Chapter 12

975 46 1
                                    

"What?" Ano na naman bang kadramahan nitong lalaki na 'to.

"You know gusto kong makasama kita. Parati mong nakukuha ang atensyon ko, Moon." Napakamot ito sa batok niya at hindi nakatingin sa akin. Namumula ang kanyang pisnge.

Kung wala lang siya sa harapan ko kanina pa ako napairap.

"Really?" Sus gusto mo lang akong patayin eh.

Napatingin ako sa papalapit na Zhyeus. Mabuti naman at naalala niyang sunduin ako. Iiyak talaga ako pag nakalimutan niya.

Agad ko siya hinila. Halata naman sa ekspresyon ng mukha niya na nagulat siya.

"Ito pala ang kaibigan ko. Siya nalang ang magtotour sa'yo total wala naman siyang gagawin, diba Zhyeus?"

Lumingon siya sa akin at sinenyasan ko siyang sumabay sa akin. Sige na, huhu. Iligtas mo na ako, hindi ka naman papatayin niyan eh. Mas malakas ka pa naman sa kanya kahit hindi halata.

Nagpuppy eyes ako and I saw him sighed heavily. He nod dahilan para mapangiti ako.

"Pumayag naman si Zhyeus. I need to go now—bye!"

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang. Nakakaloka. What if siya 'yong sumusunod sa akin nung papunta na ako sa bahay ni Rose.

Ako talaga inuuna niya eh hindi pa nga nagsisimula love story ni Kieran at Rose.

Gusto ko nalang talaga maging hotdog. Hindi pa nga nagsisimula mission ko pero parang gusto na ako patayin ng mundo. Napahinto ako sa paglalakad ng maalala ang pagkain na nasa restaurant ni Kieran.

Bibilhan ko si Rose nun. I'm sure magugustuhan niya. Napangiti nalang ako sa naisip ko.

Agad ako tumakbo papunta kung saan si Kieran. Sana pala dinala ko dito si kuya kaso kahit anong lapit ko sa kanya ang hirap. Gumagawa kasi siya ng paraan para hindi ako makalapit sa kanya.

Nang makapasok na ako sa restaurant. I saw Ezra na ngayon ay may hawak na pudding.

He smiled at me. Hindi ko inaasahan na nandito siya. Kumaway naman ako. Napahinto si Kieran ng makita ako. Mukhang hindi niya din inaasahan na nandito ako.

•••

Nilagay na ni Kieran ang pagkain at nagtagpo ang mata naming dalawa ngumiti naman ito dahilan para ngumiti din ako. Nang umalis na siya ay bigla nalang nagsalita si Ezra.

"Crush mo?" Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya.

Ano na naman 'tong nasa isip niya? Ako mag cru-crush kay Kieran? Kung hindi ko lang talaga siya kilala edi sana magka crush ako sa kanya.

"Hindi eh. Mas bet ko si kuya." Bigla niyang nabitawan ang kutsara niya. Hehe ang cute ng reaksyon niya. I smiled warmly. "Oo tama ang nasa isip mo. Crush ko 'yong kuya ko." Hindi ito makapagsalita dahilan para mapatawa ako. "Joke lang. Hindi ko siya crush pero parang ganun na nga."

He chuckled dahilan para matigilan ako.

"You're really funny."

"Kilala mo ba si Kieran?" Lumingon siya sa lalaking may kausap na customer.

Mukhang naramdaman ni Kieran na nakatingin kami sa kanya kaya lumingon siya sa amin at binigyan kami ng matamis na ngiti bago bumaling ulit sa costumer niya.

"No. Nakita ko lang 'tong restaurant na 'to. Hindi ko nga akalain na makikita kita dito." Nakakaloka hindi naman kasi ito minention sa libro.

"A-ah ganun ba. I heard kaibigan ka daw ng kuya ko." Kinain ko ang pagkain na binigay sa akin ni Kieran. Libre lang daw ito ni Ezra.

"Not really, close lang kami. Your older brother is a bit cold." I giggled.

Kay Kieran lang 'yon mawawalan ng astig eh. Demonyo talaga 'yon hindi ko alam kung bakit hindi siya 'yong pinapahanap sa akin ni kuya Kiel.

"Sinabi mo pa. Alam mo ba ilang beses na akong muntik namatay ng dahil sa kuya ko."

"And you still like him." Napatango ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari kay kuya Theoron dahil wala naman nakasulat sa libro about sa past niya. Siya lang 'yong mystery sa kanilang anim.

"He's my older brother, after all." Natigilan ito pero agad din ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Manang-mana ka talaga sa mama mo." Actually, hindi ko naman mama ang mama ni Theoron.

Miss ko na tuloy si mama. Napailing na lamang ako at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Of course! Anak niya ako eh!" Nag flip hair naman ako dahilan para mapatawa siya.

Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si Kieran pero umiwas din naman ito ng tingin.

"Hindi ka dapat pumunta dito, Moon." Lumingon ako sa kanya. Muntik ko ng makalimutan na nandito pala si Ezra sa harapan ko.

"Pardon?"

"Delikado ang lugar na 'to." Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. "Alam mo 'yon." Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya. Is he trying to warn me?—alangan naman, bobo ba ako? "Baka mag alala 'yong kuya mo sa'yo—"

"Walang pake si kuya sa akin kahit pa mapahamak ako." Ngumiti ako. "Kaya wag ka mag alala."

"T-that's—"

"No need to cheer me up. Masaya na ako na nakita ko kuya ko," nakangiti kong sabi sa kanya.

I don't belong here anyway. Kaya hindi naman masakit, medyo aray lang—charot. Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang. Ano ba beh? hindi naman 'yon masakit parang kagat lang ng dinosaur. Raur!

•••

"Are you sure hindi ka sasama sa akin?" Lumingon ako sa driver na naghihintay sa akin.

Hindi ko naman siya pwedeng abalahin and relax wala dito si Luan. I'm sure hindi niya naman ako susundan dito.

"Wag na kayo mag alala sa akin, may pupuntahan pa kasi ako." Napakamot ako sa batok ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Napatango siya, "Wag kang magtagal dito, Moon. Madami ng nawawala dito."

Napatango ako sa kanyanng sinabi. Ngumiti nalang siya at natigilan ako ng hinalikan niya ako sa pisnge bago umalis.

Enebe weg me nemen eke penekeleg ng genyen.

"I see, gusto mo siya." Lumingon ako kay Kieran and he smiled at me.

Ba't ako kinakabahan saglit? Natatakot na siguro ako dahil sa nalaman ko sa dyaryo sa susunod hindi ko na talaga babasahin ang binabasa ni kuya Theoron.

"Kieran."

"It's late. Dito ka na muna delikado kasi kapag naabutan ka pa ng gabi."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon