Part 28

93 4 0
                                    



Jho


Nagba browse muna ako sa instagram at facebook. Ano na mga ganap ng ALE. Hinihintay ko si ate Ella. Sya ka date ko ngayon. Na miss ko na din sya. Last kami magkita nong nasa Bacolod pa kami. Three months ago na yun. Nasa Vikings ako. Buffet kasi gusto ni ate Ella.

Ella : Jhooo, kumusta ka na!

Yinakap ako ni ate Ella. I hug her back. Umupo na din sya sa harap ko.

Jho : Okey lang, ate Ells. Ikaw kumusta ka na?

Ella : Ganon pa rin. Busy busyhan sa work. Thank God, Saturday ngayon. Kaya todo rest.

Jho : Nagkita kita ba kayo nila ate Ly, ate Den, etc.?

Ella : Busy din sila, e. Out of the country si ate Ly at si ate Den naman super busy sa hospital.

Jho : Lika, kuha muna tayo ng foods.

Tumayo na kami at pumunta sa buffet table. Madami kinuha si ate Ella. Para matagal daw muna makabalik, hahaha. Kumuha din kami ng drinks. Orange juice kay ate Ells, pineapple juice naman sa kin. Bumalik na kami sa table at naupo. Gutom na kami kaya kain kain muna.

Napatitig sa akin si ate Ella.

Jho : Bakit?

Ella : Iba yong glow mo ngayon. Alam ko na blooming ka nong nasa Bacolod tayo. Pero ngayon, super blooming ka.

Jho : Maganda lang talaga ako, hahaha.

Ella : In love ka 'no?

Jho : Blooming lang. In love na agad.

Ella : Kilala kita, Jho. Naku di ka makakalusot sa akin. Sino sya?

Jho : Ewan ko sa yo.

Sumubo ako ng food at uminom ng juice. 'Ate Ella talaga, kung ano anong napapansin' bulong ko sa sarili.

Ella : Si Bea 'no.

Halos maibuga ko ang juice na ininom ko. Uminit ang mukha ko sa sinabi ni ate Ella.

Ella : Si Bea nga.

Jho : Ate Ella, magkaibigan lang po kami.

Ella : Okey.

Nagpatuloy kaming kumain. Iinom si ate Ella ng juice tapos susubo na nakatingin lang sa akin.

Jho : Halata ba talaga, ate Ella?

Ella : Sinasabi ko na nga, e. Wala namang masama don. Kung magka in lavan kayo.

Jho : Thank you, ate Ella.

Ella : Nag sex na ba kayo?

Nabigla ako sa tanong ni ate Ella. Napa ubo ako at nailuwa ko ang kinakain ko.

Jho : Ano namang klaseng tanong yan, ate Ella.

Ella : Mahal mo talaga sya?

Tumango ako.

Jho : Sobra, ate Ella.

Ella : Okey. Kilala at mayama ang family ni Bea. Hindi lang basta mayaman. They are a conglomerate. Madaming business. Mabait lang talaga at napaka down to earth ni Bea. Walang hangin sa katawan. Ma swerte ang mamahalin nya. But, may price ang pagiging rich kid nya. Di pa alam ng society na bi sexual sya. Alam na ng family nya at tanggap naman nila yon. Anytime soon, may hahawakang company si Bea. I know na ayaw nila ma issue si Bea. Dapat handa ka na don. Baka or posible na itatago ang relasyon nyo.

Jho : Mahal na mahal ko si Bea, ate Ella.

Ella : Oo na. Support ko kayo dyan. Tama nga ang hinala ko noon pa. Iba kung mag tinginan kayo, e. At alagang alaga nyo ang isa't isa. Iba yong care ni Bea sa yo. Haaay, pag ibig nga naman.

Natawa ako sa huling sinabi ni ate Ella.

Jho : Di naman agad agad na nagka gusto ako sa kanya. Palagi kasi kaming magkasama, sa office. Almost every Saturday. Kung saan saan nya ako pinapasyal. Bored kasi sya sa condo nya. E, ako rin naman. Nag EK kami, national museum, Luneta, intramuros, nag malling at iba pa. Napaka thoughtful nya. Unti unti akong nahuhulog sa kanya.

Ella : Oo na. Gets ko. Masaya ako para sa inyo.

Tumayo si ate Ella at niyakap ako. Umupo naman ulit ito.

Ella : This calls for a celebration. Kain pa tayo.

After sa viking ay nanood kami ng sine. Then, umuwi na.

Pagpasok ko sa condo ko ay nag ting ang cellphone ko. May message. Dali dali kong isinara ang pinto at kinuha ang cellphone ko sa bag. May message si Bea,


From : Bea

I love you.

Napangiti ako. Nag type ako,


To : Bea

I love you, too.


Nilagay ko na sa table ang cellphone ko. Pumasok ako sa cr at naglinis ng katawan, then nagbihis ng shirt at shorts. Bukas pa pupunta si Bea dito. Excited na ako.



Hindi Tayo Pwede [completed]Where stories live. Discover now