Part 19

80 3 0
                                    



Bea


Nanonod ako ng tv sa sala ng condo ko. Pero wala sa tv ang isip ko. Kagagaling ko lang sa bahay para mag dinner kasama sila mommy at daddy. Wala si kuya Loel, may business travel sa New York. Next week pa ang balik nya. Naalala ko ang pinag usapan namin ni daddy.

Elmer : Magre retire na si Arnel in three years. Ikaw ang naiisip kong ipalit sa kanya, Bea.

Bea : Daddy, may iba pa naman siguro na pwedeng ipalit kay tito Arnel.

Elmer : Princess, kailangan kita don. Para rin naman ito sa inyo ni kuya Loel mo. Di naman kami bumabata ng mommy nyo. Kayong dalawa ang magma manage sa mga business natin. Imbes na ang employer mo nakikinabang sa yo, e dapat ang company na natin.

Bea : Sige, dad, pag isipan ko.

Elmer ; Pareho lang naman sa work mo to. Bank din.

Bea : Dad, hindi kaya pareho. Isang department lang hinahawakan ko ngayon. Dyan buong company. Lahat ng branches kaya.

Elmer : Kaya mo naman yan. May tiwala ako sayo. Dapat next year ka na lilipat, ha?

Haay, si daddy talaga. Nilipat ko ang channel. Sa news ako nanood.

May lakad pala kami ni Jho bukas. Parang excited ako, a. Kinuha ko cellphone ko at nag text.


To : Jho

Hi, daanan kita bukas, mga 1 p.m.


From : Jho

hello, okey po.

NIlagay ko ulit sa side table ang cellphone ko at nanood ng tv.


Nag da drive na ako, papunta sa national museum. Nakatingin lang sa bintana si Jho. Parang malalim ang iniisip ng batang ito.

Bea : A penny for your thoughts?

Jho : Hah?

Bea : Lalim ng iniisip mo, yata.

Jho : Ha ha ha. Iniisip ko lang anong gift ko kay mama sa birthday nya.

Bea : Ano ba mga hilig nya.

Jho : Kumain, hahaha, joke. Mahilig sya magluto. At magbasa ng novels.

Bea : E, di novels gift mo sa kanya. Yong sinulat ng favorite author nya.

Jho : Oo, nga no? Thank you, thank you.

Nakarating na rin kami sa national museum. Pagka park ko ay lumabas na ako at pinag buksan ng pinto si Jho. Lumabas na din sya sa kotse.

Matagal kaming nakatitig sa obra ni Juan Luna, ang spoliarium. Pinapakita dito ang hinihilang mga patay na gladiators palabas na arena. Nanalo ng gold medal si Juan Luna sa exposicion de Bellas Artes sa Madrid. It took him eights months to finish this painting.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now