Part 26

86 3 0
                                    



Jho


Bigla akong nagising. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 5 a.m. Bumangon na ako at pumasok sa cr, naglinis ako ng katawan. Nakatapis ako ng towel na lumabas ng cr. Kumuha ako ng shirt at shorts sa closet ni Bea at nagbihis. Sinuklay ko ang buhok ko. Lumapit ako sa kama at tinitigan si Bea. So calm ang mukha nya. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Uminit ang mukha ko, siguro namula na naman ang pisngi ko. I kiss her cheeks. Kinuha ko ang cellphone at bag at lumabas na ng unit ni Bea.


Bea


'Ahhh, sakit ng ulo ko'. Eleven o' clock na an goras nang tingnan ko ang time sa cellphone ko. Bumangon na ako. Napansin kong naka sports bra lang ako, nasa sahig ang shirt ko. Pinulot ko ito at isinuot. Siguro nainitan lang ako kagabi, mainit sa katawan ang wine. Pumasok ako ng cr para maghilamos at mag toothbrush. Lumabas na ako ng kwarto ko. Ano ba nangyari kagabi. Huli kong naalala, naubos ko ang dalawang bote ng wine then naglinis ako ng katawan ko. At ininom ang pangatlong buti ng wine. Yun lang. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. Tuyong tuyo lalamunan ko. Nang ibabalik ko na ang pitcher sa ref, may nakita akong tupperware. Kinuha ko ito at binuksan, kare kare at adobo. Siguro nagpunta si Jho dito, hinatiran nya ako ng foods. Ininit ko ang ulam, may rice pa na tira, ininit ko rin ito, at nag brew ng coffee. Kumain na ako. Sakit pa rin ng ulo ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang mga plates. Uminom ako ng gamot at nahiga sa sofa. Naalala ko na naman ang pinag usapan namin ni daddy kahapon. Biglang lumungkot ako. Maya maya lang ay tumulo ang mga luha ko. Pinahid ko ito, pero tumulo ulit. Napapikit ako habang umiiyak. Iyak ako ng iyak. Nakatulog na naman ako. Maghapon akong nakatulog. Gabi na ng magising. Kinain ko lahat ng natira sa kare kare at adobo ni Jho. Naglinis ng katawan at nag toothbrush. Nagbihis ako ng damit pantulog at humiga sa kama ko. Gusto ko matulog ng matulog, para makalimutan ang nararamdaman ko.


Monday


Nasa meeting sila Bea , ang cashier at manager Oliver. Tango ng tango lang si Bea.

Oliver : Anything else to discuss?

Cashier/Bea : No, sir.

Oliver : Okey, meeting adjourned.

Lumabas na si Bea sa manager's office. Naglakad na papunta sa accounting department.

All actng personnel : Good morning, Bei.

Bea : Good morning.

Nakatungo lang si Jho na nagtatrabaho. Di nya kayang tingnan si Bea, lalo na sa mata.

Maddie : Bakit parang namamaga eyes mo, Bei?

Bea : Ah, wala 'to, baka lang magkaka sore eyes ako.

Ponggay : Ay, wag naman sana. Wag ka pumasok pag natuloy yan.

Kat : Take something, will you. So that your sore eyes will not matuloy.

Kim : Di yan. Strong si, Bei, e.

Bea : I'm fine, guys.

Napasulyap naman si Jho kay Bea. 'Di sore eyes yan' bulong nito sa sarili. 'Naglasing lang yan' isip ni Jho.

Nag trabaho na sila. Tahimik ang department. Yong iba naghihikab. Monday kasi, katamad.

Lunchtime na.  Nagsi ayuan na sila maliban kay Bea at Jho. 

Deanna  : Lunchtime na!

Ponggay :  Sabay sabay na tayo. 

Maddie  :  O, Bei, Jho, lika na.

Nong tatayo na si Jho ay kinausap sya ni Bea.

Bea  :  Nagpunta ka ba sa condo nong Saturday?

Jho  :  O-oo.  Hinatid ko yong foods.

Nakatungo pa rin eto.

Bea  :  Thank you sa kare kare at adobo, ha?

Jho  :  Your welcome.  Di mo naalala na andon ako?

Bea  :  HIndi e.  Last na naalala ko ininom ko ang 3rd bottle ng wine.  Di ko nga alam kong pano ako napunta sa room ko.

Jho  :  Tulog ka na nong dumating ako.

'Wala syang maalala,  Di nya maalala yong______' bulong ni Jho sa sarili.

Bea  :  Ah.

Jho  :  B-bakit k-ka n-naglasing?

Bea  :  Long story.  Tara na, lunch na tayo.

Sabay silang nagpunta sa canteen.



Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now