Inihahanda na ni Bea at Jho ang mga ingredients para sa chocolate cake na lulutin ni Bea. Pareho silang naka apron ni Jho. Sa itsura nila kung titingnan mo e parang mga professional cook talaga , hehehe.
Jho : Ano gagawin ko?
Bea : Basta kung ano hingin kung ingredient, ikaw mag aabot sa akin.
Jho : Okey.
Kumukuha ng flour si Bea sa container ng pabiro niton patalsikin ang flour kung nasaan si Jho.
Bea : Ay sorry.
Jho : Ah sorry ha.
Kumuha si Jho ng flour at nilagyan ang face ni Bea.
Bea : What are you doing?
Natatawa lang si Jho na pinagpatuloy ang paghahanda ng iba pang sangkap. Dumukot si Bea ng flour at pinang hilamos ito sa mukha ni Jho, Tapos tuloy ito sa pag measure ng tamang flour.
Jho : Hah.
Puro arena na ang mukha ni Jho. Ang ginawa nito ay kinuha ang container ng flour at dumukot dito. Nag magka titigan sila ay na gets ni Bea kung ano gagawin ni Jho, kaya tumakbo ito.
Jho: San ka pupunta, gusto mo pala maglaro, ha? Halika dito.
Natatawa namang nag tatakbo si Bea papunta sa sala, paikot ikot sila sa sofa. TAwang tawa si Bea sa itsura ni Jho.
Bea : Jho, maghunus dili, ibalik mo sa kitchen yang flour.
Jho : Mamaya after ko maka ganti sa yo.
Naghahabulan pa rin sila ng biglang matapilok si Bea kaya sinunggaban agad sya ni Jho. Medyo napalakas ang pagdapo ni Jho kay Bea, kaya na out balance sila at nasa lampak sa sahig. Nasa ilalim si Bea, nakadagan naman sa kanya si Jho na hawak pa rin ang flour. Nagkatinginan sila ng ilang segundo, mga fifteen seconds. Ang bilis ng tibok ng puso ni Jho. Parang may kakaibang syang nararamdaman pero di nya matukoy kung ano.
Bea : Aray, ang bigat mo.
Nakatulala pa rin si Jho.
Bea : Hoy. bumangon ka na.
Na alimpungatan naman si Jho. NIlagyan nya ng arena ang mukha at leeg ni Bea.
Jho : Beh, ayan naka ganti na rin ko sa yo.
Bumangon na naman ito at pumunta na pabalik sa kusina. Nag iinit ang pisngi nya parang namumula ang pisngi nya, feeling nya. Nag pagpag naman si Bea sa arenang nasa leeg at mukha nya. Sumunod naman si Bea kay Jho sa kusina.
Bea : O, tuloy na natin ang pagluluto.
Nakatungo lang si Jho. Di makatingin kay Bea. 'Ano ba naman kasing puso ko ang lakas lakas ng pagtibok' nasabi nito sa sarili.
Pagtapos mag mi ni Bea ay pina tikman ito kay Jho. Inilapit nito ang laddle kay Jho.
Bea: Tikman mo nga. Parang tama naman ang timpla.
Jho : Akin na.
Sinubuan ni Bea si Jho. Namula na naman ito.
Jho : M-masarap. Masarap naman.
Bea: Okey, ilagay ko na sa oven.
Nagliligpit sila ng kalat sa kusina nakatungo pa rin si Jho.
Bea : Okey ka lang?
Jho : O-oo naman.
Bea : Kanina ka pa kasi tahimik.
Jho : Napagod lang.
Bea ; Bakit ka naman napagod, e taga bigay ka lang naman ng sangkap sa akin.
'Oo nga naman, dali isip ng dahilan' bulong ni Jho sa sarili.
Jho : Y-yong paghahabulan natin kanina.
Bea : Ah okey. Magpahinga na muna tayo. Mamaya pa naman yan maluluto.
Jho : Okey.
Umakyat na sila papunta sa room ni Bea.
Nakatulog na si Bea. Siya naman ay dilat na dilat ang mga mata. Nahuhulog na ang loob nito kay Bea. ' Pano naman kasi ang bait bait at ang ganda ganda at matalino pa. Napaka professional nya pag nasa office kami, pero pag nasa labas kami ay parang bata, napaka lambing at maasikaso at thoughtful pa' isip ni Jho.
Paggising nya ay wala na si Bea sa tabi nya. Bumangon sya at naghikab, mayamaya ay pumasok si Bea sa kwarto.
Bea : Gising ka na pala.
Jho : Bakit di mo ko ginising?
Bea: Ang himbing himbing ng tulog mo, e. Lika don tayo sa rooftop.
Jho : Anong meron don?
Bea : Basta.
Pumunta na silang rooftop. Pagdating don ay nakahain sa mesa ang chocolate cake at fresh buko juice. Umupo na sila.
Bea : Sandali na lang, sunset na. Dito ako tumatambay pag ganitong oras. Kitang kita kasi ang sunset dito.
Jho : Talaga. Paborito ku rin panoorin ang sunset. Sa Batangas pag andon ako, pumupunta kami sa dagat para panoorin.
Tumahimik muna sila at pinanood ang sunset. Ang ganda ganda.
Bea : Bakit gusto mo ang sunset?
Jho : Romantic kasi, e.
Bea : Ganon lang?
Jho ; Oo. Tsaka parang pagkatapos ng buong araw na pakikipag sapalaran ay oras na ng pahinga. Bukas na ulit.
Bea : O, kain na ng cake.
Nilagyan ni Bea ng isang slice na cake ang platito ni Jho. At nilagay din ang juice malapit sa kanya. Tsaka nya nilagyan ng cake ang platito nya.
Jho : wow, ang sarap sarap.
Bea : Thank you.
Habang kumakain sila ay nag kwentuhan naman kun ano ano lang. Minsan nagtatawanan.
Bea : Alam mo, ma swerte ka may babae kang kapatid.
Jho : E wala namang lalaking kapatid. Di ko ma experience yong alagang kuya.
Bea : Do ko rin ma experience yong alagang ate.
Jho : Sa mga kaibigan na lang.
Bea : Si kuya Loel na lang kuya mo.
Jho : Nakakahiya naman, non. At di naman nya ako kilala pa.
Bea : E di ipapakilala kita.
Ngumite lang si Jho. Kumuha pa ng isang slice si Jho.
Jho : Sarap talaga nito.
Bea: Padadala ko sa yo yong matitirang cake.
Jho : Talaga, ha? Walang bawian.
Nagtawanan silang dalawa. Bumaba na rin sila.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.