Chapter 20

883 39 0
                                    

"P-pwede ba akong tumabi sa'yo matulog?" nanginginig kong tanong.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Wala lang siyang ekspresyon na nakatingin sa akin.

"Are you scared?" he asked.

Hindi lang ako nagsalita at kumalas nalang sa pagkakayakap. Bakit kasi wala si mama dito? Sa kanya nalang sana ako tatabi matulog.

"Sorry."

Doon nalang ako matutulog kay kuya. Alam ko naman na hindi  niya ako papatayin kasi hindi pa nagsisimula lovestory nila. Mgsisimula na talaga akong magdasal.

Hinawakan niya ang wrist ko dahilan para lumingon ako sa kanya. Malamig pa rin anng titig niya sa akin.

"Where are you going?" he asked.

"Uhh... matutulog?"

"Sa kwarto?"

"Obviously? Saan ba ako matutulog?" Hindi lang ito nagsalita at walang gana lang niya akong tinignan. Ito naman hindi mabiro. Nagjojoke lang naman 'yung tao eh. "Charot lang. Doon ako matutulog sa kuya ko. Gusto ko pa kasi mabuhay."

"Your older brother said na wag daw siya istorbuhin." Nawala ang aking ngiti sa kanyang sinabi. Hindi pa rin lumalambot ang puso ni kuya. Paano ba iyun ginawa ni Kieran? Pa tutor nga ako. "Gusto mo ba ako matanggalan ng trabaho?"

"Hehe joke lang naman. Ito naman. Sabi ko nga doon na ako matutulog sa kwarto ko." 

Nang makapunta na ako sa kwarto. Kumunot ang aking noo ng mapansin na nakasunod siya sa akin. Hindi ko naman siya inutusan na sundan ako ah. Don't tell me papatayin niya ako dahil annoying ako? Magsasalita na sana siya pero agad ko na siya inunahan.

"Magbebehave na talaga ako. Huhu promise!" Hindi lang siya nagsalita at tumingin lang ito sa akin. "Please sorry na."

"Wala ka naman kasalanan sa akin. No need to apologize." Ay ganun?

"So why are you here?" I asked.

"Babantayan kita."

"Huh?" Hindi na naman siya nagsalita. "Ba't mo naman ako babantayan?"

"You're scared, right? Makakatulog ka lang ng maayos kapag alam mong safe ka." Napangiti ako ng nakakaloko.

Ehem enebe uso pala sa'yo mag care lods.

"No need mag worry—"

"Hindi ako nag alala sa'yo. Ginagawa ko lang trabaho ko." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya.

Sabi ko na nga ba eh. Tatahimik nalang ako. Humiga na ako sa kama habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Tsk! Suplado.

Nakatayo lang siya at nakasandal sa sahig. Nakatingin sa akin. Paano ako makakatulog niyan kung palaging may nakamasid sa akin?

"Umm pwedeng wag ka tumingin. Hindi ako komportable eh, hehe." Umiwas naman siya ng tingin. Mga ilang segundo pa ay lumingon ulit ako sa kanya. "Ayaw mo ba talaga matulog?"

"Matulog ka na. Maaga ka pa gigising bukas," cold niyang sabi sa akin.

Tsk! Ang sungit niya talaga.

Pinikit  ko na ang mata ko.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Ba't ang dilim ng paligid? Did they turn off the light?

"Kuya? Nasaan ka?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ang dilim talaga.

Tatayo na sana ako pero natigilan ako ng namalayann kong nakatali pala ako. What the heck?! Pilit akong  nagpupumiglas pero mas lalong humigpit ang pagkakatali sa akin.

"Tulong! May tao ba dito?!"

Ngunit walang sumagot. Muntik na ako mapasigaw ng bigla nalang may humaplos sa pisnge ko. I looked at him pero hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero kahit na hindi ko makita ang mukha niya. Labis ang takot ang nararamdaman ko sa kanya.

"Finally, you're mine now."

"Hindi!"

Agad ako napaupo at hinahabol ang sariling hininga ko. Anong klasing panaginip iyun?

"Ibang klase." Lumingon ako sa harapan ko at sinamaan siya ng tingin.

"Kiel," seryoso kong tawag sa pangalan niya.

Natigilan ito dahil sa mga titig ko. Lumapit ako sa kanya and i cross my arm.

"Woaah chill! I didn't forget about you kaya nga bumisita ako eh wag ka na magalit." Halata naman na natakot siya sa akin.

"Do you hate me?"

"What?"

"Tell me the truth." Lumingon ako kay Zhyeus na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sahig. "Kaya ba nilagay mo ako dito sa nobelanng 'to para mamatay?"

"What are you talking about, Lena?"

"Anong rason bakit mo ako kinamumuhian, Kiel?" Mas lalo akong lumapit sa kanya. "Ng dahil ba 'to sa mama ko?" Hindi siya nagsalita. Nagkatitigan lang kaminng dalawa. I chuckled. "Joke lang hehe. Masyado ka naman seryoso."

"Ha?"

"Hakdog."

Lumapit ako kay Zhyeus na ngayon ay mahimbing na natutulog. Binabantayan niya ako simula kanina. I smiled warmly.

"Baka mafall ka diyan ha?" I chuckled dahil sa sinabi ni kuya Kiel.

Umiling nalang ako, "Nye nye nice joke, Kiel."

"Malay mo diba?" Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para maisipan niyang itikom ang bibig niya.

"Ha? Magic ba iyan?" Tumayo ako at napamewang. "Alam mo naman na sa isang babaeng katulad ko ay hindi nararapat dito magka roon ng lovestory. Beh bl 'to!"

"Nagbibiro lang naman ako." Napakamot naman siya sa ulo niya. "Anng init naman ng ulo nito."

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at umalis nalang siya.

•••

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Muntik pa ako mapasigaw ng biglang bumungad ang mukha ni Rose sa akin.

"Ano ba?! Wala tayo sa horror uy!" Agad ito napaatras dahil sa biglaan kong pagsigaw.

"Ang sunngit mo naman. Wala ka bang kain?" Walang gana ko lang siyang tinignan. "Hindi ka ba pinakain ng magaling mong kapatid?"

"Ewan ko. Hindi mo na ako papasok." Tumayo na ako at umalis sa classroom.

Rinig ko pang  tinatawag niya ang pangalannko pero nag pa as if nalang akong hindi siya narinig. Nakakainis!  Ba't ba kasi kailangan ko mag suffer dito sa period nanana.

Nang makapunta na ako sa library  nakita ko na naman si Ezra nagbabasa ng libro. Umatras ako at umalis nalang. Baka maipamukha pa niya sa akin kung gaano ako kabobo beh wag nalang.

Nang makapunta na ako sa rooftop ay umupo akos upuan na nakita ko at pinagmasdan ang langit. Natigilan ako ng may marinig kong tunog ng camera dahilan para mapatingin ako sa direksyon niya and I saw Luan taking pictures of me.

"Sorry. Ganda kasi."

Binigyan ko siya ng pekeng ngiti, "Alam ko."

He chuckled. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisnge ko. Luh anong gagawin niya?

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon