CHAPTER 33

2 0 0
                                        

Gabi nang magpasya sina Eilie na lumabas. Hindi dahil gusto niya. Kundi dahil kailangan.

"'Te, sabi ko na nga sa'yo—ngayon na lang ulit may night market. Saglit lang tayo," reklamo ni Holter habang halos hinihila siya palabas ng bahay.

"Hindi saglit 'yan. Kilala kita," malamig niyang sagot, pero hindi na rin niya pinigilan nang tuluyan.

Sa likod nila, si Lucio, tahimik lang pero halatang excited—nakasunod habang hawak ang maliit na pitaka na ilang beses nang chineck kung may laman pa.

Napabuntong-hininga si Eilie.

Hindi niya gustong ilabas ang mga ito.

Hindi pa.

Pero hindi rin niya kayang tuluyang ikulong ang mga kapatid niya sa takot na siya lang ang may alam.

Kaya bilang compromise na lang siguro—control at bantay 24/7.

Pagdating nila sa night market, sinalubong sila ng ingay at ilaw—mga bombilyang nakasabit sa bawat stall, usok mula sa ihawan, tawaran, tawanan, sigawan.

Masikip.

Magulo.

Perfect cover.

Pero perfect risk din.

"'Te, bili tayo niyan!" turo ni Holter sa isang stall ng street food.

"Isa lang," sagot niya agad.

"Dalawa—"

"Isa."

"Grabe ka—"

"Sige na"

"Yun oh!"

Hindi niya sila hinahayaan lumayo sa kanya. Halos dikit-dikit silang tatlo habang naglalakad, mata niya laging gumagalaw—hindi lang sa mga paninda, kundi sa mga tao.

Pero tadhana nga naman dahil sa gitna ng siksikan ay may tumamang pamilyar na boses sa pandinig niya.

"Kuya, limang piraso pero pang-sampu bayad ko, ha. Support local scam."

Jodel.

Paglingon niya, nandoon ito sa may ihawan, nakikipagtawaran habang tumatawa ang tindero. Sa tabi nito, si Connor, may hawak na fishball, at—dalawa pa.

Kulas.

At Sol.

Nanahimik ang paligid sa isip niya. Hindi niya inaasahan na makakasabay niya ang apat. Pero magandang oportunidad yun para mapalapit sa mga ito nang hindi pina-plano para mas mukhang natural. 

"'Te?" tawag ni Lucio, napansin ang paghinto niya.

"San tayo next?"

Pero huli na dahil napansin na sila.

"Eilie!" sigaw ni Jodel, nakataas ang kamay at kumakaway.

Napalingon si Connor, saka kumaway rin.

At doon na rin napatingin ang dalawa.

Si Kulas—nakasandal lang sa gilid ng stall, walang emosyon ang mukha, pero malinaw ang tingin—diretso kay Eilie.

Tahimik pero matalim.

Si Sol—hindi agad nagsalita. Nakatingin lang. Mas matagal kaysa sa dapat.

Parang may sinusukat.

Parang may binabasa.

Naglakad si Eilie palapit.

Hindi mabilis.

Hindi mabagal.

ALONG THE WAYStories to obsess over. Discover now