Bea
Nasa office ako at kausap ko ang aking executive secretary. Binabasa nya ang mga appointments ko for today.
Maribel (executive sec) : Lunch meeting with Mr. Ayala; meeting @ 3 p.m. with Mr. Ongpin. Cancelled ang dinner meeting mo with Ms. Razon. Na move ito for tomorrow. That's all, ma'am.
Bea : Okey, thanks, Mars.
Lumabas na sa office ko si Maribel. Napa isip ako sandali. At nag type ng text,
To : Deanna
Hi, Deans, dinner tayo mamayang 6 p.m. Vikings Makati. Pakisabihan na lang sila Maddie, Ponggay, Kim, Giselle, Kat, Jamie. Sabay sabay na kayo pumunta. Thanks!!! Excited to see you, guys.
To : Jho
Hi, dinner tonight, Vikings Makati @ 6 p.m. Sabay na kayo nila Deans. See you. ILY.
Nilapag ko na ang cellphone ko sa table. Nagtrabaho na ako.
Jho
Seryoso kaming nagtatrabaho sa office nang biglang pasigaw na sinabi ni Deanna,
Deanna : Wow, invite tayo ni Bei ng dinner, mamaya. At sa Vikings pa, hoooh.
Ponggay : Pati ako?
Kim : At ako?
Deanna : Tayong lahat.
All except Jho : Weeeeh!!!!
Sila lang inaya. DI yata ako kasali. Itinuloy ko na ang pag work. Nakabusangot ako. Mayamaya ay may message sa cellphone ko.
From : Bea
Hi, dinner tonight, Vikings Makati @ 6 p.m. Sabay na kayo nila Deans. See you. ILY.
Napangiti ako. Kinilig ako sa huli niyang sinabi sa text. Nilagay ko na ang cellphone sa mesa at nakangiting itinuloy ang trabaho.
Naglalakad na kami papuntang Vikings. Ang ingay ingay nila. Excited lang kasi masyado. Buffet, e. Pumasok na kami at nakita agad namin si Bea na nakaupo. Patakbong nilapitan ni Ponggay, Kim, Giselle, Jamie, Kat, Maddie, Deans si Bea. Niyakap nila ito.
All except Jho : Beaaaa!!! Kumusta ka na, CEO Bea.
Bea : Para kayong choir, a. Sabay sabay talaga, ha? . Okey lang ako. Medyo busy lang.
Sabay sabay kaming umupo after ko mag hug kay Bea. Walang kiss. Di pa kasi nila alam ang tungkol sa amin ni Bea.
Kat : Let's get foods first, then make kwento kwento na.
Tumayo naman kaming lahat at nagpunta sa buffet table. Kumuha din kami ng drinks. Dalawang pineapple juice ang kinuha ko. Para kay Bea ang isa. Naupo na kami ulit.
Maddie : So, ano feeling ng CEO?
Bea : Okey lang naman. Medyo complex lang sya.
Kat :You can do it, Bei. Your smart and intelligent kaya.
All : Amen.
Kim/Giselle : Suppport ka lang namin, Bei.
Jamie : By the way, Bei, we're planning to start a firm. By second half next year. Kailangan pa kasi naming e train ang papalit sa amin.
Bea : That's good news, ha? Congrats. Sino sino ba kayo?
Ponggay : Kaming lahat except Jho.
Maddie : Tumitingin tingin na rin kami ng office.
Kim : We have prospective clients na. They said na lilipat sila sa amin once mag open na kami.
Bea : Wait. Sa ground floor na lang, kung nasaan ang PDL bank.
Ponggay : May bakante ba don?
Bea : As of now, wala pa. But mag e expire ang isang lot by third quarter next year .
Nagkatinginan sila.
Maddie : Baka di namin kaya ang rent, Bei.
Bea : I'll give you discount. And kayo na kukunin kong auditor namin.
All except Bea/Jho : What????
Nagsitayuan sila at lumapit kay Bea. Niyakap nila ito.
Bea : Hey, hey. Papatayin nyo ba ako? Di ako makahinga.
Deanna : Ay, sorry, sorry, Bei. Thank you, thank you.
Bea : Your welcome. O, kumain na tayo.
Masaya kaming kumain at nag kwentuhan. Puro mga patawa, inalala nila mga happenings noon sa office nong nandon pa si Bea. Nakikinig lang ako sa kanila. Kumuha ng ulam si Bea sa plato nya at nilagay sa plato ko. Kinain ko naman ito. Kumuha na kami ng dessert. Chocolate cake kinuha ni Bea at mango cake naman sa akin. Bumalik na kami sa mesa. Kain kain lang kami habang kwentuhan. Kumuha ako ng chocolate cake sa plate ni Bea. Kumuha naman sya ng mango cake sa plate ko. Parang natural lang ang ganon sa amin.
Deanna : May na e kwento pala si ate Ella sa akin, nong magkita kami sa mall.
Nakatingin sa akin si Deans. Bigla akong kinabahan. Napatungo habang kinakain ang cake.
Maddie : Ano naman yon?
Deanna : May boyfriend na daw sya.
All : Ha?
Deanna : Yes, boyfriend. Pero sya lang may alam, hahaha.
Ponggay : Ano ba naman yan. Excited na sana ako.
Deanna : Actually, crush yata. Officemates sila. Pero feeling ni ate Ella na meron na sila. Sweet nila daw sa isa't isa.
Maddie : Aba, kung feeling nya meron, e, meron yan.
Jamie : How can you tell that he/she loves you?
Giselle : Sa kilos syempre. Pag sweet na sweet na kayo.
Bea : Tingnan mo ang kanyang mga mata. Don mo makikita at malalaman yun.
Deanna : Sige, pag nagkita kami ulit. Sasabihin ko yan kay ate Ella.
Hinatid ako ni Bea sa condo. Umalis na din sya agad, late na kasi.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.