Bea
Antok na antok na ko kanina, pero bakit kung kelan ako nakahiga na di naman ako makatulog. Paiba iba ako ng posisyon sa pagkakahiga, pero nawala talaga yong antok ko.
Parang mabait si Jho, bigla nyang naisip. Bakit di sya mawala sa isip ko. Kahit saan ako bumaling yong napaka amo nyang mukha nakikita ko. Ano ba 'to. Makabangon na nga lang, sasakit lang ulo ko nito. Napa punta ako sa may terrace at umupo.
'Pareho pa kami ng favorite food, pero opposite kami. Extrovert ako, introvert naman sya. Napaka gaan ng loob ko sa kanya. Masarap pa magluto, mahinhin, parang di alam magalit 'yon. Malumanay magsalita at malambing pa. Ahhhh.
Bumaba si Bea para magtimpla ng gatas at umakyat na ito dala dala ang isang basong gatas. Pa inom inom sya dito habang malalim ang iniisip. Ng maubos ng gatas ay muli itong humiga. Si Jho pa rin ang nasa isip nya. Hanggang makatulog ito.
Pag gising nya, umaga na, agad itong naligo at nagbihis. Bumaba at tuloy tuloy sa kusina.
Bea: Good morning, Mom & Dad, Kuya.
Sabay halik sa Mommy at Daddy nya.
Mom/Dad/Kuya: Good morning
Mom: How's work?
Bea : Okey naman po.
Dad : Alam mo Bea, bakit di mo na lang kami tulungan sa company natin. Di mo naman kailangang magtrabaho sa iba.
Bea : GUsto ko lang po ma experience mag work na hindi ko pag -aari ang company.
Daddy : If you say so.
At sabay sabay na silang nag breakfast.
Kuya Lowel: By the way, Dad, tuloy po ba vacation natin sa New York, etc.
Daddy: Ay oo nga, may 2-week vacation tayong family, Bea. Mag file ka na ng leave. May 10-24 tayo don.
Bea : Yes, Dad.
Nag ku kwentuhan taga accounting ng dumating si Bea, galing sa meeting sa taas. Nasa 2nd floor ang Regional office nila.
Deanna: Bei, kumusta meeting?
Bea : Okey lang naman.
Tipid nitong sagot kay Deanna. Habang ini on yong laptop nya, at kung ano anong hinahalungkay sa drawer nya.
Maddie: Mukhang busy ka 'ata dyan.
Bea : Kailangan kasi matapos mga gagawin ko. Ay sya nga pala, Ikaw Maddie OIC sa accounting for 2 weeks.
Maddie : Ha? Bakit san punta mo? at kelan? Ang tagal naman yata.
Sunod sunod nitong tanong.
Bea : Hey, isa isang tanong lang, hehehe. Starting Monday next week na 'to, I'm on leave. Two weeks family vacation sa New York, etc. Okey?
Biglang napa angat ang ulo ni Jho sa narinig. Nakikinig lang ito sa usapan, di sumasabat sa kanila.
Maddie: Okey, boss.
Ponggay: Wow, naman iba talaga pag RK, pa New York New York lang. Pasalubong, ha?
Deanna/Maddie/Kat/Jamie/Kim: Oy, kami din.
Bea : Oo na.
All except Jho: Yeeey!!!
Bea : Oh, Jho ano gusto mo pasalubong?
Jho : Huh? Ah eh kahit ano na lang.
Ponggay: Ano yon, bago ba yon, 'Kahit ano na lang'.
Jho : Hmn, hershey drops!!!
Jamie: Hershey drops? We can buy that here in the Phillipines.
Jho : Gusto ko galing sa New York na hershey drops.
Kim : Wow, okey din trip mong bata ka.
Bea : Hershey drops, then.
Pagkatapos non ay tahimik na ulit sila. Balik sa trabaho.
Nag- iisip naman si Jho, 'two weeks, tagal naman, non' Ma mimiss ko sya'. Bigla itong natigilan. Bakit ko naman siya ma mimiss. Di nya alam. Patingin tingin sya kay Bea, samantalang very busy naman si Bea kaya di napansin na tinitingnan sya ni Jho.
Kat : Jho, may bala ka ba ng stapler? Pahingi naman.
Di naririnig niJho si Kat, busy ang isip sa kaiisip kay Bea (wow isip isip).
Kat : Jho? Hoy!
Napatingin ang lima sa kanila, napalakas kasi boses ni Kat. di nga sya marinig ni Jho. Hinawakan na lang ni Kat kamay ni Jho. Napatingin naman si Jho sa kanya.
Jho : Bakit?
Kat : Lalim naman ng iniisip mo. Kanina pa kita kinakausap.
Jho : Ah ganon ba?
Kat : May bala ka ng stapler, pahingi ako.
Jho : A -ay, meron. Eto o.
Kat : Ano ba kasi iniisip mo?
Jho : A-ah ano, ano naalala ko lang family ko sa Batangas.
Ponggay: Hooo, palusot. In love ka lang. Wow dalaga na sya, hahaha.
Maddie: Nakatulala, di maka usap, etc. In love nga, hehehe.
Pulang pula pisngi ni Jho, nakatungo na lang ito.
Napansin naman ito ni Bea. Awkward si Jho.
Bea : Oy, tigilan nyo si Jho bata bata pa nyan. In love ka ba talaga?
Biglang nagtawanan lahat maliban kay Jho.
Ponggay: Bea ha, kala ko kakampi ka ni Jho, hahaha.
Bea : Oy, Jho biro lang yon ha. Tigilan nyo na yan.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
Fiksi PenggemarThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.