Part 17 Sunday Mass

83 3 0
                                    



Bea


Andito kami ngayon sa Manila Cathedral. Maaga kami nagsimba ni Jho. Nagtaka sya kanina kung bakit ko sya ginising ng napaka aga. May balak kasi akong puntahan namin, medyo malayo yon. We are attending a seven am mass.

Nag da drive na 'ko ng tanungin ako ni Jho.


Jho : San tayo pupunta?

Bea : Basta.

Jho : Palabas na to ng city, ah.

HIndi ko sinagot si Jho. Nagpatuloy lang akong mag drive. Hanggang sa makatulog na ito. Antok na antok talaga to, hehehe. Six am ko ba naman gisingin. Naubos na namin ang te nakeout kanina sa mcdo. DI ma traffic kasi Sunday at maaga pa, quarter to nine pa lang.

Bea: Jho? Gising na, andito na tayo.

Nagkukusot ng mga mata si Jho at humikab pa.

Jho : Asan na ba tayo?

Nagpa lingalinga ito sa paligid, nang may makita sya..........

Jho : ENCHANTED KINGDOM?

Bea : Yeees!!!

Jho : Oh my God. Nakarating na ko ng EK.

Bea : Tara na.

Biglang niyakap ni Jho si Bea. Halos masakal na ito.

Bea : J-jho. J-jho. P-pinapatay m-mo b-ba a-ako?

Jho : Ay sorry. Grabe ang saya saya ko lang, hehehe. Tara na.

Pumasok na kami sa EK. Nanlaki ang mga mata ni Jho ng makita na ang loob ng amusement park.

Jho : Ano uunahin ko?

Bea : Dito muna tayo sa Bum & splash.

Jho : Sige.

Nagpalipat lipat kami ng rides. Halos maubos na namin mga rides dito. Tuwang tuwa naman si Jho . Parati itong naka ngiti.

Jho : Wow, today is one of the best day of my life.

Paglingon ni Jho ay wala na si Bea. Nagpa lingalinga ito, wala talaga. Halos maiyak na sya.


Bea : Heeey, ice cream......& french fries.

Jho : Akala ko iniwan mo na ako.

Bea : Bakit naman kita iiwan. Bumili lang ako nito, o. Favorite flavor natin, vanilla.

Jho : Thank you.


Naupo muna kami sa isang bench. Napatingin ako kay Jho, ganado itong kinain ang ice cream, ng dilaan nito ang plastic spoon. She looks so sexy. Napalunok na lang ako at binaling ko sa iba ang tingin. Parang nag iinit ang katawan ko. Sabagay mainit naman talaga ang panahon. Naubos din namin ang pagkain. Binigyan ko si Jho ng bottled water. Uminom naman siya, napatingin na naman ako sa kanya. 'My God, ano ba 'to. she looks so sexy' nasabi ko sa sarili. Parang ng slow mo ng dumapo ang bibig nya sa plastic bottle. Napalunok na naman ako.


Jho : Bea, Bea. Bea.

Kinakausap na pala ako ni Jho. Nakatulala lang ako kasi.

Bea : Y-yes.

Jho : Sakay naman tayo ng ferris wheel.

Bea : Sure. Tara.

Sumakay naman kami ng ferris wheel. Nong nasa taas na kami ay kitang kita ang buong paligid. Napaka ganda, tulad nitong katabi ko.

Naglalakbay na kami papuntang Manila. Medyo traffic na. Linggo na kasi ng hapon at pabalik na ang mga umuwi ng province. Nakatulog naman si Jho sa pagod. Pero nakangiti itong natutulog, super enjoy sya kanina. Dadaan muna kami sa bahay para kunin ang chocolate cake, pagkatapos ay ihahatid ko na sya sa condo niya.

Bumaba muna ako para kunin sa loob ng bahay ang cake. Tulog pa rin si Jho.



Bea : Jho? Gising na, adito na tayo sa condo mo.

Biglang nagising si Jho, inaaninag kung nasaan na sya.

Jho : Andito na pala tayo. Sarap ng tulog ko.

Napa tingin sya sa akin. Medyo na conscious na ako, naka tingin lang sya.

Bea : Jho, bakit? Madumi ba mukha ko?

Bigla akong niyakap nito.

Jho : Super duper thank you, talaga. Naka punta na rin ako sa EK, sa wakas.

Bea : Your welcome. O, baba na, eto yong chocolate cake.

Jho : Thank you, ulit dito.

Bea : Your welcome ulit.

Nagtawanan na kami. Grabe sobrang saya ng weekend na to. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at lumabas na si Jho. Bago ito tumuloy sa pagpasok sa building ay lumingon ito sa akin.

Jho : Thank you, and goodnight.

Bea : Your welcome, and goodnight , too.


Nakahiga na ako sa kama ko, tapos na ko maglinis ng katawan at bagong bihis ng pantulog. Pagod na pagod ako pero di pa ko makatulog. Naalala ko ang mga nangyari ngayong weekend. Napapa ngiti ako pag may eksenang nakakatawa. Ang saya saya lang. Mabait si Jho, at maganda, mahinhin sya. Tahimik lang pero pag napalagay na ang loob nya at naka usap mo sya ay may pagka kenkoy din. Romantic pala sya. yong paliwag nya sa sunset kong bakit gusto nya ito. Yong mga type nyang songs at movies. Pero maganda naman ito medyo corny nga lang. Mas lalo ko syang nakikilala ay parang magkakasundo kami. Marami kaming parehong gusto. Sa pagkain, medyo sa music. Bakit ba di sya mawala sa isipan ko.




Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now