Bea
Hay natapos din sa wakas. Pang 14th day nila ngayon sa seminar. Nagliligpit na si Jho. Nang lumapit si Marge sa kanila.
Marge : Uwi na ba kayo kaagad? Di ba muna kayo mag sight seeing muna, Saturday naman bukas.
Bea : Siguro.
Jho : Ano po bang meron sa Cebu?
Marge : Aba, madami.
Jho : First time ko kasi dito.
Marge : Ay naku, kailangan mong ipasyal si Jho dito, Bea. Gusto ko sana sumama pero may get together mother side ko bukas.
Bea : Sayang naman, makapag bonding pa sana tayo.
Marge : Next time na lang. O, sige alis na ko, baka maiwan pa ko ng barko.
Nagmamadali ng umalis si Marge.
Papunta na sila sa elevator ni Bea. Bigla na lang may naisip si Bea.
Bea : Jho, mauna ka na sa room. May pupuntahan lang ako. Sandali lang ako. Mag take out na rin ako ng food. Ano ba gusto mo?
Tanong nito kay Jho. Bigla naman nag isip si Jho kung ano kakainin nya.
Jho : Burger at fries na lang, tsaka spaghetti.
Nakangiting sabi ni Jho.
Jho ; E lilibre mo na naman ako. Nakakahiya na, ikaw na lang palagi nagbabayad.
Bea : Okey lang yon. Maliit na bagay.
At umalis na ito. Mag isa naman na tumungo na si Jho sa room nila. Nang makarating sya sa kwarto ay inilapag nya sa mesa ang laptop at bag. Naglinis na din sya ng katawan at nagbihis. Binuksan nya ang tv at nanood ito. Nakatingin sya sa tv pero wala don ang isip nya. 'San kaya yon pupunta?' tanong nito sa sarili. Narinig na lang nya na parang umuulan. Tumingin sya sa may bintana. Umuulan nga, nagdilim ang kalangitan. Kinuha nya yong tira pang chips kagabi at kinain nya yon habang malalim ang iniisip.
Dumating rin si Bea. May dalang dalawang paper bag na naglalaman ng mga pagkain.
Bea : Kain na tayo. Gutom na gutom na ko.
Jho : Ako din.
Tahimik silang kumakain habang nanonod ng tv. Pasulyap sulyap si Bea kay Jho. 'Sana magustuhan nya surprise ko sa kanya'. ani ni Bea sa sarili.
Bea : Maaga tayo aalis bukas. Mga 7 am.
Jho : Bakit ang aga naman, Sabado naman bukas.
Bea : Basta. Mag check out na rin tayo bukas pag alis natin. Kaya maaga tayo matutulog.
Jho : O-o okey.
Mahimbing ang tulog ni Bea. Nagising na lang sya ng may parang umiiyak sa kabilang kama. Napakusot sya sa mga mata nya at inaninag ang katabing nakahiga. Binuksan nya ang bedside table sa tabi nya at tiningnan ulit si Jho. Lakas ng ulan at may kidlat at kulog pa. Dahan syang lumapit sa kama ni Jho.
Bea : Jho?
Nakita nyang yumuyogyog ang balikat nito. 'umiiyak ba si Jho?' tanong nito sa sarili. HInawakan nito ang balikat. Napabaling naman si Jho at tiningnan sya.
Bea : Bakit ka umiiyak?
Nagpapahid ng luha si jho ng biglang kumidlat at kumulog ng pagkalakas. Napayakap si Jho sa kanya na nanginginig.
Bea : What's wrong, why are you crying?
Jho : Natatakot ako sa kulog at kidlat.
Niyakap na rin ito ni Bea. Napahigpit ang yakap ni Jho ng kumulog ulit. Napasubsub ito sa dibdib ni Bea. Parang may kakaibang naramdaman si Bea. Parang may koryenteng dumaloy sa katawan nya. Uminit ang pisngi nito, Feeling nya namumula ito. DI na ito pinansin.
Jho : Dito ka lang, wag mo ko iwan.
Umiiyak pa rin ito at nanginginig na nakayakap kay Bea. Parang bata itong nagsusumamo sa kanya na wag iwan.
Bea : Okey, I'll just be here. I won't leave you.
Sabi nito habang hinahagod ang likod nito. Tahimik na si Jho. Nakatulog na ito na nakayakap pa rin kay Bea. Napa lunok ng paulit ulit si Bea. May banyagang feeling syang nararamdaman habang magkadikit ang katawan nila. Pilit nyang inaalis ito sa isip. 'Ang lambing lambing talaga ni Jho' bulong ni Bea. Bigla syang napa tingin sa labi ni Jho. Napalunok na naman sya. Ang bango bango ni Jho, sabi nito sa sarili.
Nakatulog na rin si Bea.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.