Chapter 21

1.3K 19 0
                                    

This chapter is dedicated to my beautiful sister amzixech

{Chapter 21}

"May trabaho ka? Paano ang..."

"Kaya ko!" I cut him off sa sasabihin niya. Sandali ko siyang tinignan sa mga mata at mabilis na umiwas. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong pinaglalaruan ko.

Ramdam ko ang pagtitig niya sakin na nagbibigay sa'kin ng ilang kaya tinignan ko siya.

"Ano ba? Bakit ka gan'yan maka-tingin?" Sinabayan ko pa iyon ng mahinang pagtawa at mahinang paghampas sa braso niya.

Narinig kong bumuntong hininga siya kaya nawala ang ngiti sa aking labi. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa park kung saan malapit ang hospital na pinagdalhan kay Kalie. Tahimik lang kaming dalawa kaya ako na ang sumira ng katahimikang iyon.

"Kumusta ka? May balita ka pa ba kay Zavier?"

Natigilan naman ako nang tapunan niya ako ng hindi pangkaraniwang tingin. That stare...

"Don't change the topic, Jia."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya at ganoon din siya sa'kin.

"Let's talk about you." anito sabay inom sa kapeng binili namin kanina.

Unti-unting kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong tungkol sa'kin ang pag-uusapan namin? Sabog ba siya o ano?

"Bakit? Maayos naman ako ah?"

"Hindi ko gustong nagtatrabaho ka, Jia." Napaiwas ako sa kaniya at sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. Hindi ko kayang tapatan ang mga titig niya na nagbibigay sa'kin ng awkwardness.

Yes. Naiilang na ako sa kaniya dahil nag-iba na nga siya. Hindi na siya yung Nezro na lalambot-lambot at feeling girly kung gumalaw. He changed a lot since they've broke up.

"Kung hindi lang kayo umalis sa bahay hindi ako papayag na nagtatrabaho ka." anito ng hindi ako magsalita. Nakapako lang ang tingin ko sa hawak kong cup ng kape.

"Then, what's your point? Anong gusto mong sabihin?"

"Gusto kong bumalik kayo sa'kin."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nang mapagtanto ang sinabi niya'y mabilis siyang nagsalita.

" I mean... Sa bahay. P-para hindi ka na magtrabaho at kahit ako na lang ang gagawa no'n para sa inyo ng inaanak ko."

May kung anong kumiliti sa akin sa sinabi niya. Parang ngumiti bigla ang puso ko sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa'kin at ganoon din ako sa kaniya.

"No. Hindi pwede, Nez." Mahina pero alam kong narinig niya iyon.

"A-Anong hindi pwede? Bakit?"

Tinignan ko siya sa mga mata niya at kinuha ang kamay niya. Mahigpit ko iyong hinawakan.

"Let me do this, Nez. Hayaan mo akong gawin ko 'to para sa anak ko. Sinabi ko na ito sa'yo noon bago ako umalis sa bahay mo and ayoko ng ulitin pa."

"Pero..." Tinakpan ko ang bibig niya ng hintuturo ko. Natigilan siya at pilit na binabasa ng mata niya ang nasa isip ko.

"I already made a decision at hindi ko iyon bibiguin, Nez. Ngayon ngang nagkasakit si Kalie ay sobra-sobra na ang kaba ko na baka may sakit siyang hindi ko alam at kailanganin ang kakayahan ng ama niyang walang hiya. Ayokong magkaroon ng paraan para magkita silang mag-ama. Ayokong humingi at magmakaawa sa lalaking 'yon, Nez. Alam mo kung gaano ako kagalit sa ginawa niya sa'kin kaya sana hayaan mo na lang ako." May pagsusumamong ani ko bago pilit na ngumiti sa harap niya.

Carrying the Billionaire's Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon