Bea
Nasilaw ako sa liwanag kaya ako nagising. Bukas pala ang blinds kaya nakasilip ang araw. Bumangon na ako at naligo. Sunday ngayon. Nag breakfast ako ng oatmeal. Nang maayos na ang lahat ay lumabas na ako sa unit ko.
Nag attend ako ng mass sa San Agustin. Naka focus ako sa misa at sumasabay sa pagkanta. Nang matapos ang mass ay nagpunta ako sa 7/11 at bumili ng six liters na mineral water, softdrinks, chips at beer. May cooler naman ako sa kotse. Bumili din ako ng ice. Pagka tapos ay nag take out ako ng foods.
Nag drive na ako palabas ng City. May nakita ako noon na walang katao taong beach, don ako papunta.
Huminto ako sa may isang puno. Inilabas ko ang detachable na maliit na mesa at isang chair. Binuhat ko ang cooler at nilagay malapit sa upuan. Nilagay ko din ang foods at chips sa table. Umupo na ako. Nagbukas ako ng beer at uminom. Nakatingin lang ko sa dagat. Ang ganda ng panahon, kulay blue ang langit. Tanging ingay lang ng alon ang maririnig. Kumain ako ng jolly hotdog at burger. Beer ang pinaka tubig ko. Wala na akong maiiyak. Tuyo na yata. Ang sakit lang sa dibdib.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at pinatay ito. Ayokong makatanggap ng text o tawag. Uminom lang ako ng uminom.
I accidentally saw this place nong mawala ako. Secluded ang place kahit di kalayuan sa highway. Matataas kasi ang damo, lampas tao. May nakatago pala itong beach na maganda.
Nang mag alas kwatro ng hapon ay itinayo ko na ang tent. Nanguha din ako ng mga tuyong kahoy sa paligid. Ang dami ng nakuha ko. Pinagmasdan ko ang sunset. Parang ako, palubog ng palubog. Hirap umahon. Biglang tumulo ang luha ko, meron pa palang natira. Umiyak lang ako ng umiyak.
Gumawa ako ng bonfire. Mabuti may buwan kaya maliwanag ang paligid. Kinain ko ang natirang burger at hotdog then chips. Uminom pa ako ng beer.
Anong gagawin ko? Wala na s'ya. May nagmamay ari ng iba. Paano na ako? No work, no girlfriend. Sabagay, makakahanap ako ng bagong trabaho, pero s'ya, nag iisa lang s'ya.
Umaga na ng magising ako. Umupo ako sa buhangin. Pero wala pa ang araw, di pa ito sumisikat. Tumayo ako at tumakbo, tumakbo lang ako ng tumakbo. Naka jogging pants naman ako at tshirt. Nang mapagod ako ay bumalik na ako kung nasaan ang tent. Umupo ulit ako sa buhangin, inantay ko ang sunrise. Sana, sana makabangon ako. Sumikat na ang araw. Naligo naman ako sa dagat.
Nagbihis ako sa tent. Pagkatapos ko magbihis ay tinanggal ko na ang tent at nilagay sa compartment at iba pang mga gamit.
Nag drive na ako pauwi sa condo.
YOU ARE READING
Hindi Tayo Pwede [completed]
FanfictionThis story is all fiction but it describes a possible scenario of a real world.