Jho
Masaya akong nagluluto sa kitchen. butter garlic shrimp, crabs na ginataan with malunggay. Dito magla lunch si Bea. Tinakpan ko na ang lutong ginataang alimango. Kanina pa luto ang shrimp. Naghanda ako mg sawsawan. Suka, ang bagay sa hipon at alimango.
Tok! Tok! Tok! Naglakad ako papuntang pinto at binuksan ito.
Bea : Hi.
Niyakap ako ni Bea. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Hinalikan nya ang noo ko.
Bea : Here, for you.
Nanlaki mga mata ko, a boquet of sunflowers. Inamoy amoy ko ito.
Jho : T-thank you.
Bea : Your always welcome. May dala pala akong chocolate cake at tiramizu melt.
Binuksan nya ang ref at nilagay ang dala nyang cakes.
Jho : Tapos na ako magluto. Upo ka na.
Dali dali kong inihain ang foods sa mesa. Umupo na rin ako. Nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato nya. Nagsalin din ako ng sabaw sa mangkok at nilagay sa harapan nya.
Bea : Wow, sarap naman nito. Hmmnn, bango.
Nakangiti akong nakatingin sa kanya. Naglagay na rin ako ng kanin sa plato ko at ulam. Binalatan nya ang hipon at nilagay sa gilid ng plato ko, pati alimango. Humigop sya ng sabaw at napa thumps up. Kumain na kami. Sarap na sarap sa pagkain si Bea. Dinagdagan ko ng kanin ang plato nya. Nilagyan ni Bea ulit a ng mga binalatang hipon at alimango ang plato ko.
Bea : Sarap talaga ng luto mo, baby.
Jho : Baby?
Bea : Yeah, baby. Ayaw mo?
Jho : G-gusto ko.
Nag ku kwentuhan kami ng kung ano ano habang kumakain. Masaya lang. Tumayo ako at kinuha ang cakes sa ref. Naglagay ako ng isang slice ng chocolate cake sa platito at binigay kay Bea. Tiramizo melt naman sa akin. Sinubuan ako ng chocolate cake ni Bea. At sinubuan ko naman sya ng tiramizo.
Bea : Sarap no?
Tumango lang ako. Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko na ang mga pinag kainan namin. Palakad lakad naman si Bea sa sala. Sobrang busog kasi. Pagkatapos kung maghugas ay binigyan ko ng green tea si Bea.
Jho : Para matunawan ka agad.
Bea : Thank you.
Umupo na kami sa sofa. At nanood ng tv. Mayamaya at binuhat nya ako at pinaupo sa lap nya. pinulupot ko naman ang kamay ko sa leeg nya. Ipinatong ko ang ulo ko sa ulo nya.
Jho : I love you, baby.
Bea : I love you, too, baby.
Tahimik kaming nanonood ng tv. I kiss her cheeks.
Jho : Ano iniisip mo?
Bea : Ikaw.
Namula naman ako sa sagot nya.
Jho : Seryoso nga.
Bea : Ikaw nga.
Hinalikan nya ako sa pisngi at niyakap pa ng mahigpit.
Bea : Nasabi ko na kay manager, na magre resign ako after six months. Para ma train muna ang papalit sa akin.
Jho : Mami miss kita.
Bea : Magkikita pa naman tayo.
Jho : Di na araw araw.
Bea : Okey lang yon. Para di ka magsawa sa pagmumukha ko.
Jho : Kaylan man ay hindi ako magsasawa sa yo.
She kissed me. HInalikan nya ako sa lips. Napapikit ako at tinugunan ang halik nya. Naghahabol kami pareho ng hininga ng tumigil sya.
Bea : Me, too.
Jho : Magiging CEO ka na pala.
Bea : Hindi agad agad. Kulang pa ako sa experience. Head muna ng operations for one year. After one year. On the job training kay tito Arnel. Sya yong CEO ngayon.
Jho : Congratulations, baby.
Bea : Thank you. But I don't want it. Pinilit lang ako ni dad.
Jho : Dalawa lang kayong anak. Di kaya mag isa ni kuya Loel.
Bea : May magbabago. Magiging busy na ako. At....at hindi pa alam ng board of directors at ng press na bi sexual ako. M-magiging p-patago ang r-relasyon natin. Ayaw nila na may issue sa akin. Baka di magustuhan ng mga investor.
Jho : Okey lang, baby. Basta mahal na mahal kita.
Niyakap ko sya ng mahigpit. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
Bea : Mahal na mahal din kita, baby.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.