Part 4 Hangover+

125 3 0
                                    

Jho


May liwanag, masakit sa mata. At parang may naka dantay sa likod ko. Minulat ko mga mata ko. Sikat ng araw pala na nakasilip sa bintana. Teka parang iba itsura ng kwarto. Hindi ko kwarto to. Huh, si ma'am Bea, naka yakap kami sa isa't isa, bigla akong humiwalay kaso mahigpit pagkakayakap nya sa akin. Dahan dahan ko inalis ang mga kamay nya sa akin. Bumangon ako at umupo sa kama. Ano ba nangyari kagabi.

Bigla ko naalala, Sa bahay nila ma'am kami umuwi kasi sobrang lasing na nong lima. Napatingin ako kay ma'am Bea. Himbing na himbing na natutulog. Napaka amo pala ng mukha nya pag malapitan at tinititigan, parang bata. Ang yaman yaman pala nila. Laki ng bahay at ang ganda. Mansion na to sobrang laki e. May mga pictures na nakasabit sa dingding, nilapitan ko eto. Picture ni Bea nong maliit pa sya. May picture na naka kabayo sya. Family picture ata yong isa. Ganda ng mommy nya. Kuya nya siguro yong naka akbay sa kanya, medyo chubby samantalang ang slim ni ma'am. Mahaba ang buhok. Napaka smart manamit at magsalita. At ang conyo conyo pa.

Bea : Good morning!

Napatalon si Jho sa gulat. Bigla ba naman may magsalita sa likod nya.

Jho: Ay good morning, ma'am

Bea : Naiilang ako sa pagtawag mo sa akin ng ma'am. Bea na lang di pa naman ako ganon katanda.

Jho : Po, e boss ko po kayo, e.

Bea : Ano ka ba e yong mga staff ko nga e Bea lang.

Jho: Sige po.

Bea : Anong oras na ba (tumingin sya sa alarm clock). O my, 10 am na pala. Baba na tayo para mag breakfast.

Jho : Okey po.


Pagpunta nila sa kusina, andon na pala sila Deanna, et. all. Puro nakahawak sa ulo ang isang kamay, habang ang isa pang kamay ay pansubo ng pagkain.

Bea : Good morning.

All : Good morning.

Ponggay: Sakit ng ulo ko talaga. Di na ko iinom huhuhu.

Deanna: Madaming beses mo na yan sinabi pero umiinom ka pa rin.

Ponggay: Di na talaga, PROMISE huhuhu.

Tahimik lang sila Maddie, Kat, Jamie at Kim na kumakain, pero hawak hawak naman ang mga sentido.

Bea : Manang, paki bigyan po sila ng gamot. Sila Mommy po pala?

Manang: Opo ma'am Bea. Umalis po kanina pa may pupuntahan daw po.

Bea : E si Kuya po?

Manang: Umalis din po.

Bea : Ah okey.

Kumain na sila Bea at Jho habang nakangiting tumitingin tingin sa limang lasenggera.

Bea : Alam nyo pwede naman pa kayong magpahinga dito wala naman sila mommy. Masakit pa ulo nyo di ba tsaka saturday naman. Or mag swimming na lang tayo para mawala hangover nyo.

Ponggay: Di ba nakakahiya naman.

Deanna: Meron ka ba non.

Ponggay: Hey

Deanna: hahahhahhaha

Nagtawanan silang lahat.

Nagpapahinga muna sila sa guest room. Habang sila Jho at Bea ay nasa kusina.

Jho : Magluluto ka Bea?

Bea : Oo, kare kare at inihaw na pork. Favorite nila yan simula pa nong college pa kami.

Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now