Part 14 work, work, Work+

74 4 0
                                    



Jho


I miss my condo, but, super nag enjoy ako sa seminar/workshop na yon. Sa gala namin ni Bea, hehehe. Napaka galante nya, nahihiya na nga ako, e puro sya yong nagbayad sa hotel, food, car, etc. Pano kaya ako makakabawi. Alam ko na, bibigyan ko na lang sya ng_________, ano ibibigay ko sa kanya. Dahil sa napaka yaman nya, meron na sya ng lahat na mabibili ng pera. Ah, yong hindi mabibili ng pera ibibigay ko sa kanya, e, ano naman yon. Hold that thought, may maiisip din ako. Naglinis muna sya ng condo at nilagay sa laundry basket ang mga maduduming nyang damit. Habang naglilinis ay pakanta kanta eto.


What can I do, to make you mind/Falling so hard, so fast this time/What did I say, what did you do/How did I fall in Love with you.


Bigla na lang lumabas sa bibig nya ang kantang yon. Paulit ulit nyang kinanta ang chorus. Busog pa naman ako, oatmeal na lang mamaya kainin ko. Inihanda na nya ang uniform na isusuot bukas. Excited syang makita ang mga officemates nya lalo na sa accounting...........at si Bea.

Naglinis na sya ng katawan at nagbihis at humiga na para matulog. Maaga syang nagising, excited pumasok. Ng okey na ang lahat ay bumaba na si Jho sa lobby. Naghihintay na dumating ang grab. Di pa kasi maayos ang kotse nya. Walang stock ng kailangang spare parts. Nag order pa sa Germany.


Bea : Good morning, beautiful people of accounting!

Ponggay : Beaaaa! Kumusta ka na. Long time no hear, ha? O asan na pasalubong namin?

Deanna/Kim/Maddie/Jamie/Kat/Giselle: Hello, Beaaaaa!

Bea: OA, naman ng mga 'to. O ayan mga pasalubong nyo.

Inilapag ni Bea sa mesa ni Deanna ang dalawang malalaking paper bag. Excited naman ang lahat na binuksan ang paper bag. May mga chocolates at t-shirts at mga baseball caps sa loob.

All : O, yong pasalubong mo galing Cebu? Ang mga 'to ay yong galing ka sa US.

Bea : Grabe naman! Si Jho ang nagdala.

Kat : Kaka inggit mga pics nyo, as in, nakagala talaga kayo.

Giselle: Di man lang nag aya.

Kim: Okey sana yon, kasi weekend. Makakahabol kami.

Bea : Wala naman sa plano yon kasi. It just happened.

Jho : Good morning po.

All: Jhoooo! Asan na pasalubong namin?

Jho : Ay eto, o.

May bitbit syang dalawang SM na grocery bags. Excited namang binuksan nila lahat.

All : Thank you, thank you sa inyong dalawa.

Napangiti na lang si Bea at Jho sa anim na ka officemate. Nagtrabaho na sila. May backlog si Jho sa work nya. Dalawang linggo kasi syang wala. Kaya focus muna sya sa work.

Nag ring naman ang telephone na nasa mesa ni Bea. Sinagot nya ito.

Bea : Hello?

Oliver: Bea, can you come to my office, bring Jamie with you.

Bea : Yes, sir.

At binaba na nya ang phone.

Bea : Jamie, come, pinapapunta tayo ni sir sa office nya.

Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now