NIlagay muna sa ref ni Jho ang te nake out nitong pagkain, dalawang order ng chicken laureat sa chowking, 2 large sprite at butchi. Automatic syang nag order kanina ng pang dalawa. Inisip nya siguro si Bea na andon na sa hotel pagbalik nya. Buti na lang may microwave sa hotel, may electric heater din. Bigla syang inantok, napagod yata sya sa paglilibot sa mall kanina. Alas tres pa lang naman. Nahiga na sya sa kama nya.
Pag gising nya ay wala na si Bea sa kama nito. 'Asan na kaya yon ' tanong nito sa sarili. May narinig syang nag flush sa may cr. Lumabas naman si Bea. Nabigla ito ng makita si Jho.
Bea: Hi, ikaw pala kasama ko.
Jho: Hello. Oo, naka sick leave kasi si Jamie, dapat sya a attend ng seminar/workshop. Ako ipinalit ni manager.
.Bea : Ah.
Jho : Welcome back, kumusta bakasyon?
Bea : Masaya naman kahit nakakapagod.
Jho : Pasalubong ko.
Bea : Hahaha, oo meron, teka lang.
Binuksan nya ang luggage nya at kinuha ang dalawang paper bag.
Bea : o, ayan wala na akong utang sa yo.
Jho : Wow, thank you, thank you. Bakit dalawang bag?
Tiningnan nya ang laman.
Jho : Daming hershey shots nito. O, may yellow tshirt pa at baseball cap. Wow, may favorite color. Thank you, ha?
Sabay yakap kay Bea. Nabigla naman si Bea kaya muntik na silang matumba. Natutuwang tiningnan si Jho, parang bata itong nakangiti. Biglang nagliwanag ang mukha nito ng makita ang mga pasalubong nya.
Jho : May pasalubong din ako sa yo.
Natatawa nitong sabi.
Bea : Ha? Bakit naman, di ka naman nag bakasyon.
Ibinigay ni jho kay Bea ang paper bag ng SM. Nang makita kasi nya ito ay bigla nyang naalala si Bea. Favorite color nya ang blue.
Nang tingnan ni Bea ang laman ay natuwa ito.
Bea : Wow, blue teddy bear, ganda naman nito, at ang cute, ha? Thank you,Jho. I'll put this on my bed. Para pag tulog ko ito ang yakap yakap ko.
Jho : Your welcome.
'Buti pa ang teddy bear, yakap yakap nya' bulong ni Jho. Napalakas yata ang bulong nya.
Bea : Did you say something?
Jho : Ah, wala po. Nagugutom ka na, Nag take out ako ng food. Initin ko lang.
Bea : I am famish na nga , e. Nakakatamad lumabas.
Jho : Sige, upo ka lang muna. Watch lang muna ng tv.
Bea : Yes, ma'am
Nagmamadaling kinuha ni jho ang pagkain sa ref at nilagay na sa microwave oven.
Maya maya lang ay kumakain na sila. Panay ang kwento ni Bea about sa travel nya.
Jho : Palagi ba kayong nag ta travel?
Bea: Every year. Pag may time minsan twice.
Jho : Ang saya naman, buong family pa.
Bea : Oo, dalawa lang naman kaming anak. Si kuya at ako.
Jho : May asawa na kuya mo?
Bea : Still single. He's still young pa daw, hahaha. Kayo pala, ilan kayong magkakapatid?
Jho : Dalawa lang din. Ako at si Jaja.
Bea : Puro pala kayo babae.
Jho : Malamang.
Nagtawanan silang dalawa. So obvious kasi.
Jho : Ang sosyal ng venue para sa seminar, Waterfront pa talaga.
Bea : Kaya nga, malaki siguro ang budget.
Jho : Sabagay, mas gusto ko to. Para naman maka experience ng ganito. All expenses paid pa.
Bea : Sana matapos kaagad ang seminar. Ang tagal ng 2 weeks.
Jho : May bago daw yatang system, kaya kailangang yong user at supervisor ang attendees.
Bea : Oh I see.
Tapos na din silang kumain. Niligpit na ni Jho pinagkainan nila at nilagay sa basurahan.
Pinalipat lipat ni Jho ang channel. 'She's Dating the Gangters' ang palabas sa cinemaone, medyo nilakasan nya ang volume. Napatingin naman si Bea sa tv.
Bea: Yan panonoorin natin?
Jho : Oo, maganda daw 'to.
Bea : Romantic ka pala.
Jho : Mahilig nga ako sa romantic films.
Tumahimik na sila at nanood ng palabas. Patingin tingin si Bea kay Jho. Nakatutok at seryoso itong nanonood. MInsan nagpapahid ng luha. Natatawa na lang si Bea. Pareho silang nakasandal sa headboard ng kama habang nanonood.
Natapos din ang movie.
Jho : O, di ba maganda.
Paglingon nya kay Bea, ay mahimbing na itong natutulog.
'Tsk tsk tsk, tinulugan ako' isip ni Jho. Pinatay na nya ang tv at lumapit sa kama ni Bea. Nilagyan nya ito ng kumot. Para syang magandang gwapo' nasabi ni Jho. She's sexy at may pa long hair pa. Siguro nag wo work out pa rin ito, napaka toned ng skin.
Nahiga na rin si Jho sa kama nya. Ganda talaga ng hotel na to' isip ni Jho. Napaka down to earth ni Bea. Pag naka usap mo na sya, malalaman mong mabait ito. Para ngang di ko siya boss, e pag nag uusap kami. Parang magkaibigan. Parang magka edad lang kami. Nasa mga 4 or 5 years yata agwat namin. Ang gulo ng isip ko. Kung ano ano na lang naiisip. Makatulog na nga.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.