Bea
Nagkasabay kami ni Jho sa elevator at pababa na kami. Uwian na kasi. Lalabas na sana sya sa sa may ground floor.
Bea : Bakit ka dito, Nasa basement ang parking.
Jho : Coding, e.
Bea : Hatid na kita.
Shit! Bakit ko ba sinabi yon. Di ba, iiwasan ko na sya dapat.
Jho : Sure.
Tahimik lang kami sa elevator hanggangs sa makasakay na kami sa kotse. Pinag buksan ko sya kanina para makasakay na. Medyo traffic na, labasan na kasi ng mga empleyado.
Jho : Okey lang sa yo, na dumaan muna sa grocery?
Bea : O-okey lang.
Huminto kami sa may grocery at pumasok na. Kumuha sya ng cart. Nakasunod lang ako sa kanya. Nang kumpleto na kinuha nya. Kumuha ako ng one galoon na vanila ice cream at lays original chips, hershey drops at cadburry chocolates. Napatingin sya sa akin. Nginitian ko lang sya. Binayaran ko agad lahat. Wala ng nagawa si Jho.
Jho : Ako nag grocery, e. Di ikaw dapat magbayad.
Bea : Tayo namang dalawa kakain nyan. Parati mo kaya akong pinagluluto at hinahatiran ng foods.
Jho : Okey lang yun. Mag isa lang naman ako, di ko maubos niluluto ko.
Nilagay ko sa back seat mga pinamili nya or namin. Nag drive na ako, after one hour ay nakarating na kami sa condo nya. Dinala ko ang mga grocery bags. Binuksan nya ang unit nya at pumasok na kami. Nilagay ko sa dining table ang grocery bags. Kinuha ko ang cadburry at hershey shots. Binigay ko sa kanya.
Jho : T-thank y-you.
Nilagay ko sa freezer ang ice cream. Nilagay nya naman sa freezer ang steak, pork, shrimp, hotdogs, bacon at ham. Sa baba naman ng ref ang vegges at iba pa.
Bea : Sige, alis na 'ko.
I hug her and kiss her forehead. Nang mahawakan ko ang doorknob,
Jho : Dito ka na mag dinner. Hinatid mo 'ko, e.
Bea : Okey.
'Bea naman, ano ba, iiwasan mo nga sya dapat' bulong ko. Parang gusto ko sabunutan ang sarili ko. Nag handa na sya ng lulutuin. Tahimik syang naghihiwa ng mga sangkap. Nakatingin lang ako sa kanya.
Jho : Bakit?
Nakatingin pa rin sya sa hinihiwa nya ng magsalita.
Bea : Anong bakit?
Jho : Bakit mo ko tinititigan?
Bea : Bagay na bagay na talaga sa yo mag asawa. You look so comfortable sa kitchen. Ulirang asawa ka nga.
Namula sya bigla. Nakatungo pa rin sya. Wow, she looks so beautiful. Napalunok na lang ako. Maya maya ay parang nahihiya syang itinaas ang tingin nya. Sa akin lumanding. Pulang pula na ang pisngi nya.
Bea : Okey ka lang. May sakit ka ba? Namumula ka, e.
NIlapitan ko sya at hinawakan ang pisngi nya. Ang init. Nakatungo pa rin sya habang naghihiwa.
Jho : O-okey l-lang ako. Sa init siguro k-kanina. Pano naman ako mag aasawa, wala naman akong ka relasyon.
Bea : Well, someday.
Umupo ako sa harap nya. Kinuha ko mga balat at nalaglag na buto ng gulay. Itinapon ko ito sa basurahan. Nagluluto na sya. Naglatag ako ng mga plates sa table, spoon & fork, baso, mangkok para sa pork nilaga. Gumawa din ako ng sawsawan. Inihain na nya ang pork nilaga at kanin. Umupo na kami. Naglagay sya ng kanin sa plato ko at laman ng pork at gulay. Nilagyan nya ng sabaw ang mangkok at inilagay sa harap ko. Kumuha naman sya ng kanin para sa kanya at pork.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanficThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.