Jho
Konti na lang matatapos ko na ma encode mga data sa new system na naka download sa laptop. Kaninang umaga si Bea nag encode, na bo bored daw kasi sya, ako naman nag encode after lunch. Naka concentrate sya ngayon sa phone nya. Minsan napapangiti, siguro nag check sa instagram o twitter nya. Maya maya ay na dismissed na sila. Lumapit naman agad si Marge sa amin ni Bea.
Marge: Hello, guys. O, Bea alis na tayo after 15 minutes, sa lobby na lang tayo magkita, ha?
Bea : Okey, Marge. Akyat lang kami sandali sa room.
Naghihintay na kami ni Bea sa lobby kay Marge. After five minutes ay dumating na sya, kasama ang apat pa.
Marge : Bea, kasama naitn sila. Si Isaac, Jana, taga Iloilo branch. Si Giselle, Ana from Davao branch naman. Guys, si Bea at Jho.
Marci/Jana/Giselle/Ana: Hello po, maayong hapon.
Bea : Maayong hapon gihapon.
Jho : Hi.
Marunong pa lang mag Cebuano si Bea. Ano pa kayang lingguahe ang alam nito. Nakatitig kay Bea si Isaac, kanina pa napapansin ni Jho.
Marge: O, tayo na. Andyan na sasakyan natin.
Nag byahe na sila. Si Marge lang may alam kung saan sila papunta.
Bea : Saan mo ba kami dadalhin, Marge?
Marge: Ah basta, abangan ang susunod na kabanata.
Pagbibiro nito. Tumahimik na lang sila.
Maya pa ay nakarating na sila. Dagat na to a' nasabi ni Jho. May restaurant sa tabing dagat. Medyo mahangin at may konting lamig ito.
Marge : O, opo na tayo. Seafood restaurant to. Masarap daw pagkain nila dito at affordable. Order na tayo.
May binigay naman na mga menu ang waiter. Umorder sila ng inihaw na pusit at inihaw na tuna, sinigang na hipon at calamares. May gulay na naman ang sinigang kaya di na sila nag order ng gulay.
Marge : Treat ko to ha?
Nang marinig ito nong apat ay may kanya kanya pa silang mga order. Natatawa na lang sila Bea at Jho.
Jana : Libre mo to ha?
Marge : Oo, na promote kasi ako. Full pledge accountant na ko ngayon di na acting.
Bea/Jho: Congratulations, Marge.
Marge : Thank you. O, di nyo ba ako e congratulate.
Tanong ni Marge sa apat.
Giselle/Ana: Maya na pagkatapos namin kumain,
Nagtawanan silang lahat. Nong dumating na mga order nila ay agad silang kumain. Galit galitan muna sila, puro gutom, e. Habang kumakain sila ay may nag videoke malapit sa kanila. Ang ganda ng boses.
Pagkatapos nilang kumain ay tumayo si Bea at Jho, sobra kasi sa kabusugan at favorite pa nila ang pagkain.
Bea : Maglakad lakad muna ako, grabe ang kabusugan ko.
Jho : Ako din. Favorite ko kasi ang mga yan.
Sabay na naglakad sa dalampasigan ang dalawa. Full moon pa pala.
Bea : Ang ganda ng buwan.
Jho : Oo nga, e.
Pareho silang nakatingin sa buwan. Hampas lang ng mga munting alon ang naririnig at yong sa may videoke. Nakikinig na din sila sa kumakanta, ang ganda ng boses.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanficThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.