Bea
Birthday celebration ni Tita Meg, sister ni Mommy. Halos yata lahat ng Filipino community sa LA ay nandito. May nagku kwentuhan, may nag ga games, naglalaro naman ang mga bata sa garden. Yong iba nag v videoke.
Nasa dining room naman kaming pamilya De Leon, Tita Meg and her family.
Tita Meg: Kumusta ka naman Bea, kumusta lovelife?
Bea: Okey lang po, pero wala pong lovelife. Focus sa work muna.
Tita Meg: Buti pa to si Bea, career muna. Sabagay bata ka pa naman. Di tulad ng iba dyan, puro lovelife.
Megan (anak ni Tita Meg): Ako na naman nakita nyo, mommy. E love is life, kaya lovelife.
Tita Meg: Oy wala akong pinangalanan, ha.
Nagtawanan silang lahat maliban kay Megan.
Tita Meg: Buti na lang nakapunta kayo sa birthday ko.
Tito Elmer: E, ikaw pa, favorite sister-n-law ko kaya ikaw.
Tita Meg: Ano ka ba e ako lang naman ang nag iisang sis-n-law mo.
Nagtawanan na naman silang lahat.
Megan: Tito, kelan pala uwi nyo sa Pinas?
Tito Elmer: The day after tomorrow.
Kakapasok lang ni Bea sa Hotel room nya. Umupo ito sa kama habang tsene check ang mga messages sa messenger.
Oy, may message si Ponggay. Hahaha, pasalubong daw nila wag ko kalilimutan. Actually, kumpleto na. Bumili din ako ng maraming hershey drops, tshirt na may nakasulat sa harap na "New York loves Jho" at sa likod naman ay "Weeeh", hahaha, at baseball cap. Yellow ang color ng shirt, fav color nya. Light blue naman ang mga letters. Fav color buko.
Teka, may message si manager. 'Hello, Bea, how are you? Enjoying, ha? By the way, you go directly to Cebu, naka book ka na sa Waterfront Hotel. May 2-week seminar/workshop don from May 26-June 14. Happy trip" Huh, trabaho agad agad. Napapa iling na lang ako. Marami pang mga messages na binasa ko. Pero walang galing sa kanya. Sabagay di pa naman kami close non.
Kaya nag book agad ako ng flight, LA-Ceb. Bili na lang ako ng damit sa Cebu.
Mactan International airport, super daming tao, summer kasi kaya madaming tourist. Pagkakuha ko ng luggage ko ay patungo na kong exit. Asan na kaya grab ride ko. Patingin tingin ako sa bawat darating na car. Then, ayon nakita ko rin papalapit na sa akin.
Grab driver: Ma'am Bea?
Bea : Yes, tha'ts me.
At sumakay na sya agad. NIlagay naman sa compartment ang luggage nya ng grab driver.
Bea: Reservation for Ms. Bea De Leon?
Receptionist: A while, ma'am, check ko lang po.
Naiinip naman na nag aantay si Bea, grabe jetlag nya as in pagod na pagod sya. E, 17-hour flight ba naman, e. Maya maya pa ay kinausap sya ulit ng receptionst.
Receptionist: Please sign here, ma'am and here's your, key. Nauna pong dumating kasama nyo pero umalis lang po.
HIndi na pinansin ni Bea ang sinabi ng receptionist, gustong gusto na nyang mahiga. Tinulungan naman sya ng bellboy dalhin mga luggage nya.
Nasa kwato na sya, kumuha ng mabibihisan sa luggage at nagpunta ng Cr. Paglabas nya maya maya ay fresh na sya, naligo muna bago matulog.
Pagkalapat ng katawan nya sa kama ay nakatulog agad sya. Nakalimutan nyang tawagan mommy nya para sabihin na nakating na sya ng Cebu.
Jho
Ngayon dapat ang dating ni Bea, pero bakit wala pa sya. Mag aalas onse na ng umaga. Na delayed siguro ang flight. Excited pa naman ako makita sya. Nakaka miss, e. Nagugutom ako.
Kaya lumabas sya para kumain. Wala syang kilala sa mga attendees, bago pa kasi sya. Nag book sya ng grab. Habang naghihintay ay tiningnan nya ang phone nya. Wala man lang mesage galing kay Bea. Two weeks na. Alam kaya nya na ko kasama nya sa seminar/workshop? Sick leavve kasi Si Jamie, sya dapat kasama ni Bea kaya ako na lang pinalit. Si Ponggay ang nag text. E enjoy ko daw ang Cebu at gumala daw ako. E wala nga akong kilala, e. Dumating na din ang grab at sumakay na ako.
Grab driver: Ma'am Jho po? Going to SM?
Jho: Opo, kuya.
Habang naglalakbay sila ay patingin tingin si Jho sa nadadaanan nila.
Katatapos lang kumain ni Jho sa Mcdo at naglibot libot muna sya sa mall. Kunwari patingin tingin sa damit hanggang sa mapunta sya sa mga stuff toys. May nakita syang light blue na teddy bear, medyo maliit lang. Favorite color ni Bea. Di nya namalayan na kinuha nya ito at niyakap. Lumabas sya sa Department store na bitbit ang paper bag na nilagyan ng teddy bear.
Binuksan ni Jho ang pinto ng room sa hotel at pumasok. May isang nakabukas na ilaw kaya medto maliwanag. Nakasara ang drapes. Nang may nakita syang nakahiga sa kama. Lumapit si Jho dito. ' Si bea.....' Pinagmasdan nya ito ng matagal. Napa amo talaga ng mukha, parang bata na natutulog, ang kinis kinis pa ng balat. Bigla syang tumabi sa pagkakahiga at niyakap nya ito. Mahigpit......
HImbing na himbing talaga ang tulog, di man lang namalayan na may nakayakap na sa kanya. Matagal na nasa ganon silang posisyon. Wala sa sarili na hinalikan ni Jho ang noo ni Bea at tumayo na.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanficThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.