Bea
Dad insisted that I attend this board meeting. Nag leave na lang ako sa office, one day lang naman. They were discussing about the budget for next year's capital expenditure. Mag o open ng new branches, three exactly. Seryosong nagsasalita si tito Arnel. Nagkunwari naman akong nakikinig talaga.
Arnel : Bea, what do you think? We'll open a new branch in Tacurong. Class A branch with 26 or more employees.
Napapitlag naman ako. Napatingin ako kay tito.
Bea : A-ah. I guess, cash unit lang muna. It's not a big city, yet. We'll just adjust in the future if mag click tayo don.
Elmer : Nice suggestion, Bea.
Arnel : Okey, cash unit it is.
Marami pang napag usapan. I was too tired kahit nakaupo lang kami maghapon. Nakaka sakit ng ulo. Too much info na. Natapos din ang board meeting at exactly 6 p.m. Whew! WE started at 9 a.m., wow, eight hours na nakaupo. Nag inat inat ako ng tumayo na kami.
Elmer : Thank you, Bea.
Bea : Okey lang, dad.
Arnel : I'll go ahead, Elmer, Bea.
I hug and kiss tito Arnel, nag shake hands naman sila ni dad.
Bea : Mauna na ako, dad.
I hug him too and kiss his cheek
Elmer : Sige, princess.
Lumabas na ako sa boardroom at lumakad palapit sa elevator. I press basement kung nasaan naka park ang benz ko.
Pagpasok ko sa condo ay napa upo ako sa sofa. Itinaas ko ang mga paa ko at pinatong sa mesa. Pinikit ko ang mga mata ko. Si Jho nakikita ko. May lakad nga pala kami bukas. Bigla akong nakaramdam ng excitement. Tumayo ako at pumasok sa cr para maglinis ng katawan at mag toothbrush. Busog pa ako. Di na ako magdi dinner. Pagka labas ko ng cr at humiga na ako sa kama ko. What a tiring day. Nakatulog ako agad.
Inihinto ko ang kotse sa harap ng building ni Jho. Pababa na yon siguro. Ti next ko sya kanina na andito na ako sa baba. Maya maya lang bumukas ang pinto ng passenger seat. Pumasok sya at umupo.
Jho : Hello!
Masaya nyang sabi sabay hug at kiss sa cheek ko.
Bea : Ready?
Jho : Reading ready na.
Pinaandar ko na ang kotse. As usual, di masyadong traffic. Sa power plant kami papunta. Di masyadong matao don. Ten thirty pa lang ng umaga.
Bea : Kain muna tayo?
Jho : Okey.
Pumasok na kami sa restaurant. Buffet. Kumuha na kami ng mga pagkain. Nilagyan ko ng shrimp plate ni jho at crabs. Nilagyan naman nya ng foods plate ko. Umupo na kami . May cellophane mga kamay para di madumihan.
Jho : Bongga naman dito. Super dami foods.
Bea : Kaya, walang diet diet ngayon.
Jho : Yeees!
Masaya kaming kumain. Minsan sinusubuan ako ni Jho. Sinusubuan ko naman sya ng kung ano ano. Wala ng balat na shrimp at crabs nilagay ko sa plate nya. Nag mouth naman sya ng 'thank you'. Ngumiti lang ako,
Bea : Dessert?
Jho : Maya na, pahinga muna tayo.
Nagtawanan kami. Umiinom ako ng juice. Halos mabuga ko sa kanya ang juice.
Bea : Don't do that again.
Naka ngisi lang sya. She's so cute. Masaya lang.
Tumayo ako at kumuha ng dessert. Halo halo kinuha ko. From razon's yong halo halo, kaya siguradong masarap 'to.
Bea : Here.
Jho : Halo halo?
Kinain na namin ito. Simot na simot, walang natira. Sarap, e.
Bea : So where's next?
Jho : Watch tayo ng movie!
Bea : Okey.
Lumabas na kami sa resto at papuntang sinehan. Bumili muna ako ng popcorn at water na lang.
Bea : Ano papanoorin natin?
Parang bata itong nakatingin sa display board ng mga palabas.
Jho : Ah, everyday i love you.
Bea : Everyday talaga, ha? Okey.
Natigilan si Jho. Namula pa nga ito. Bumili na ako ng ticket. At pumasok na kami sa sinehan. Ganda ng Bacolod The city of smiles. Kumain lang ako ng popcorn. Love story to, e. Medyo di ko type, hehehe. Napatingin ako kay Jho, seryoso ito na nanonood. Nang maubos ang popcorn ay sumandal ako sa upuan. Haaay, sa wakas natapos din. Nakaka in love naman talaga ang OST ng movie. It Might Be You.
Naglalakad na kami ng makakita kami na nag ple play ng piano. Nasa harap ito ng coffee shop.
Bea : Coffee tayo?
Jho : Sige.
Umupo na sya sa may malapit sa piano. Nag order naman ako ng coffee. At chocolate cake at tiramizo melt. Dinala ko na ang tray sa mesa namin.
Bea : Here's for you.
Jho : Thank you.
Tahimik kaming kumakain at pa inom inom ng coffee. Nakikinig sa instrumental. Galing mag piano. Nakaka relax ang music.
Jho : Marunong ka mag piano?
Bea : Oo. Bata pa ako, my mom made sure na may alam akong instruments. Piano, violin.
Jho : Talaga? Galing naman.
Bea : Medyo.
Sa nag pia piano pa rin kami nakatingin. Bigla akong napatingin kay Jho. Tinitigan ko sya. So simple but beautiful. Napatingin ako sa lips nya. Napalunok ako bigla. So kissable. Napalunok na naman ako. Ano ba iniisip ko. Tumingin ulit ako kay kuya na nag pia piano. Puro love songs pinapa tugtog nya. Nakaka in love. Ubos na coffee at foods namin pero nakaupo pa rin kami. Nakikinig sa music.
Jho : Birthday pala ni mama next Saturday. Mga malalapit na kaibigan at family lang invited. Sama ka ha?
Napatingin ako kay Jho.
Bea : Di ko naman kilala mama mo, tsaka pang family lang yata yon.
Jho : Friends naman tayo, e.
Bea : Sinabi mo e.
Tumayo na kami at naglakad papunta sa parking area. Nakatulog si Jho habang papunta kami sa condo nya. So innocent' bulong ko sa sarili ko. Nakaparada na ang kotse sa harap ng building nya. Hinaplos haplos ko ang pisngi nya para magising. Maya maya ay dumilat na ito.
Bea : We're here na.
Lumabas ako sa car at pumunta sa side nya para buksan ang pinto. Lumabas naman sya. Naghihikab pa ito. So cute.
Bea : O, bye na
I hug her and kiss her forehead. First time ko 'to ginawa. Di ko na mapigilan e. Malambing naman talaga ako. I kiss my friends pag nakita ko sila at kung aalis na. Nabigla yata sya, nakatingin lang sa akin.
Jho : B-bye. T-thank y-you.
Sumakay na ako ng kotse at pinaharorot ko ito. Nakita ko si jho na nakatayo pa rin.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
Hayran KurguThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.