note: hey y'all this is just a continuation of the previous one, thank you and keep safe<33
hindi katulad nang dati,
ayaw mo na itong ayusin.
nagiging katulad kana
ni
mama.
pagpapanggap na walang nangyare,
hahayaan na lamang na ang
tumatakbong oras ang magpalipas ng
kumukulong mga emosyon na naiwan
sa hangin.
kapag kuwan ay magtatanong kung
ayos lang ba ako? may kasamang
parang tuta na mga mata, maamo at
nag aalala
pagpapanggap na parang hindi tumahol,
hindi nangagat.
hindi ko na mapigilan.
para bang nagkaroon ng sariling buhay
ang aking mga kamay,
para lang itigil ang sarili na magtiis
tumira sa ganitong klaseng bahay-
kumuha ng kutsilyo at maiging
pinagmasdan kung gaano kaganda ang
kinang nang matulis nitong tingin.
agad na pinigilan, hindi niya.
hindi nila.
kung hindi nang sariling boses sa isip-
akala ko ba sabi mo tama na?
bakit kung kailan ngayon ay tinatama ko na,
ginagawa ang matagal ko na dapat ginawa,
ngayon ay sasabihin mo ulit na
tama na
YOU ARE READING
Dazed Off
PoetrySee what the young poet wrote in her old journals at only the age of twelve, and how her mental state progressively gets worse at age fifteen:) Collection of poems mostly about God, family, love, and hate to oneself. • most impressive ranking: #6 in...