CHAPTER 34

8 0 0
                                        

"Napaka-tanga mo talaga!"

Tumakbo palabas ng kwarto si Eilie nang makarinig ng malakas na iyak mula sa ibaba. Mabilis niyang tinungo ang garahe kung saan naroon ang sumisigaw niyang ama at umiiyak na mga kapatid.

"Anyare?" Mabilis niyang dinaluhan ang mga kapatid.

"Huwag ka ngang makealam dito! Alis at didisiplinahin ko 'yan!"

Bahagyang tulak sa kanya ng ama dahilan para mapagilid siya.

 Sandali siyang napatigil dahil hindi niya inaasahan iyon. 

"Sinabi na kasing huwag mag-drive sa highway. Kulit kasi."

Nagdilim ang mukha ni Eilie nang marinig si Charlie na magsalita sa likod. Sinamaan niya ito ng tingin saka nabaling ang tingin niya sa nanay nitong kabit. Dinaanan niya lang ito ng tingin. Parehas namang plastik. 

"Hindi atin 'yang motor na 'yan! Pinapagamit lang satin! May pambayad ka riyan?! Pinapalamon na kayo, dagdag kunsomisyon pa!"

Napakuyom ng mahigpit si Eilie.

Nakayuko lang ang dalawang kapatid habang umiiyak. Awang-awa siya sa mga ito lalo pa at kitang-kita niya na may mga sugat ito. Tinignan niya ang motor at malaki nga ang gasgas at mga nasira dito. 

"Ikaw naman! Hindi mo kaya maglakad?! Buhay prinsipe ka? Lapit-lapit ng skwelahan niyo pwede naman 'yan lakarin kung gusto mo!"

Baling nito sa bunsong kapatid niya.

"Kainis kayo. Wala na kayong nagawang tama! Napaka wala niyong kwentang anak!"

Baling niito sa kanilang tatlo.

"Ikaw? Hahamunin mo ako? Magmamataas ka sakin? Sabagay bastos ka naman na talaga. Nag-aaral ka lang lumalaki na ulo mo!" Baling naman nito sa kanya.

Mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga palad niya. Ramdam niya rin na parang may bumabara sa lalamunan niya.

Shit. Huwag ngayon. Kahit ngayon lang. 

Pilit niyang kumbinsi sa sarili.

Hindi siya sumagot bagkos ay hinila ang mga kapatid sa likuran niya.

Kaya niyang tiisin ang mga masasakit na sinasabi at kung pagbubuhatan man siya ng kamay nito. Pero hindi matitiis na makita ang mga kapatid na pagdaanan ang mga ito. She swore, that she would never allow her siblings to experience kung ano ang mga pinagdadaanan niyang hindi maganda sa bahay nila. 

"Sa taas na kayo."

Mahina pero madiing utos ni Eilie sa dalawang kapatid nang hindi inaalis ang tingin sa ama.

Parehong umiiyak sina Holter at Lucio. Halos hindi na makatingin nang diretso habang nanginginig pa ang mga balikat. May dugo sa gilid ng tuhod ni Lucio at gasgas sa braso ni Holter na halatang bagong semplang pa lang.

Pero hindi sila gumalaw.

Parang natatakot iwan siya roon.

"Ak—ate..." basag ang boses ni Lucio.

"Sinabi kong sa taas na kayo."

Mas malamig na ngayon ang tono niya.

Doon lang dahan-dahang gumalaw ang dalawa, pero bago pa sila tuluyang makaalis ay muling nagsalita ang ama nila.

"O, tingnan mo! Tinuruan mo kasing sumuway sakin!" sigaw nito habang nakaturo kay Eilie.

 "Pinapakain pa lang kita akala mo kung sino ka na!"

Tahimik lang si Eilie pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya unti-unti nang may napupunit.

Hindi dahil sa sigaw. Hindi dahil sa mura.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALONG THE WAYStories to obsess over. Discover now