Chapter 34

1.3K 20 5
                                    

{Chapter 34}

Bahagya ko siyang naitulak dahil sa pagkabigla ko dahilan para mapaupo siya sa sahig.

"Mom!"

Agad siyang dinaluhan ni Jarren at Natasha para makatayo. Humagulhol naman ng iyak si Natalie.

"You b*tch!" ani Natasha at nanlilisik ang mga matang tinignan ako. Mabilis niya akong sinugod ngunit maagap ko siyang sinampal dahilan para mapasinghap ang mga tao sa ginawa ko.

"What the!?" Napahawak siya sa pisngi niya kung saan ko siya sinampal. Ngumisi ako. That suits you instead. Pakialamera ka kasi!

"I already told you not to interfere in this family matter but you didn't listen." I glared at her. Mangiyak-ngiyak siyang lumapit kay Jarren.

"Sumusobra ka ng babae ka," ani Martin at akmang sasampalin ako ngunit mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Malakas iyon kaysa sa sampal ko kay Natasha at umalingawngaw dahilan para muling mapasinghap ang mga tao.

His eyes widened as he looked at me.
"Ano sa tingin mong akala mo? Masasaktan mo ako ng gano‘n-gano‘n na lang? Hindi porket hindi mo ako anak ay may karapatan ka nang saktan ako." Inilibot ko ang tingin ko sa harap ng tao.

"Tama kayo sa mga naririnig niyo. Hindi ako anak ni Martin Montefiore dahil anak ako sa ibang lalaki ni Natalie. Yes, I am not her biological daughter and this is the reason why they abandoned me because he cannot accept the fact that my mother cheated on him years ago." sigaw ko sa lahat.

"Pinaampon nila ako sa mag-asawang walang anak. Inabandona at kinalimutan. Hindi ko lubos isipin na mismong nanay ko ang gagawa noon sa akin..." mabilis kong pinalis ang luhang pumatak sa aking kaliwang pisngi. As much as possible kailangan kong tatagan ang loob ko. Masakit man pero kailangan ko itong gawin.

"Sino ba namang magulang ang makakayanang ipaampon ang sariling anak kung hindi sila hindi ba? Para lang akong tutang pinamigay sa ibang tao."

"At s’yempre ang magaling kong nanay sinunod ang gusto ng lalaking ‘to..." ani ko at tinuro si Martin sa gilid ko.

Wala pa ring tigil ang iyak ni Natalie habang nasa magkabilang gilid niya si Jarren at Natasha na kinocomfort siya.

"Dahil anak ako sa labas ng nanay ko," I gritted my teeth while emphasizing those last two words.

"At hindi niya matanggap na nagtaksil si Natalie sa kaniya tinakot niya itong may mangyayaring masama kay Jarren na noo'y sanggol pa lang kung hindi ako ipapaampon ni Natalie."

Sunod-sunod na bumagsak ang luha ko at nanginginig na rin ang labi ko. Kahit anong pagpipigil kong hindi manghina at manlambot sa sitwasyon na ito ay hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

"What? Ginawa mo 'yon dad? Anong klase kang ama?" Galit na galit na tugon ni Jarren.

Ni hindi niya ito matignan sa mata dahilan para mas lalong lumakas ang bulong bulungan ng mga bisita. Guilty siya. Hindi siya makaimik dahil totoo lahat ng mga sinasabi ko.

"Hindi ko lubos akalaing mismong mga magulang ko pa ang gagawa sa akin noon." Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napahagulhol na ng iyak habang inaalala ang tagpo kung saan nakita ko ang mga papeles sa cabinet ni Nanay Tinay.

"A-Ate..."

Umangat ang tingin ko kay Jarren at nakitang namumula ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Hindi na ako nag-atubili pa at mabilis niya akong niyakap. Tuluyan nang nagsibagsakan ang luha ko habang yakap ko siya.

Hindi ko siya dapat idamay dito dahil miski siya ay walang alam. Pinaniwala lang siya ni Natalie at Martin sa kasinungalingan. Kapatid ko siya hindi man buo ngunit kapatid ko pa rin siya.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon