Chapter 28

1.2K 17 3
                                    

{Chapter 28}

What does that mean? Is that possible that they are relatives? Pero paano?

"Jia? Hey," untag ni Selest dahilan para mapakurap-kurap ako sa harapan niya.

"Uhh," nagpanggap akong masakit ang ulo kaya naman dahan-dahan niya akong pinaupo at dinaluhan ng tubig.

"Ikaw yata ang hindi okay eh, ano bang nangyari bat bigla kang natigilan?"

Napatitig ako sa kaniya. What if? What if they're relatives? Ugh! Hangga't maaari hindi ko pwedeng ipaalam 'to sa kaniya. Gusto kong ako mismo ang makakaalam ng totoo.

"W-Wala. Medyo kumirot lang ang ulo ko alam mo na minsan kasi inaatake ako ng migraine ko eh."

"Sigurado ka? Gusto mong samahan kita magpa-check up? Baka hindi lang basta migraine 'yan, Jia." Ngumiti lang ako sa kaniya at bahagyang pinisil ang kamay niya. Assuring her not to worried about me.

"I'm okay! Iinuman ko lang 'to ng gamot."

Tumango naman siya. Tumayo ako at nagpaalam sa kaniya na aakyat muna ako sa kwarto.

Kung ano-ano na ang mga ideyang pumasok sa utak ko. Dumiretso ako sa cabinet at hinalungkat ang pinakatatago kong gamit doon.

Noong kami pa ni Jarren wala naman siyang nababanggit sa'kin na may hinahanap silang kamag-anak o ano.

Ano ka ba naman, Jia! Possible na baka coincidence lang na same surname sila ni Selest. Marami kayang magkakaapelyido sa pilipinas na hindi naman magkakadugo.

Napasapo naman ako sa aking noo nang wala akong mahanap na impormasyon sa nakatago sa cabinet.

Oo nga naman! Bakit ako nag-iisip ng kung ano gayong wala naman na akong koneksyon kay Jarren.

Muli akong bumaba at hinanap si Kalie para sabay-sabay na kaming kumain ng pananghalian.

∆•∆•∆•∆•∆


Dumaan ang ilang linggo na hindi mawala sa isip ko ang mga ideyang naiisip ko. Hindi ako makampante gayong magkasing apelyido sila ni Jarren. There's this part of me na gustong alamin ang totoo. Na para bang may nagtutulak sa'kin na imbestigahan ko.

Umalis si Selest at nagpaalam na sisimulan na niya ang paghahanap sa totoo niyang mga magulang. Aniya'y hindi siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ang mga ito kaya naman I just wished a good luck na sana mahanap niya na nga at para na rin masagot ang mga katanungan na gumugulo sa isip niya.

"Ouch!" Napadaing ako sa hapdi nang dumaplis ang hawak kong kutsilyo sa daliri ko at nahiwa ito ng bahagya. Dagli ko naman itong hinipan at pinunasan.

"Ma, okay ka lang po?" Nilingon ko naman si Kalie at tumango dito.

Lumapit ako sa lababo at pinadaluyan ng tubig ang sugat ko dahilan para mapangiwi ako sa hapdi. Pagkatapos ay kinuha ko ang first aid at ginamot ito.

"Ma, okay ka lang po ba talaga?" Kalie asked who is now a toddler. She's now turning ten in five days.

Sinulyapan ko siya bago muling pinagtuunan ng pansin ang sugat ko.

"Bakit mo naman naitanong anak? Hindi ba ako okay?"

Kumuha muli siya ng saging at binalatan bago kinain habang napapaisip siya sa isasagot sa'kin.

"Nagtataka lang po ako kasi lagi kayong tulala at parang wala sa sarili eh," aniya at nagkibit-balikat pa.

Napapansin na rin pala niya... Paano ako hindi matutulala kasi naman ginugulo ako ng apelyido ng tatay mo.

"Huwag mo na lang ako intindihin anak. Maayos lang ako. Oo nga pala, hindi ba may nabanggit ka sa'kin... Ano nga ulit yun?" Pag-iiba ko na lang ng topic.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon