PROLOGUE

4.7K 79 12
                                    

{Prologue}

"Teka lang... Ano ba? Nasasaktan ako, Jarren!" Pilit kong kinakalas ang mahigpit na pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko dahil pakiramdam ko naiipit ang ugat ko sa paraan ng paghawak niya dito.

Marahas niya akong binitawan at tinignan ko ang pala-pulsuhan kung saan niya hawak kanina. Namumula iyon dahil sa pagkakahawak niya. Napangiwi ako ng marahan kong himasin iyon.

Matalim ang mata niya at nagtatagis ang bagang na tinignan ako.

"Get in." anito ng buksan ang kotse. Wala naman na akong nagawa at nakayukong pumasok sa loob.

Umikot siya at sumakay sa driver seat na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Nasasaktan ako sa pinapakita niyang ugali sa'kin. Kahapon naman ay ang saya-saya naming dalawa sa condo niya tapos ngayon nag-iba na naman ang timpla ng itsura niya.

Ngayon ay ang pagcecelebrate namin ng 1st anniversary namin pero sa tingin ko at sa itsura niya ngayon parang wala siyang balak na magdiwang ng isang taon naming relasyon. O sadyang hindi man lang sumagi sa isip niya na special ang araw na'to para sa'ming dalawa. May importante pa naman akong sasabihin sa kaniya pero dahil sa nakikita kong itsura niya ngayon parang nagdadalawang isip na ako kung tama bang ituloy ko pa ang sasabihin ko o 'wag na lang.

Kapag ganito ang timpla ng ugali niya sa'kin hindi ko talaga maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano bang mali ang nagawa ko.

Nilingon ko siya ng maalala kong may sasabihin daw siya sa'kin kanina ng tumawag siya sa selpon ko kaya naman tumikhim muna ako bago magsalita.

"Ahh...Sabi mo kanina sa phone may sasabihin ka sakin? A-Ano y-yun?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya na abala sa pagmamaneho at diretso lang ang tingin.

Mas minabuti ko na lang sanang hindi ibuka ang bibig ko nang wala man lang akong narinig na salita sa kaniya. Nananakit ang dibdib ko sa inaakto niya. Hindi ko alam kung bakit siya galit. Hindi ko alam kung bakit bigla-biglang nagbabago ang pinapakita niyang ugali sa'kin.

Mabilis at lihim kong pinunasan ang luhang handa ng tumulo sa mata ko. Tumigil ang kotse niya sa lugar kung saan lagi kaming tumatambay bago niya ako ihatid sa'min. Our favorite place.

Hinintay kong bumaba siya ng kotse pero pinatay niya lang ang makina at binalot na kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana kung saan makulimlim ang langit. Nagbabadya atang umulan. Hapon na rin kasi at kakaunti na rin ang estudyante na dumadaan.

Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago nagsalita.

"I'm sorry but... Let's... Let's break up!"

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa sinabi niya. Mabilis ko siyang nilingon at nagtama ang mga mata namin at mabilis din siyang umiwas ng tingin.

"What did you say? Baka nabibingi lang ako..."

Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago ilang minutong nagsalita. Sa puntong iyon ramdam ko na ang bigat ng dibdib ko at ang pamumuo ng luha ko

"Let's break up, Jianna."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mapakla akong natawa sabay pahid ng luha ko.

"Are you joking? That's not funny! Sabihin mong nabibingi lang ako... Sabihin mong ..." Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"You heard it right, Jianna. Ayoko na. Itigil na natin 'to!"

Jianna! Right. My first name. He call me by my name not our endearment to each other as couple.

Mapait akong ngumiti bago siya tignan na diretso lang ang tingin sa harap.

"Why? May nagawa ba akong ayaw mo? May nagawa ba akong mali sa relasyon natin? Ano? Sagutin mo ako? Si...Si Nezro ba? Sinabi ko naman sa'yong kaibigan ko lang siya diba? At alam niyang may boyfriend na ako. Jarren naman... Kahapon masaya naman tayo ah? Bakit ganito? Bakit... Anong gusto mo? Layuan ko siya? G-Gagawin ko, 'wag lang ganito. Jarren please don't say that. We love each other right? Jarren you know how much I love you."

"Jianna please... let's stop this. Maybe... Maybe my Dad's right. Hindi pa ito ang tamang panahon para sa'tin. Siguro tama si Dad, mga bata pa tayo. Huwag nating madaliin ang mga bagay-bagay. I want you to grow without me. You know I love you but... maybe this is not the right time for us."

I laughed bitterly while wiping my tears falling down through my cheeks.

"So, it's your dad again. Palagi na lang siyang nasasali sa mga away natin dati pa eh, kaya hindi na rin nakakapagtaka na kahit sa paghihiwalay natin siya ang magiging dahilan."

"Jianna, 'wag mong isali si Dad dito. Labas siya sa desisyon ko."

"Bakit totoo naman ah? Every time na mag-aaway tayo nasasali siya sa usapan. Lagi na lang siya ang nagiging center ng pag-aaway natin. Ikaw ang nag-umpisa na isali siya sa usapan na'to Jarren kaya 'wag mo akong sawayin."

Natahimik siya sa sinabi ko at napahawak siya sa baba niya. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko na mabilis ko namang pinunasan.

"Makikipag-break ka sa'kin para ano? Para maipakita mo sa tatay mo ang gusto niyang makita niya sa'yo bilang anak niya? Gusto mong maging proud siya sa'yo kaya igigive up mo ang relasyon natin nang isang taon? For fvck's haven, Jarren this day was special to us. This day is our 1st anniversary together. But sadly...you choose to ruin it."

Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ako kasabay ng pagtanggal ko ng singsing sa kamay ko na bigay niya noong sinagot ko siya bilang boyfriend ko.

"If this will make you happy then I'll go for it. Let's break up. I hope you won't regret this day in our most special day. May isang hiling lang sana ako sa'yo bago ako bumaba sa kotseng ito."

I wiped my tears as I continue.

"Please...Kalimutan mo lahat ng memories na binuo nating dalawa sa isang taon na nagsama tayo. Forget me and I will be happy. Mas ikatutuwa ko iyon."

Nilingon ko siya at kinuha ang kamay niya at nilagay ang singsing na binigay niya sa'kin noon.

"Keep this ring with you. Dahil bukas, susubukan na kitang kalimutan. Susubukan ko ng burahin lahat ng mga ala-alang mayroon tayo kasama ang supling na dinadala ko. Yes, you heard it. I'm pregnant. But I guess, I'm going to abort this child. Hindi ko rin naman kayang buhayin ang batang ito ngayong wala siyang makikilalang tatay. Happy anniversary and happy break up." I said as I open the door of his car and walk across the lane.

Nanghihina ako habang naglalakad papalayo sa kotse niya. It hurts so bad. Knowing na magiging tatay na siya at ngayon ang araw ng anniversary namin ay ang araw din ng paghihiwalay namin. Masakit pero susubukan ko siyang kalimutan. Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad at mahigpit ang hawak ko sa bag pack ko habang ang isang kamay naman ay nasa sinapupunan ko.

Sana'y nasa panaginip lamang ako at may gigising sa'kin at sasabihing isa lang itong panaginip ngunit hindi. Totoo lahat ng ito.

I will not abort this child. Hindi ko kayang pumatay ng batang wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Palalakihin ko siya ng mag-isa. Hinding hindi ako hihingi ng tulong sa pamilya niya. Magiging isa siyang mabuti at mabait na bata.

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit iyon kasabay ng panlalabo ng mata ko. Unti-unti akong napaluhod sa lupa habang hawak ang tyan ko at isa lang ang tumatakbo sa isip ko bago ako mawalan ng malay.

"My baby..."

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon