Part 22

85 2 0
                                    



Bea


Una akong nagising. Tulog pa rin si Jho. Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha. Parang bata kong matulog. Nakayakap pa rin ito sa akin. Hinalikan ko ang buhok nya, bango. I kiss her forehead, too. Napaka simple nya talaga. No make up pero maganda pa rin. Naka light make up lang sya pag pumapasok sa office. Pero sa paningin ko sya ang pinaka maganda sa lahat. Napa ngiti ako nang maalala ko mga nangyari kahapon. Super joker ni tito Joseph. Ang sakit sakit na ng tyan ko kahapon sa katatawa sa mga jokes nya.

May mga pa games din sa birthday ni tita Lovel. May statue dance, trip to Jerusalem, at marami pang iba. Napa upo nga si Jho sa lap ko at napayakap pa. Wala na kasing bakanteng chair, hahaha. Napaka masayang family. Hinagod hagod ko ang buhok nya, Niyakap ko sya ng mahigpit. Nakapatong ang ulo ko sa ulo nya. Nakasiksik naman sa chest ko ang ulo nya. Bilis ng tibok ng puso ko. Whew!

Unti unting gumalaw si Jho. Dumilat mga mata nya at tumingala sa akin. Naka ngiti naman akong nakatingin sa kanya.

Bea : Good morning.

Jho : Good morning.

Magkayakap pa rin kami.

Jho : Anong oras na?

Bea : Eight.

Jho : Ah, maaga pa.

Bea : Uwi pa tayo.

Jho : Maya na. Fifteen minutes.

Bea : Okey.

Walang gumagalaw sa amin. Niyakap pa nya ako ng mahigpit.

Jho : Bango mo pa rin.

Sininghot singhot nya ako. Naka ngiti lang ako. And she kiss my cheeks. BIglang uminit mukha ko, namula yata ako. Nakatitig sya sa akin.

Bea : Bakit?

Jho : Wala.

Bumangon na sya. Bumangon na rin ako. Pagkatapos namin mag toothbrush ay bumaba na kami. Nasa dining area na sila tita Lovel at Jaja.

Lovel : Opo na kayo. Kakain na tayo.

Jaja : Dito ka maupo ate Bea.

Pinandilatan ni Jho si Jaja. Gusto kasing sa tabi ako ni Jaja maupo.

Jho : Dito ka na, Bhe.

Napa upo ako bigla, hinawakan ba naman ang kamay ko at hinila paupo.

Nag kwentuhan kami habang kumakain ng breakfast. Tawa ng tawa kami ni Jaja pati na rin si tita. Si Jho lang ang seryoso ang mukha. Matalim ang tingin nito kay Jaja. Linagyan ulit ni Jho ng sinangag, bacon at eggs ang plato ko.

'Sweet' bulong ni Jaja, pero narinig ko at ni Jho. Pinandilatan naman sya ni Jho. Nag peace sign ito na nakangiti ng nakakaloko.

Nagpa alam na kami kay tita Lovel at sumakay na sa kotse. Pina andar ko na ito at naglakbay na kami papuntang Manila.

Bea : Ang saya ng family mo.

Jho : Kulang pa nga yon, e. Wala pa si tita Del. Nasa amerika pa kasi sya.

Bea : Sa lagay na yun ha?

Jho : Oo kaya.

Bea : Na e kwento na kita kila mom & dad. They want to meet you.

Jho : Ha? Kahiya naman.

Bea : Mababait ang mga yon. May salo salo pala next weekend sa bahay. Invite ko sila Deanna & company.

Jho : Sila Lang?

Bea : Syempre kasama ka.

Nagtawanan kami. Tahimik na kaming naglakbay. I like this. Tahimik lang basta magkasama. Naging busy ang week ko na sumunod. Meeting sa office, meeting din sa company namin. Hirap na hirap akong pag balansehin. Pagod na pagod na ako pag uwi ko ng condo. Palagi naman akong ipinagluluto ni Jho. Di ko na nga naisip ang kumain. Sya na lang nagre remind sa akin. :Para kaming partners, ganon.

Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now