"Nagawa niya boss."
Ngumisi si Razor bago nilapat ang tira niya sa laban nila ng Chess ni Aleck.
"Ge. Manmanan lang 'yan. Kung may kahina-hinala sa kilos sabihin agad." Huling saad ni Razor bago binaba ang tawag.
"She's boring." Panunuyam ni Aleck sa dalaga.
"She's plain. But not that boring when you get her to talk." Ngisi ni Razor dito.
Ngumiwi si Aleck at nandidiri siyang tinignan.
"Don't tell me type mo 'yun? Gosh you have such a terrible taste in women."
Umiling na lang si Razor. Bata pa talaga ito.
"Hindi pa ba naghihinala ang tatay mo sa pagpunta-punta mo rito?" Iba niya ng usapan.
"He doesn't care. Busy 'yun. Barely have time to mind what I and my mom up to." Simpleng sagot ni Aleck.
"Kapag umalis ka idaan mo yang mga gamit ni kamahalan."
Senyas niya sa phone at wallet ni Eilie.
They tried to get anything they can use sa phone nito pero puros documents lang ang naroon. Sa gallery, mas marami pang images ng mga lessons at quotes mula sa mga libro na binabasa nito kesa mukha niya.
Wala ring contacts and messages. They tried to retrieve if ever deleted pero wala silang nakuha. As if she already anticipated that they'll try to invade her phone to get anything that they can use against her and the four.
She's really smart and perceptive.
Interesting.
Sa babae niya nakikita ang lakas ng talino.
"Boss, si Boy Teki", napalingon silang lahat sa pumasok na payat at may malaking salamin na binata. Nerdy look at halatang madaling masindak.
Natawa ang mga ibang naroon dahil sa tawag nila dito na Boy Teki. Galing sa salitang techy. Schoolmate iyon ni Aleck sa isang prestigious university. Ito ang pinakamagaling sa IT department kaya hinihila niya ito para gamitin ng organisasyon.
Takot si Boy Teki o sa totoong pangalan ay Winston kay Aleck. Kilalang bully si Aleck at walang gustong banggain ito sa university maging ng mga administration. Daddy lang naman niya ang may-ari ng unibersidad.
"I...I s-saw something. M-master, I think y-you should...l-look at i-it." Nanginginig ang mga kamay na nilapag nito ang laptop sa may mesa.
Maingat niya itong nilapag upang hindi magulo ang nilalaro ng dalawa.
Nakapalumbabang naghintay si Aleck habang hinayaan naman magpatuloy ni Razor ang binata.
"Boy Teki, I think you should wear a mask next time because I really get irritated whenever I see your fucking face." Kaswal na saad ni Aleck.
Napangisi lang si Razor sa ugali ni Aleck. Halatang spoiled brat ito.
"S-Sorry M-Master... Y-yes, I w-will wear m-mask next t-time." Bahagya nitong niyuko ang ulo upang itago ang mukha kay Aleck dahil natatakot siyang magalit ito sa kanya.
He is functional to their organization kaya hindi na siya nito gaanong pinagbubuhatan ng kamay. Ayaw na niyang mabalik sa dati na halos lagi siyang trip nito.
"What is it? I'm getting bored here." Bagot na saad pa ni Aleck kaya natarantang naghanap si Winston.
"S-sorry... h-here here."
May pinindot itong folder at sandaling nag-loading bago may mga encrypted files na nag-pop.
Razor and Aleck both leaned closer.
YOU ARE READING
ALONG THE WAY
RomanceEiliethyia Cihraniy Vajellos is a studious type of girl who is very committed to her life principles and beliefs and is avoiding school dramas. She was unexpectedly elected as the SSG Vice President even though she's a transferee. And with that, she...
