakaloka! Akala ko multo!
"Ano ka ba naman?! Nakakagulat ka!" Napahawak ako sa dibdib ko. Naramdaman ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko na para bang sasabog na ito.
Ngumiti naman siya ng matamis. Ano ba 'yang ngiti na iyan? Nakakaakit! Shet!
"Pasensya na, Moon. Gusto ko lang sana itanong kung anong ginagawa mo dito?" mahinahon niyang tanong sa akin.
Ano pa bang ginagawa sa garden? Edi mag swimming. Charot! Baka mabatukan ako nito? I still remember palagi nalang ako binabatukan ng totoo kong kuya dahil wala akong kwentang kausap.
"Tinitignan ko lang 'yong mga bulaklak. Ang gaganda kasi." Bakit bigla nalang ako kinabahan kahit nakangiti siya.
"I'm sorry, Moon. But this place is dangerous." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. How can this beautiful place be dangerous? "Hindi ka na dapat bumalik dito next time."
"Why?"
"May natagpuan kasi akong ahas dito kaya pinatay ko," nakangiti niyang sabi.
Ahas? Hindi na ako magtataka dahil harden ito. Minsan kasi dumadaan ang mga insekto o ahas dito. Kawawa naman 'yong mga butterfly na dumadaan.
"Really? Sayang naman ang ganda pa naman ng harden na 'to," nakapout kong sabi. Lumingon ako sa kanya. "I really like it, Kieran."
Natigilan ito pero binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. Hindi naman ito bigdeal eh.
•••
Bakit feeling ko may tinatago si Kieran sa akin? And I don't really want to know pero may side sa akin na gusto mag investigate. Nag iba na kasi ang takbo ng kwento. Kaya hindi ko na masyadong alam ang nangyayari.
Nakatingin lang ako sa bintana habang nilalasap ang masariwang hangin. Napahinto ako ng feeling ko may nakatitig sa akin.
Agad ako napalingon sa likod ko and I saw Luan na nakahiga sa kama habang nakatingin sa akin.
"What are you doing here?" taas kilay kong tanong.
"Wala lang."
Ayan na naman siya sa wala lang. Napamewang ako habang nakataas kilay na nakatingin sa kanya. Naiinis talaga ako. Inutusan na naman ba siya ni Konan na lumapit sa akin?
"Inutusan ka na naman ng bestfriend ko?" mataray kong tanong.
"Pfft! I don't need his permission para lumapit sa'yo, Moon." Loko talaga ang lalaking 'to.
Ano kaya sa feeling no na walang nagtatangka sa buhay mo? Tapos parang laro lang ang lahat sa'yo? Pigilan niyo ako, masusuntok ko talaga ang lalaking 'to!
"Kulang nalang talaga. Isa nalang. Mapapagkamalan na talaga kitang may crush sa akin." He chuckled. Alam ko naman na hindi mangyayari eh. Sa itsura kong 'to?! Mas maganda pa nga si Kieran at Konan tignan eh!
Huhu! Ang unfair ng world na 'to! Inaano ko ba kayo!
Lumapit ito sa akin habang hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Nang makalapit na ito ay ngumiti ito.
"Interesado lang ako sa'yo dahil sa mga taong nasa paligid mo, but falling inlove with you will never happen."
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...