Bea
On the way na kami ni Jho papuntang bahay. Hay, salamat may makakasama na ako sa bahay. Ang laki laki ng bahay tapos ako lang mag isa. Well, andyan naman sila yaya, et. all pero mga invisible naman sila. Di ko nakikita pag lumalabas ako ng kwarto ko or kun saan man ako magpunta sa bahay. Tsaka limited lang napapa kwentuhan namin kasi di naman kami magka age level. Tsaka iba type nilang topic. Iba din ako.
Bea : Malapit na tayo.
Pumasok na sila sa executive village. Napa bukas ng bibig si Jho. Ang ganda ganda ng mga bahay dito, at ang lalaki' isip nito. Maya maya pa ay tumigil na ang kotse ni Bea at bumusina ito. Bumukas naman agad ang malaking gate. Pumasok na ang kotse sa garage. Lumabas na agad sila ng kotse. Nakatulalang nakatingin si Jho sa buong bahay nila Bea. Grabe ang laki, mansion na ang tawag dito. At ang daming sasakyan na naka parada sa garage. At mamahalin ang mga ito. Sabagay, chedeng lang naman ang sasakyan ni Bea' bulong ni Jho sa sarili.
Jho : Ang laki laki ng bahay nyo, at ang ganda ganda.
Bea : Thanks.
Pumasok na sila sa loob. Nakita naman ni Bea si Yaya Choling. Si yaya nag alaga kay Bea simula ng ipanganak siya. Yumakap si Bea sa Yaya nya.
Bea: Hello, Yaya.
Yaya Choling; Oy, Bea andito ka na pala.
Bea : May kasama pala ako. Si Jho. Jho si Yaya Choling.
Jho : Hello po.
Yaya : Choling: Magandang umaga, ma'am.
Jho : Jho na lang po.
Napangiti naman si Yaya Choling kay Jho.
Yaya : Mag meryenda muna kayo, baka nagugutom na kayo.
Bea : Mamaya na lang po, Yaya. Kukuha na lang po ako mamaya. Akyat po muna kami.
Umakyat at papunta na sila ni Jho at Bea sa kuwarto nito. Pagpasok sa kwarto ay nilagay ni Bea ang backpack nila Jho sa upuan.
Jho : Wow, ang laki laki ng kwarto mo at ang ganda.
Bea : Thank you.
Umupo naman sila sa sofa. May nakitang mga kung ano ano sa may table sa gilid. Lumapit si jho dito.
Jho : Ano 'to, ang cute naman at ang dami ha?
Bea : Mga bigay yan ng mga fans, nilagay dyan nila Mommy.
Jho : Ah. San nga pala ako matutulog?
Bea : Dito, ang laki naman ng kama ko.
Jho : Di ba nakakahiya. Baka ma estorbo pa kita.
Bea : Ano ka ba, e kung nakaka estorbo ka, bakit pa ako nag invite sa yo.
Jho : Oo nga no.
Bea : Gutom ka ba?
Jho : Hindi pa naman.
Kumuha ng damit si Bea sa cabinet at pumasok sa cr. Maya maya ay lumabas na ito.
Bea : Marunong kang mag bake ng cake?
Jho : Hindi e. Bakit?
Bea : Mag be bake tayo mamaya.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
Fiksi PenggemarThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.