Part 38

102 2 0
                                    



It's been two years since that golf incident.  Nakatutok lang si Bea sa trabaho nya.  Maganda ang performance ng PDL.  Yearly ay nag I increase ang income nito.  Pataas na pataas don ang loans nito.  Pero, malungkot pa rin si Bea.  Seryoso ang mukha nito palagi.  Napapadalas ang pag inom nito.  Pampatulog na nya ang alak. 

Nasa ground floor na ng building sila Deanna, ang buong accounting ng A bank except kay Jho.  May accounting firm na sila.  Minsan lang sila magkita kita dahil pareho silang busy.  Di magtugma ang schedules nila.  


Bea

I need to talk with my father.  Di ko na kaya.  Siguro naman pwede na yong three years ko sa bank.  Maganda na naman ang performance nito. 

Elmer :  Hello,  Princess!

Nag hug kami ni daddy at hinalikan nya ang ulo ko:

Bea :  Hi, dad.

Elmer :  May importante ka daw na sasabihin.  Ano yon?

Bea :  I am resigning as president of PDL, dad.

Napatingin si Elmer kay Bea.  She's not herself for a long time. 

Elmer :  Why?

Bea :  I think you know my reason, dad.  The bank is performing well naman.  So, my replacement will just continue what I've done.

Elmer :  Okey.

Niyakap ni Elmer ang anak.  She sacrificed her love life for our name.  She deserves to be happy.

Elmer :  Thank you, princess for what you've done for our family. 

Tumango lang si Bea at lumabas na ito ng Office.


Bea

Yong Vice President for finance ang ipapalit sa akin.  Tamang tama na train ko na din sya for the last two years ko.  Madali ang naging turnover of duties and responsibilities namin.  Isinasama ko rin sya sa lahat ng meetings ko, here and abroad.

Today is my last day as president and CEO.  May despidida sila para sa akin.  Speech, kainan, kantahan at sayawan. 

I finally go home sa condo ko.  Parang may naalis na bato sa balikat ko.  Ang tagal tagal kong pasan pasan yon.  Sobrang bigat.

Kinabukasan ay maaga akong nagising.  Excited akong naligo at nagbihis.  Bumili  ako ng boquet ng sunflowers at potato fries na sweet corn, cadbury chocolates. 

Pinahinto ko na ang kotse ko at pinatay ang makina.  Lumabas na ako ng kotse na dala dala ang mga pinamili ko.  Naglakad na ako papunta sa building kung nasaan ang condo ni Jho.  Sumakay na ako sa elevator.  Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako.  Nang malapit na ako sa unit ni Jho, ay bumukas ang pinto at may  lumabas na isang lalaki at si ...,.Jho.  Tumatawa sila, nahampas pa ni Jho ang lalaki.  Nagtago ako sa may halaman.  Ang saya nila.  Maya maya ay nagyakap sila.  Naka tiimbagang akong umalis.  Nang may madaanan kong basurahan ay itinapon ko doon ang mga dala ko. 

Sumakay na ako sa kotse.  Huli na pala ako.  May kapalit na pala ako.  Pero sabi nya, hihintayin nya ako.  Siguro, napagod na sya.  Ako naman ang may mali.  Dapat sya ang pinili ko sa una pa lang.  Sana.  Tumulo na ang mga luha ko.  Pina andar ko na ang kotse ko.  Dumaan ako sa 7/11 at bumili ng tatlong six pack na beer at chips.  Umuwi na ako ng condo.  

Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.  Nasa tv ang mga mata ko na walang tigil ang pagluha.  Inom ako ng inom ng beer.  Inalala ko nong una kaming magkita, that coffee, hahaha.  Nong every Saturday kami lumalabas.  Yong pinagluluto nya ako.  Kasali ako sa baon nya sa office.  Nong nag EK kami.  Ang saya saya.  Siguro, okey na yon.  Pero ang sakit sakit.  Pero wala akong karapatan magalit.  Iniwan ko sya. Iniwan ko sya.  Iniwan ko ang pinakamamahal ko.  Iniwan ko si Jho.

Umagos ng umagos ang mga luha ko.  Uminom lang ako ng uminom. 

Minulat ko ang mga mata ko.  Madilim na ang paligid.  Gabi na.  Sana di na lang ako nagising, para di ko na maramdaman ang sakit.  Dahan dahan akong bumangon.  Kinuha ko ang mga basyo ng bote at linagay ang mga yon sa basurahan.  Binuksan ko ang ref.  May six pa na beer.  Nagugutom ako kaya ininit ko sa microwave ang pasta.  Kumuha ako ng beer sa ref at dinala ang pasta sa sala.  Bukas pa rin ang tv.  Kumain na ako at ang beer ang pinaka tubig ko.  Nasa news na ang pagre resign ko.  Maganda naman ang binigay ng Office na reason.  Pagka tapos ko kumain ay hinugasan ko pinagkainan ko at bumalik sa sala.  Nilipat ko sa Netflix at nanood ng action movie.  Nakatitig lang ako sa tv.  I miss her so much.  Araw araw ko syang naiisip at namimiss.  Kanina, sana ay nayakap ko na sya at nahalikan.  Pero, huli na, huli na ako.  Mahal na mahal na mahal kita, Jho.  Kung saan ka masaya, kahit di na ako yon, okey lang.  Magiging masaya na rin ako para sa yo.  Naubos ko na ang beer.  Pinatay ko ang tv at pumasok na sa kwarto.  Naligo, nag toothbrush at nagbihis.  Humiga na ako sa Kama.  Dahil sa kalasingan ko ay nakatulog agad ako.

Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now