Bea
Monday morning, bitin ang weekend, nakakatamad pumasok. Hmn, kung di lang month end ngayon leave ako (biglang magkakasakit hehehe). Super late na ko.
Bea: Good morning, everyone
All: Good morning
Bea: Ponggay, tapos mo na ang report na hinihingi ni Ma'am Ana?
Head ng Branch's operation si Ana Go sa Region. Dalawang beses ng nag follow up ng report na yon.
Ponggay: Opo, ma'am nasa mesa nyo na po for correction, if any po.
Bea: Okey, thanks.
Branch accountant si Bea sa isa sa prestigious bank in the country. Isa si Ponggay sa mga anim nyang subordinates sa accounting department. Yong iba pang lima ay sina, Deanna, Maddie, Kat, Jamie at Kim. Umaga pa lang ay super busy na sila sa accounting department, month end at quarter ending pa at year end pa. Triple ang reports kaya dapat matapos na ang dapat matapos para makapagsara ng libro (hindi po ito literal ha, accounting books po, hehehe).
Nag load muna ng pera sa ATM sila Bea at ang cashier, then, nag concentrate na sya sa trabaho. Numbers, numbers, numbers. Ito ang gusto ko di boring. Kaya accounting ang kinuha ko kasi sabi nila mahirap daw pumasa sa board exams. Eh, na challenge ako, hehehe.
Marci : Oy Bea, lunch na! Lika sabay tayo.
Bea: Nakakagulat ka naman. Mauna ka na, tapusin ko lang 'to.
Marci : Maya na yan. Sige, libre ko.
Bea : Ay tara na, ang tagal mo naman. hahaha.
Guys, may lihim na pagtingin si Marci kay Bea, kaya lang.......torpe e, hehehe. Ay, taga marketing department pala si Marci.
Galit galitan muna sila, gutom na e. Tahimik lang silang kumakain.
Marci : May gagawin ka ba sa Saturday, Bei (palayaw ni Bea)
Bea : Oo, as usual overtime, alam mo naman year end, e.
Marci : Ah ganon ba.
Bea : Bakit mo natanong?
Marci : E, may handaan kasi sa bahay. Darating si Ate from the states sa Saturday. Kaya
ayon may konting salosalo. Invite sana kita.
Bea : Eh, pam family lang pala, yon. Sorry, super busy, e.
Marci : Okey lang. Year end pala ngayon, e di super busy ka.
Bea : Oo nga e, pero okey lang. Pag natapos naman, napaka fulfilling.
Marci: Enjoy ka talaga sa trabaho mo kahit long hours.
Bea : Ay oo naman, 'to gusto ko, e.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sa trabaho.
Alas onse na nakauwi ang mga taga accounting department, tinapos talaga nila at isinara ang libro. E review na lang nila bukas at kung may mag for adjustment pa, sa supplemental entries na lang.
Bea : Wheew! Natapos din, for now. Thank you guys. Oh, Uwi na tayo, may bukas pa, hehehe.
Napasabi ni Bea, sa napakadami nyang ni review ngayong araw ang sakit na ng ulo nya at inaantok.
Yong mga walang sasakyan ay inihatid ng company car nila. Ganon pag month end palaging hinahatid sa kani kanilang bahay. Super late na kasi kung makauwi.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.